Lyssam"Omg!" agad akong napalingon kay Yiren nang biglang siyang tumili. Umiinom lang ako ng juice habang hinihintay silang matapos mag bihis.
Lumabas nga sa banyo si Vira dahil siya ang huling nag bihis sa amin. Nakangiti siyang umikot ikot sa harap ni Yiren. Hindi ko maiwasang mapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Hapit na hapit sa katawan niya ang itim na silky slip dress na kitang kita ang buong likod. Naka-bun din ang hindi kahabaan niyang buhok kaya may iilang hibla nun na nasa gilid lang ng mukha niya. Mas dark din ang make up niya ngayon kumpara sa kadalasang ginagawa niya sa school.
"Ang yummy mo girl!" tili nanaman ni Yiren, pumalakpak pa siya at inayos ayos ang buhok ni Vira. Natatawa naman siyang tiningnan nito.
"Natikman mo na ba?" pang aasar niya pa.
Agad akong nasamid sa iniinom ko. Buti nalang at mukhang hindi naman nila napansin ang pag ubo ko.
"If I wasn't gay, babe, I'd definitely date you, but like... hindi kasi tayo talo eh!" mataray na sabi naman ni Yiren. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila at tinuon sa phone ang atensyon kahit wala naman akong ginagawa.
Hindi ko lang nagustuhan ang pinag uusapan nila dahil nakaramdam ako ng kakaiba... pakiramdam na ayaw na ayaw kong maramdaman lalong lalo na sa babae at sa kaibigan ko pa. Parang nakakadiri kahit hindi naman talaga ako nandidiri, ewan. Hindi ko na alam!
Hindi ko nanaman kasi mapigilang maalala ang nangyari. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa ang balat niyang dumidikit at dumadampi sa katawan ko.
Naiinis na talaga ako sa mga naiisip ko!
"Tingin mo, ilang lalaki magiging jowa ko ngayong gabi?" rinig kong tanong ni Vira kay Yiren.
"Ninety nine!"
Alam kong biro lang 'yon pero nairita ako bigla sa narinig kong iyon, kaya hindi na ako nag salita, hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nairita dahil dun. Nag patuloy nalang ako sa pagsimsim ng juice.
Napabuntong hininga nalang ako nang makapasok na kami sa bar. Sabrang ingay, sobrang gulo, sobrang sikip, sobrang daming tao. Wala talaga akong makitang magandang rason para tumambay sa ganitong klaseng lugar!
Naunang mag lakad sa akin si Vira at Yiren, naka akbay siya kay Vira, hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa likod nilang dalawa pero mas napatitig ako sa sobrang exposed na likod ni Vira—tangina naman, kailan pa ako naging pakialamera sa suot ng mga kaibigan ko?!
Iniwas ko nalang ang tingin ko at agad naman kaming umakyat sa hagdan dahil mukhang sa itaas na parte ng bar ang gustong pwesto ni Yiren. Mas okay na rin dahil mas kalmado dun, walanh sumasayaw at puro nakaupo at nag iinuman lang.
Pag dating na pag dating nga namin ay umupo na kami agad, may mga lumapit naman sa amin para ilapag ang mga inuming sa tingin ko ay naorder na agad ni Yiren.
Hindi ako madalas mag bar pero umiinom parin naman ako, kaya nga laking pag tataka ko bakit nalasing agad ako sa tatlong shots na 'yon noon... pakiramdam ko tuloy, may nakahalo dun.
Naalala ko pa na lalaki ang nag bigay sa kanya ng inumin na 'yon, may binabalak ba sila kay Vira? At halos gabi-gabi pang tumatambay dito ang bruha, lagi bang ganun ang nangyayari? Bakit parang nabubwisit ako?
"Babe! Kanina ka pa tahimik, don't you like it here?" busangot na tanong sa akin ni Yiren, agad akong natawa.
"Of course nagustuhan ko. Don't mind me, okay? Let's just enjoy your day." sabi ko nalang, nag buntong hininga naman siya.
Nag umpisa na rin naman kami agad na uminom. Nag kukwentuhan lang sila nila Vira at paminsan minsan ay nakikisabay ako kung nagugustuhan ko ang topic nilang dalawa na puro lalaki lang din.
"If you just told me who your crush is, we should've invited him here. But... may pasecret secret ka pa eh, ano ka high school?!" nag cross arms pa si Yiren na parang batang nag tatampo, natatawa naman siyang hinampas ni Vira.
"Maybe because her crush is Edward?" natatawang singit ko sa usapan nila. Nanlaki naman ang mga mata ni Vira at sabay sabay kaming humalakhak tatlo.
Si Edward ang kaklase naming mayaman na sobrang yabang, pinagkaitan ng kagwapuhan at mukhang allergic sa tubig dahil parang hindi naliligo.
"Hoy baliw ka! Gwapo gwapo kaya ng crush ko." nakangising sabi ni Vira, kumindat pa siya sakin na agad kong ikinangiwi.
Nagpatuloy lang sila sa pag uusap, ako naman ay abala sa phone ko dahil nag chachat nga sakin si Rance. Tinatanong niya lang kung nasaan ako at sino ang mga kasama ko. Yiren invited him pero mukhang gaya ko, hindi rin talaga mahilig sa bar si Rance kaya tumanggi ito.
Habang tumatagal din ay napapansin kong mas nagugustuhan ko na siya. Noon ay naaattract lang ako sa itsura niya pero sa ilang beses naming pag di-date, napapansin kong sobrang bait at maalaga niya rin. Pakiramdam ko tuloy... mahal ko na talaga siya.
"Oh wait lang ha, there's no way I'm letting this night slip by without having a blast! I'm definitely grabbing someone na sasamahan tayo rito." agad na tumayo si Yiren. Halata rin sa galaw at itsura niya na tumatama na ang alak sa kanya.
"Pero syempre hindi ka na kasali dahil may Rance ka na eh! Samin lang muna ang mga babyboys dito sa bar!" Baling niya sakin, nag paalam pa siya samin at pagewang gewang na nag lakad paalis at bumaba ng hagdan para nga raw mag hanap ng mga unggoy sa baba.
Dahil kaming dalawa nalang ni Vira ang natira rito... ang tahimik na tuloy, sumulyap ako sa kanya na mabilis na nilagok ang alak, sumandal siya agad sa upuan.
"Babe, I don't think you should be drinking, baka you're..." sumulyap pa ako sa tiyan niya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Kita kong natigilan siya at agad na umayos ng upo.
"Kinikilabutan ako! Bakit parang ako pa ang bakla sa ating dalawa dahil mas nandidiri ako sa mga iniisip mo?! Pwede bang huwag nalang natin to pag usapan?" nalukot pa ang mukha niya kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Huwag mo sabihing iniisip mo parin 'yon?!"
"Of course not! I was just... worried." busangot na sabi ko. Nag iwas nalang ako ng tingin at uminom ng alak. Bakit ba iniisip ko pa ang tungkol dito? I'm gay and hindi dapat ganito ang mga iniisip ko!
"Hey! Nandito na kami!" pariho kaming nag angat ng tingin kay Yiren nang makabalik na ito, may dala siyang dalawang lalaki. Talagang tinotoo niya ang sinabi niyang hindi niya ako bibigyan ng lalaki.
"Hey boys... these are my friends, Sammie but he's off-limits so huwag nyo na siyang landiin, dito nalang kayo sa isang pretty lady right here! Alvira!" pakilala niya kay Alvira sa dalawang lalaki. "And babes, sila nga pala si Harvey and Jelson." pakilala naman niya sa mga lalaki.
Nakangiti akong nakipag kamayan sa kanila. Pumwesto naman sila agad sa kung saan nakaupo iyong dalawa. Walang ganang sumisimsim nalang ako rito sa gilid.
Pagkatapos nga ng halos isang oras na kuwentuhan at tawanan, tumigil na ako sa pag inom dahil medyo nararamdaman ko na ang sipa ng alak.
Napabaling ako sa mga kasama ko at kita kong tama na talaga si Yiren, parang inaantok na siyang makipag usap sa kaharap niyang si Jelson.
Nalipat naman ang mga mata ko sa banda nila Vira. Nag bubulungan sila na kulang nalang ay mag halikan sa sobrang lapit sa isa't isa. Namumula na rin ang mukha ni Vira at tumawa tawa sa kung ano mang binubulong ni Harvey sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang kamay nong lalaki na nasa hita na niya.
Agad akong napapikit nalang ng mariin dahil parang pumapangit na ang pakiramdam ko.
Bakit ako naiinis?
Kahit mag halikan pa sila sa harap ko ay wala naman dapat akong paki. Gusto ko nalang sampalin ang sarili ko.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...