Alvira"Rance will eat with us, is that okay with you babes?" Tanong ni Sammie, nakangisi akong tumango-tango at tumili naman si Yiren sa kilig. Nag lalakad na kami papasok ng canteen.
"Kayo na ba?!" Excited na tanong ko, sumulyap naman sakin si Sammie at dahan dahang umiling. Agad na bumagsak ang mga balikat ko. Dalawang buwan na silang laging nag didate-date pero hindi parin sila.
"What?! Omg don't tell me pakipot ka parin? Diba you like him? Bakit di mo agad jowain?!" di makapaniwalang tanong naman ni Yiren, busangot akong tumango bilang sang-ayon sa kanya. Hindi lang sumagot si Sammie hanggang makapasok na kami sa canteen.
"Bilhan nyo nalang ako, hahanap ako ng table." tumango naman sila sakin kaya agad na akong nag hanap ng bakanteng mesa, medyo marami rami na kasi ang tao. Nang makaupo nga ako ay tanaw ko sila Sammie na bumibili, kita ko ring lumapit na sa kanila ang seryosong si Pres.
"Excuse me. May kasama ka ba rito?" nag angat ako agad ng tingin nang may lumapit sa table, isang lalaki na hindi ko kilala pero maayos naman ang mukha niya.
"Ah, oo eh... bumibili pa." turo ko sa banda nila Sammie, sumulyap siya at busangot na tumango nalang. Nang bumaling siya ulit sakin ay ngumiti nalang siya ng pilit.
"Ganun ba? Sayang naman." malungkot niyang sabi, agad namang tumaas ang kilay ko.
"Marami pa namang bakante eh." sabi ko, tinuro ko pa ang iilang bakanteng mesa na di naman masyado ng kalayuan. Natawa naman siyang umiling.
"Kakain lang ako sa mga bakanteng mesa na 'yon kung lilipat ka dun." nanlaki naman ang mga mata ko nang sabihin niya iyon. Ngumisi pa siya sakin na mas lalo kong ikinamangha. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago kami sabay na natawa.
"Wow, inuna pa ang landi kesa ang kumain." naiiling na sabi ko. Mas humalakhak lang siya.
"Nga pala, I'm Sandro." pakilala niya sakin, nilahad niya pa ang kamay niya sa harap ko na agad ko ring tinanggap iyon at nag pakilala.
"Sandro? Ah... iyong football player na babaero?" tanong ko pa, kita kong agad nalukot ang mukha niya na mas lalo kong ikinatawa. Nahihiya naman siyang napakamot sa batok niya.
"Sirang-sira na pala talaga ang image ko sa school na 'to." parang nahihiya niyang sabi na agad ko ring ikinatawa. Totoo naman kasi, maraming nagkakagusto sa mga football players na to kaya lagi ko nang naririnig ang pangalan ng isang 'to.
Napawi lang ang tawa ko nang may biglang tumikhim sa gilid namin, nag angat ako ng tingin kay Yiren at Sammie na tumataas na ang isang kilay sakin.
"Nandito na pala ang mga kasama mo, bye Vira. Sana magkausap pa tayo ulit." agad na paalam ni Sandro, nakangiti akong kumakaway sa kanya. Nang makalayo na nga siya ay muli kong binalingan ang mga bakla kong kaibigan at si Pres.
"I saw it... kakaiba ang mga stares, sino 'yon? Bakit ganun?" sunod sunod na tanong ni Yiren sakin, halata sa boses ang pang aasar. Nakanguso nalang akong umiling. Umupo siya sa tabi ko at si Sammie at Rance naman ang nasa harap namin.
"Ano binili nyo sakin?" nakangising tanong ko, nilapag naman ni Yiren sa harap ko ang curry.
"Your favorite... chicken curry!" masayang anunsyo niya. Mag uumpisa na sana akong kumain nang bigla akong napangiwi dahil sa amoy. Napatakip ako agad sa ilong at bibig ko.
"Bakit?"
"Ang baho. Nasusuka ako." tumayo pa ako para lumayo sa mesa namin. Taka naman akong tiningnan ni Yiren, kita ko pang inamoy niya iyon, tinikman niya na rin.
"Maayos naman ah." kunot noong sabi niya. Umiling iling lang ako. Kahit medyo lumayo na ako ay nasusuka parin ako sa amoy. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain.
Napasulyap ako sa banda nila Sammie na ngayon ay tumigil na rin sa pagkain, seryoso at taka lang na nakatingin sa akin si Rance, si Sammie naman ay titig na titig sakin. Napaiwas lang ako ng tingin nang muntik na talaga akong maduwal. Agad na tumayo si Yiren.
"I'll throw this nalang siguro. Bibili ako ng bago, anong gusto mo?" nag aalalang tanong niya, lumapit pa siya sakin.
"Hindi na ako kakain." sabi ko nalang dahil sukang suka na talaga ako. Kita kong mas nag alala lang siya.
"Are you sick babe? Dadalhin kita sa clinic!" umiling lang ako kaya naguguluhan na siya sa gagawin. Kinuha niya nalang iyong chicken curry at dinala sa kung saan. Nang medyo nawala na ang amoy nun ay bumalik nalang ako sa upuan ko.
Tahimik lang ako, si Sammie at Rance naman ay nag uusap usap lang. Sa naririnig ko ay mukhang nag kukwento si Rance tungkol sa childhood friend niyang balak daw mag trasnfer dito. Sumulyap ako sa kanila at kita kong sa akin pala nakatingin si Sammie.
"So hindi ka ba talaga kakain?" tanong nanaman ni Yiren nang makabalik na siya. Ngumiti ako at umiling nalang.
"Mamaya na siguro ako, wala akong gana." busangot na sabi ko. Malungkot naman siyang nakatingin sakin.
"Nong nag tapon ako kanina, I overheard a student complaining because they didn't like the adobo, baka may mali rin talaga sa chef nila ngayon. Nakakaloka." rinig kong sabi ni Yiren at nag umpisa na nga siyang kumain.
"I feel like... mababaliw na talaga ako sa mga happenings, Vira. Here." abot ni Sammie sa akin nong dala niyang supot nang makarating kami sa apartment ko. Kinuha ko nalang iyon agad dahil alam ko naman na kung ano ang laman nun.
Dahil nga sa nangyari kanina sa canteen ay naisipan agad ni Sammie na bumili ng PT pagkahatid niya sakin pauwi. Medyo kinakabahan din ako pero pakiramdma ko hindi naman ako buntis dahil may regla naman ako nong nakaraang linggo.
Pupunta na sana ako sa banyo nang agad niya akong pigilan.
"Would you be comfortable taking the pregnancy test in front of me?" tanong niya sakin. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi ko na mapigilan ang matawa sa sobrang pagkamangha. Busangot niya lang akong tinitingnan.
"Gago? Pinagdududahan mo ba ako?!" di makapaniwalang tanong ko.
Iniisip niya ba na hindi ko talaga ginamit ng maayos ang PT? Bakit ko naman gagawin iyon? Bakit naman ako mag sisinungaling? Kita kong bumuntong hininga siya.
"I can't help but feel like maybe the test hasn't been done properly or baka... hindi mo talaga ginagawa." madiin na sabi niya. Mas lalo lang napaawang ang labi ko dahil iyon nga talaga ang iniisip niya!
"Paano kung mag positive?" pang aasar ko pa. Natigilan naman siya at mukhang nag iisip ng malalim. Nakagat niya pa ang labi niya na parang kinakabahan. "Papakasalan mo ba ako?" dagdag ko pa, pigil na pigil akong matawa nang makitang halos lumuwa na ang mga mata niya.
"Oh my goose?! You want me to marry you?!" doon na ako natawa. Kita kong parang naiiyak na siya kaya mas lalo pa akong napahalakhak.
Umiling nalang ako agad.
At dahil nga namimilit na siya ay pumayag nalang ako, sobrang nakakahiya at sobrang awkward pero ginawa ko na nga lang iyon. Nasa apat na PT pa ang kailangan kong gamitin at nang matapos nga ay...
"See?" nakangising sabi ko nang makitang negative iyon ulit. Kita ko naman nakahinga siya ng maluwag. Lumabas na kami ng banyo at agad siyang napaupo sa sofa ko.
"Two months na ang nakalipas, babe... let's move on." nakangiting sabi ko nalang sa kanya, nag angat lang siya ng tingin sa akin. Ngumiti nalang din siya at tumango.
"Kami na ni Rance." agad na sabi niya.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...