Alvira"Vira, enough na 'yan please." sita sa akin ni Sammie pero hindi parin ako tumigil.
Tinatalian ko ng maliliit at iba't ibang kulay ng rubber bands ang buhok niya. Sa tansya ko ay nasa sampo na ang nagawa ko pero marami pang natirang buhok kaya hindi pa ako tumigil.
Aliw na aliw akong gawin iyon dahil sobrang lambot ng buhok niya, sobrang bango at gandang ganda pa ako sa kulay.
Wala rin naman ang prof namin kaya ayos lang na ito ang pinag kakaabahalan namin. Si Yiren ay abalang mag make up sa sarili niya. Nakatayo lang ako sa harap ni Sammie habang kinakarate ko ang ulo niya.
"May mga natira pa. Tatalian ko lahat ng buhok mo." nakangisi kong sabi. Rinig kong nag buntong hininga siya. Minsan ay napapaaray pa siya tuwing nahihigpitan ko ang pagkakatali.
"Mag mumukha na akong rambutan nito." busangot na sabi niya, tumawa lang ako.
Nag patuloy lang ako sa ginagawa nang hawakan niya bigla ang magkabilang baywang ko. Dahan dahan niya akong tinulak palayo sa kanya kaya nabitawan ko ang buhok niya.
"Enough na babe, I'm getting a headache." reklamo nanaman niya, mabilis niya ring binitawan ang baywang ko nang mag tama ang mga mata namin. Agad na bumagsak ang mga balikat ko at hindi ko alam pero gusto kong maiyak sa sobrang inis.
"Ang damot." umirap ako sa kanya at padabog nalang na naupo sa upuan ko.
"Sa buhok nalang ni Yiren oh, ang haba-haba niyan." rinig kong sabi niya pa. Agad akong umiling na busangot parin. Naiinis talaga ako! Naiiyak ako.
"Ayaw ko sa buhok niya."
"Wow? Nakakaoffend ha." agad na sabi ni Yiren at napahawak pa sa dibdib niya na parang ang sakit ng sinabi ko.
Dahil nga nabadtrip na ako ay hindi na ako ulit umimik, pinapanood ko nalang si Yiren na gawing manika ang sarili niya. Hindi ko na rin sinusulyapan at pinapansin ang katabi kong si Sammie. Hanggang sa natapos nga ang period na 'yon.
Lunch time na at kaming dalawa lang ni Yiren dahil kay Pres na muna sasabay si Sammie, nasanay na rin kami dahil simula nong maging sila ay doon na siya laging sumasabay tuwing lunch time. Ayos na rin iyon at masaya naman kami para sa kanya.
Hanggang ngayon ay nasusuka parin talaga ako tuwing nakakaamoy at nakakakain ng chicken curry—or any curry! Hindi ko alam kung bakit pero baka nag iba lang talaga ang taste ko ngayon, hindi ko na nagugustuhan ang amoy nun.
Hindi ko na rin naman iniisip na baka buntis nga ako dahil apat na buwan na ang nakalipas simula nong mangyari iyong sa amin ni Sammie. Sa apat na buwan na 'yon ay wala namang nag bago sakin. Wala rin akong napapansing kakaiba maliban syempre sa pagkaayaw ko sa curry.
"Vira." agad akong nag angat ng tingin nang biglang dumating si Sandro. Kakaupo lang din ni Yiren sa harap ko.
Lagi na rin kaming nagkakasabay ni Sandro kumain dito sa canteen, kilala na rin naman siya nila Yiren. Nakakatuwa rin namang kasama si Sandro kaya ayos lang. Agad siyang umupo sa tabi ko.
"Bar tayo mamaya." nakangising aya niya, sumulyap din siya kay Yiren. Ngumisi naman ang bakla at tumango tango habang tinataasan ako ng kilay.
"Birthday ko naman kaya sumama na kayo." dagdag pa ni Sandro dahil hindi kami agad nakasagot.
"Go ako diyan!"
"Sige go!" sagot ko nalang. Mas lumapad naman ang ngisi ni Sandro.
Bihira nalang akong bumisita sa bar dahil hindi ko na rin trip pumunta roon, minsan kung pupunta man ako ay nakikipag pustahan lang dahil bagot na bagot na ako sa apartment ko. Kaya ngayong nag aya si Sandro, ngayon lang ulit ako papasok sa lugar na 'yon.
Nang matapos nga ang lunch break ay bumalik na rin naman kami ni Yiren sa room. Nang makaupo kami sa upuan ay saktong pag pasok din ni Sammie sa pinto, busangot ang mukha.
"Bakit malungkot ang baby na 'yan?" natatawang tanong ko.
Bumuntong hininga lang siya at naupo sa upuan niya. Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin. Yumakap din sa akin si Yiren. Pilit ko silang tinutulak dalawa.
"Ano bang problema?" tanong ko kay Sammie nang kumalas na silang dalawa sakin. Parang naiiyak na siya.
"Remember nong sabi ko na dadating ngayon ang childhood friend ni Rance? Super taray niya!" busangot niyang sabi. Nagkatinginan naman kami ni Yiren.
"What? May dumating na kontrabida sa love story nyo." natatawang pang aasar ni Yiren na mas lalong ikinalungkot ni Sammie.
"Sobrang close pa nila." dagdag niya.
"May kaibigan bang hindi close? Tanga ka rin eh." natatawa kong sabi.
Umirap lang si Sammie at busangot parin.
"Don't tell me you're jealous? They're childhood friends, babe, and Pres is gay, kahit nga tayo sobrang lapit natin kay Vira, wala naman tayong balak patulan siya, for sure ganun lang din si pres sa kanya." agad akong napaubo sa sinabi ni Yiren.
Sabay pa kaming nagkatinginan ni Sammie at sabay ding nag iwas. Siguro pariho rin kami ng naisip.
"Nag aya si Sandro na mag bar mamaya, sama ka." pag iiba ko sa topic dahil alam kong pariho naming pilit na kinakalimutan ni Sammie ang nangyari sa amin.
Dahil sa sinabi ni Yiren ay bumalik nanaman tuloy iyon sa utak ko. Tumango lang si Sammie at hindi na ulit nag salita pa.
Kinagabihan nga ay nag punta na agad kami ng bar. Maraming mga barkada roon si Sandro, halos sa mga iyon ay mga players sa football kaya sobrang saya ni Yiren dahil iyon ang gustong gusto niya. Si Sammie naman ay tahimik lang na nag seselpon. Mukhang kachat niya ang jowang si Rance.
Hanggang sa lumalim na nga ang gabi at ilang oras na ang lumipas, nag uusap at tawanan lang kami ni Sandro. Kinukwento niya lang sa akin ang tungkol sa football na hindi ko naman maintindihan.
Medyo nahihilo na nga ako.
"It's getting late. Babes, umuwi na tayo." biglang singit ni Sammie, hinawakan niya agad ang braso ko para alalayan akong tumayo. Sumulyap ako kay Yiren na nakikipag hagikhikan pa sa mga players.
"Maaga pa naman, di pa ako lasing mamaya na." nakangising sabi ko kay Sammie. Kita kong hindi na talaga siya natutuwa.
"Huwag mo na hintaying malasaing ka. Uuwi na tayo, I'm gonna take you home." sabi nanaman niya, nagulat ako nang maramdaman kong pinulupot ni Sandro ang kamay niya sa baywang ko. Nginisihan ko pa siya at aasarin na sana pero nag salita na siya.
"Ako na ang mag hahatid kay Vira." nakangiting sabi niya kay Sammie na ngayon ay busangot na at mukhang gusto nang manakit.
"Inaantok ka na ba? Mauna ka nalang umuwi babe." sabi ko nalang din kay Sammie dahil mukhang uwing-uwi na siya.
"Ako nga ang mag hahatid sayo." madiin na sabi niya.
"Ayaw ko pang umuwi." umiling pa ako at nag patuloy sa pag inom.
Kita kong huminga siya ng malalim at galit na umalis. Napanganga naman ako dahil first time nya atang mag walk-out!
"Baka inaantok na siya." natatawang sabi ko nalang kay Sandro.
Nag patuloy lang kami sa pag inom at usap ni Sandro at nang medyo tama na nga ako ay nag paalam na akong uuwi. Pinipilit pa ako ni Sandro na ihahatid niya ako pero sinabi ko nang si Yiren na ang mag hahatid sakin.
Ayaw pa nga sanang pumayag ni Yiren dahil enjoy na enjoy pa siyang makipaglandian sa mga players pero wala na rin siyang nagawa dahil pinipilit ko na siya. Nag paalam na rin kami agad sa kanilang lahat.
"Where's Sammie?" takang tanong ni Yiren nang makalabas na kami ng bar. Mukhang ngayon niya lang napansin na hindi nakasunod si Sammie sa amin.
"Nag walk out, mukhang bad mood." natatawa kong sabi. Napailing nalang si Yiren at pumasok na nga kami sa kotse niya.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...