Chapter 11

7.7K 349 61
                                        


Alvira

"Alvira, you need to stop drinking. I swear, I can't carry both of you if you get wasted." agad akong napa angat ng tingin kay Sammie nang agad niyang inagaw sa kamay ko ang basong hawak. Mukhang ganun din ang ginawa niya kay Yiren na ngayon ay nakasandal na sa balikat ni Jelson.

"Don't worry, I got her. I'll take her home." rinig ko namang sabi ng katabi kong si Harvey. Nakangisi naman akong tumango-tango.

"See? Akin na ulit 'yan! Di pa naman ako lasing e." akmang aagawin ko pa ang baso pero mabilis niya iyong iniwas sa akin.

Kita ko agad ang pag taas ng isang kilay ni Sammie sa sinabi ko. Kulang nalang ay umirap siya.

Hindi pa naman talaga ako lasing, hindi ako madaling malasing. Namumula lang ako ngayon panigurado pero maayos pa naman ang takbo ng utak ko at alam ko pa ang mga ginagawa ko. Hindi na rin ako papayag na maulit pa ang nangyari noon... masyado iyong nakakatakot dahil wala ako masyadong naaalala.

"No. Sabay tayong pumunta rito kaya sabay din tayong uuwi." madiin niyang sabi. Napailing nalanga ko at sumulyap kay Yiren, nakatulog na siya. Sa tansya ko ay mag a-ala una na ng madaling araw at may pasok pa kami bukas.

"We should go home." rinig kong sabi nanaman ni Sammie, tumango ako at akmang tatayo na pero mabilis akong pigilan ni Harvey.

"Ang aga pa, we're not done yet Alvira... huwag mo akong bitinin." rinig kong sabi ni Harvey, bago pa ako makapag salita ay sinunggaban niya na ako ng halik. Halata sa galaw niya na lasing na lasing na siya.

Akmang itutulak ko na siya nang maramdaman kong may humila sa braso ko patayo. Muntik pa akong matumba. Kita kong si Sammie iyong humila sakin, salubong ang kilay niyang nakatitig lang sakin.

"Ang sabi ko... uuwi na tayo." madiin niyang sabi, umirap pa siya sakin bago niya ako bitawan at inalalayang tumayo si Yiren.

Nang makapasok na nga kami sa kotse ay inalalayan ko lang si Yiren sa backseat. Si Sammie naman ang nag da-drive. Sa aming tatlo kasi ay mukhang siya lang ang hindi nalasing.

Una naming hinatid si Yiren at ako naman ang ihahatid niya ngayon. Nasa front seat na ako nakaupo. Hindi naman umiimik si Sammie sa tabi ko.

"Ay, nakalimutan kong hingin ang number ni Harvey. Gwapo niya pa naman." busangot na sabi ko. Pansin kong napasulyap sa akin si Sammie pero hindi ko na siya nilingon, antok akong sumandal nalang sa may bintana.

"Huh? Diba dapat siya ang hihingi ng number mo, not the other way around?" maarteng tanong niya.

Agad naman akong natawa, kahit inaantok ay pilit ko talagang minulat ang mga mata ko para makita siya. Saktong napasulyap naman siya sakin kaya natatawa ko nalang siyang hinampas na agad niya ring ikinangiwi.

"Syempre depende 'yon... sa gwapo ni Harvey, okay lang kung ako pa humingi ng number niya." sabi ko nalang.

"You have terrible taste in men, Vira. If ganun na ang gwapo sayo, hindi ko na maimagine ang mukha ng crush mo sa room natin." umangat pa ang gilid ng labi niya na parang nang-aasar.

Napanganga naman ako sa gulat. Ilang sandali pa akong natigilan bago ako tuluyang napahalakhak.

Nakakainsulto ang sinabi niya pero dahil siya naman ang tinutukoy kong crush ko sa room namin, sobrang funny na tuloy ng sinabi niya. Ganun parin kaya ang sasabihin niya kung sakaling aaminin kong siya 'yon?

Nang humupa na ang tawa ko ay tinitigan ko nalang siya, sa daan naman siya deretsong nakatingin. Sobrang gwapo at ganda ng dating nya ngayon.

Naka satin red velvet button down shirt siya na open ang chest part, nakaayos din ang light brown niyang buhok. May suot siyang mga alahas at light make up—hindi ko alam kung magagwapohan ba ako o magagandahan. Pwede palang makita iyon sa isang tao?

Hindi nalang ako nag salita pa at umayos nalang ng upo, hindi na rin naman siya umimik hanggang sa makarating na nga kami sa apartment ko.

"Thank you, babe." nakangiting pasalamat ko sa kanya, mabilis ko siyang niyakap at bumaba na ako ng kotse.

"Can you still walk?" tanong niya sakin, nakangiti akong mabilis na tumango tango bago ko sinara ang pinto. Kahit medyo nahihilo na ay nakapasok naman ako ng maayos sa apartment ko.

"Napapadalas na ang date date niyo ni Rance ah! Kayo na no?" nakangising tanong ni Yiren kay Sammie. Kumakain lang ako ng lollipop habang pinapanood silang mag usap sa harap ko.

"Not yet." tipid na sagot lang ni Sammie.

May suot siyang black hairband kaya nakaslicked-back ang buhok niya ngayon, kitang kita ang gwapo niyang mukha. Natigil ang mga mata ko sa labi niya... wala akong maalala masyado sa nangyari samin pero may natatandaan akong nag halikan kami, pakiramdam ko lang ay panaginip lang iyon.

Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya bumaling siya sakin. Muntik ko pang malunok ang lollipop ko nang mag tama ang mga mata namin.

"Hindi pa kayo? Don't tell me you're still playing hard to get? Omg babe, that's so out of style!" pang aasar pa ni Yiren sa kanya. Nilipat ko nalang ang tingin ko sa mga kaklase ko dahil hindi niya inaalis ang mga mata niya sakin.

"That's not it... may ibang rason lang ako." mahinang sabi ni Sammie, napalingon ako ulit sa kanya at hindi naman na siya sakin nakatingin.

"By the way, Vira... binigay ko kay Harvey ang number mo." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, sabay pa kaming tumili dalawa na agad ikinangiwi ni Sammie.

"Hala?! Hiningi niya sayo number ko?!" di makapaniwalang tanong ko. Masayang tumango-tango naman si Yiren. Nag highfive pa kami at sabay ulit na tumili sa kilig.

Wala akong balak magkajowa sa ngayon pero di naman masamang may makadate o pagkakaabalahan, gwapo na rin naman siya kaya hindi na rin masakit sa mata. Okay na 'yon.

"Yes! I think you kissed him so good he can't get over it!" sabay pa kaming nag tawanan ni Yiren nang sabihin niya iyon.

"Babes, I love the enthusiasm, but my eardrums are begging for mercy." pariho kaming natahimik ni Yiren nang biglang mag reklamo si Sammie. Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko. Badtrip na badtrip na kasi ang bakla.

"Ay may nag seselos na..." pang aasar nanaman ni Yiren, kunot noo siyang binalingan ni Sammie, tahimik ko lang silang pinapanood ulit.

"Bakit naman ako mag seselos?! Ang pangit pangit nun." umirap pa si Sammie sa sobrang inis niya. Ngayon ay si Yiren naman ang kunot noo.

"Huh? That's not what I mean! Ibig ko sabihin nag seselos ka na kaming dalawa lang ni Vira ang nag tatawanan—actually, nevermind, I'm more curious about what you were thinking."  pinaningkitan pa ng mata ni Yiren si Sammie.

Kita ko namang nanlaki ang mga mata ni Sammie, parang kriminal na nahuli. Tumikhim nalang ako.

Bago pa siya mapaulanan ng napakaraming tanong, dumating na ang prof namin kaya napilitan nalang kaming bumalik sa mga upuan namin at makinig ng mabuti.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon