LyssamTwo months na ang nakalipas simula nang mangyari ang gabing iyon. Dahil sa huling take ni Vira ng pregnancy test ay nakampante na rin ako sawakas. Sa loob kasi ng dalawang buwan na iyon ay hindi ako nakakatulog ng maayos kakaisip.
At ngayon ngang panatag na ako na hindi talaga siya buntis... kami na nga ni Rance.
Habang tumatagal din kasi ay mas nahuhulog na ako kay Rance, pakiramdam ko ay siya na talaga. Gustong gusto ko ang ugali niya, mukha lang kasi siyang strikto pero napakamaalaga niya.
Dahil nga kami na, minsan ay hindi ako nakakasabay kina Vira na kumain, minsan naman ay kaming apat ang mag sasabay. Mukha ring masaya na si Vira sa bagong lalaki niya ngayon, iyong lalaking nakausap niya rito sa canteen noon.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o ano, pero nag papasalamat nalang din ako na hindi si Harvey ang lagi niyang kasama. Nalaman ko rin na lagi parin siyang pumupunta ng bar. May parte sa akin na nagagalit tuwing nalalaman ko iyon pero iniisip ko nalang kung bakit ko ba siya pag babawalan? Hindi ko nga binabawalan si Yiren...
"Babe! Diba malapit nang manganak si Ate Donna? Bibisita ako sa inyo." excited na sabi ni Vira sakin. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.
"Hala oo nga pala! Sama ako!" singit naman ni Yiren.
"Sure, hinahanap na rin kayo nila Mommy eh."
Dahil nga medyo matagal na kaming magkaibigan tatlo. Madalas din kasi silang bumibisita sa bahay tuwing weekends, kung hindi sa apartment ni Vira ay sa bahay talaga kami tumatambay. Matagal na rin silang hindi pumupunta roon kaya hinahanap na sila ng parents ko.
"Gusto kong bigyan ng pasalubong si Ate Donna, ano ba ang gusto niya?" tanong nanaman ni Vira.
"Watermelon with ketchup." nakangiwi kong sabi. Sabay naman silang dalawa na napasinghap. Natigilan pa sa pag susuklay si Vira at nanlaki ang mga matang bumaling sakin.
"Oh that's nasty." maarteng sabi ni Yiren. Napailing naman si Vira na mukhang sukang suka na sa naisip. "Hindi ko maimagine." sabi niya pa.
"Diba lalaki ang baby niya? Ano magiging pangalan?" tanong nanaman ni Vira.
Nag patuloy na siya ulit sa pag susuklay, nakahawak lang si Yiren sa pocket mirror sa harap niya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang sinusuklay niya ang buhok niya... naalala ko na sobrang bango nun.
Napatikhim nalang ako.
Another not-so-gay behavior 'yon!
"Not sure yet babe, but it might be Levi kasi 'yon iyong napag-usapan namin ni Ate." sabi ko nalang.
Excited na excited naman si Yiren. Tinatali na rin ni Vira ang buhok niya, minsan ko lang siya nakikitang nakahigh ponytail. Sobrang presko niyang tingnan hindi ko tuloy maiwasang mapatitig ulit.
Nang bumaling siya sakin ay napasandal nalang ako sa upuan ko. Nag iwas ako ng tingin. Pinapaypayan ko nalang ng kamay ang sarili ko dahil medyo umiinit na ang pakiramdam ko.
"Omg! I'm so excited to see her baby! Sa ating tatlo, you're the only one who can have kids Vira, so please... find yourself a handsome guy to marry para ganahan naman akong kargahin ang baby mo!" maarteng sabi ni Yiren na agad ikinatawa ni Vira.
Tahimik lang ako dahil medyo hindi ko nanaman nagugustuhan ang pinag uusapan nila.
"Pero diba sabi mo babae parin ang papakasalan mo? Ako nalang kaya!" pag bibiro pa ni Vira. Umakto namang nasusuka si Yiren.
"Ew ka. Hindi nga kita kayang titigan ng matagal dahil nandidiri ako, baka pag kinasal tayo imbis na kiss the bride, makipag highfive lang ako!" reklamo ni Yiren. Humalakhak naman si Vira.
Natigilan tuloy ako. Bakla kaming dalawa ni Yiren at nakakalokang isipin na sinabi niya iyon mismo sa harap ko pagkatapos kong titigan ng ilang beses si Vira!
Buong buhay ko ay never kong pinagdudahan ang kasarian ko dahil siguradong sigurado naman na akong bakla ako... maliban ngayon.
Simula talaga nang mangyari ang gabing iyon kasama si Vira ay hindi ko na makilala ang sarili ko. May mga nararamdaman akong hindi ako pamilyar na pilit ko nalang inaalis at binabaliwala dahil mababaliw lang ako kung iisipin ko pa iyon ng mabuti.
Kaya tinutuon ko nalang talaga ang atensyon ko kay Rance. Tuwing magkasama kami ay doon ko lang nararamdaman o naalala kung ano talaga ako, kung ano ako dati... nakikilala ko lang ang sarili ko pag siya ang kasama ko.
"Yiren! Vira! Mabuti at bumisita kayo! Sobrang namiss ko na kayo!" agad na nag yakapan sila Ate Donna nang makarating kami sa bahay. Mabilis ko ring inutusan ang mga katulong namin na mag handa ng snacks.
"Ate Donna, you're rocking that baby bump like it's a designer handbag!" agad naman kaming natawa sa sinabing iyon ni Yiren, hinampas pa siya agad ni Ate. "Ang kulit mo paring bakla ka!"
"Vira! Mukhang mas naging blooming ka ngayon ah!" baling naman ni Ate kay Vira. Ngumisi lang ito at nag flip hair para mag yabang. Napairap nalang ako.
"Ganyan talaga ate pag marami kang lalaki." nakangising sabi niya pa. Tumawa naman si Ate at si Yiren.
Nang matapos na nga ang kumustahan nila ay tumambay muna kami sa balcony ng bahay namin dahil doon ang paborito naming puwesto, mahangin at kitang kita ang garden namin.
Kumakain na kami sa table at napapangiwi ako tuwing napapasulyap sa gawi ni ate Donna na kumakain nanaman ng watermelon na may ketchup. Bakas din sa mukha ng dalawa kong kaibigan ang pandidiri.
"Sounds like... Sammie's friends are here. Hi girls!" biglang sulpot ni Mama, agad na tumayo ang dalawa para batiin ito at bumeso.
Nakasuot lang si Mama ng royal blue na dress, at naka bun ang light brown niyang buhok. Striktang strikta ang dating niya pero kilala naman na siya nila Vira kaya hindi na sila natatakot.
"Hello po tita. Long time no see!"
"Ngayon lang kayo napabisita—hija, are you on your period?" agad na tanong ni Mama kay Vira, lahat tuloy kami ay napatingin sa kanila, nakasuot si Vira ng light blue na shorts kaya kita nga ang medyo maliit na mantsa ng dugo.
"Po?!" di makapaniwalang tanong, sinilip niya pa iyon sa likuran niya. "Hala? Di pa naman dapat ngayon ang period ko!" busangot niyang sabi.
"It's okay hija, may mga irregular periods talaga." maarteng sabi ni Mama.
"Teka, mukhang may mga natira pa naman akong extra pads. Kukunin ko lang." akmang tatayo na sana si Ate Donna pero mabilis ko na siyang inunahan.
"Ako na kukuha ate." sabi ko nalang dahil sobrang laki na ng tiyan niya, masyadong delikado na aakyat baba siya sa hagdan namin. Sinabi niya na rin sa akin kung saan niya nilagay iyon at pinasunod ko lang din sa akin si Vira.
Nang makuha ko na nga iyon ay agad ko siyang dinala sa kwarto ko para makapag bihis na rin siya, inabutan ko lang siya ng gray sweatpants dahil iyon lang ata ang adjustable sa lahat ng pants ko.
"Babe, dito ka na mag bihis." sabi ko agad sa kanya, tumango lang siya sakin kaya agad na akong lumabas ng kwarto at bumalik na sa balcony. Umalis na rin naman si Mama kaya si ate at si Yiren nalang ang nag uusap.
Ilang sandali lang ay bumalik na rin naman si Vira. Hindi ko maalis sa kanya ang tingin ko. Nakaponytail na siya ngayon, naka-white tank top na cropped kaya kitang kita ang nipis ng baywang niya. Mas lalo lang ata akong hindi makahinga nang makita kong bagay na bagay sa kanya ang sweatpants ko.
Nang makalapit siya sa amin ay agad akong nag iwas ng tingin at uminom nalang ng napakalamig na tubig. Muntik pa akong magka-brain freeze!

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...