Chapter 12

8.9K 400 113
                                        


Lyssam

"Thanks babe." pasalamat ni Vira sakin at bumaba na siya ng sasakyan ko. Bumaba na rin ako dahilan para taka niya akong lingunin. Nag lakad na kaming dalawa palapit sa apartment niya.

"Hoy! Anong gagawin mo rito?" tanong niya nang makapasok na kaming dalawa sa loob. Bumuntong hininga lang ako at inabot sa kanya ang hawak kong supot. Mas lalo lang kumunot ang noo niya, ilang segundo pa bago niya ito tinanggap at tiningnan.

"Huh? Nanaman?!" nakangiwing sabi niya nang makitang pregnancy tests ang laman nun.

Iniisip ko kasi na baka masyadong maaga lang ang ginawa naming testing noon kaya nag nenegative iyon. Nag dududa at nag aalala parin ako kaya naisipan kong dalhan ulit siya ngayon para matest niya ulit.

Isang buwan na ang lumipas simula nang mangyari iyon, siguro naman ngayon malalaman na namin ang totoong resulta.

"Gusto kong itest mo ulit." busangot na sabi ko. Nag angat siya ulit ng tingin sa akin at sumulyap nanaman sa hawak niyang PT. Lukot na lukot ang mukha niya na parang ayaw itong gawin.

"Ito ba ang dahilan bakit hindi pa kayo ni Rance?" taas kilay na tanong niya.

Natigilan ako dahil iyon ang totoo... ang pinaka ayaw ko ay ang magulong relasyon. Kung may kailangan akong haharaping problema, ayaw na ayaw kong madadamay si Rance. Ayaw kong may inaalala akong responsibilidad kay Vira tapos may kailangan din akong ibibigay na atensyon kay Rance kahit gaano ko pa siya kagusto.

Hindi ako sumagot at mukhang alam na rin ni Vira ang sagot sa tanong niya.

"Isang buwan na ang lumipas, wala naman akong morning sickness o ano—"

"Do it, Vira. Let's not be careless." sabi ko nalang, huminga siya ng malalim at inis na tumango kaya umupo nalang ako sa sofa niya, kita ko namang dumeretso agad siya sa banyo.

Hindi ko talaga alam pero simula nang maisip kong posibleng nabuntis ko si Vira ay hindi na talaga ako mapakali. Hindi ako masyadong nakakatulog sa gabi dahil may pakiramdam akong hindi ko ma explain! Kaya hangga't maaari ay itetest talaga namin iyon para makasiguro ako.

Pero paano kung nag positive na this time? Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko kung nangyari iyon... iiyak ba ako? Maiinis? Magagalit? Sasaya? Mababaliw? Paano ko sasabihin sa iba na bakla ako pero may anak ako sa babae?! Hindi ko ata kakayanin iyon.

Ilang sandaling pagtutulala ay narinig ko nang bumukas ang pinto ng banyo niya, kita ko siyang ngiting ngiti na lumabas ng banyo, nilapag niya agad sa harap ko ang tatlong PT na puro negative ang resulta.

Hindi ko alam pero may parte sa akin ang nadismaya.

Bakit naman ako madidismaya?! Nakakadiri, bakla ako kaya mas mabuting ganito ang resulta dahil hindi dapat ako nakakabuntis ng babae! Nababaliw na ba ako?

"Sabi sayo eh." natatawa niyang sabi at padabog na naupo sa sofa, katabi ko. Ilang sandali rin kaming natahimik bago ako tumikhim at ngumiti nalang sa kanya.

"Good! Now, aalis na ako. Bye babe." agad akong tumayo at hinalikan ang ulo niya, walang gana niya lang akong tiningnan at tamad na kumakaway sa akin.

"Itetest natin ulit after two months." pahabol ko.

Kita kong natawa naman siyang napapailing. Nag paalam nalang ako ulit sa kanya at lumabas na nga ng pinto. Nang makapasok ako ng kotse ay natulala nalang ako.

Negative ang resulta pero iba talaga ang pakiramdam ko. Ito ba ang sinasabi nilang girl's instinct?! Kaya sisiguraduhin ko talang mag tetest kami ulit after two months para makampante na talaga ako. Gusto ko nang ibalik ang peace of mind ko.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon