AlviraSabado ngayon at wala na akong magawa. Bukas na ang birthday ni Yiren pero hindi pa ako nakakabili ng regalo kaya naisipan kong ngayon nalang aalis.
Nag suot lang ako ng black sleeveless blouse and white high waisted shorts. Mabilis lang din akong nag ayos, hinayaan ko lang na nakalugay ang shoulder length kong buhok. Bago ko pa masuot ang flat sandals ko, may kumatok na sa pinto.
Wala naman akong inaasahang pupunta ngayon sa apartment ko pero binuksan ko nalang iyon. Napaawang ang labi ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Sammie. Tipid siyang ngumiti sakin at pinasadahan pa ako ng tingin.
"Babe, bakit ka nandito?"
"Oh may lakad ka?" tanong niya naman. Kunot noo ko lang siyang tiningnan. May hawak siyang supot.
Bakit ba siya nandito?
Simula nong mangyari iyong bagay na hindi naman dapat mangyari, hindi na siya kailan man pumasok sa apartment ko at naiintindihan ko 'yon dahil maging ako ay hindi ko na siya gustong makita sa apartment ko! Sobrang awkward at ayaw na ayaw ko nang maalala iyon.
Ngayon lang siya ulit pumunta rito. Kahit lagi niya parin akong sinusundo o kaya hinahatid...hindi talaga siya pumupunta rito mismo sa loob ng apartment ko.
"Bibili lang sana ako ng ireregalo kay Yiren bukas. Bakit ka nandito?" tanong ko ulit, kita kong nag dadalawang isip pa siyang pumasok pero ginawa niya parin.
"Diba date nyo ngayon ni Pres?" tanong ko nanaman.
"Maaga lang kaming natapos." sabi niya. Sinundan ko lang siyang nag lakad papuntang living room.
Nakasuot siya ng light pink loose longsleeve at white chino shorts. Maarte siyang naupo sa sofa at nang makalapit ako ay agad niyang nilapag sa mesa ang laman ng supot na dala niya.
Natigilan ako agad nang makita kung ano 'yon.
Pregnancy test?!
Gulat ko siyang nilingon at mukha siyang problemadong problemado. Kinakagat kagat niya pa ang ibabang labi niya habang nakatitig lang sa mesa ko. Huminga nalang ako ng malalim.
"Iniisip mo bang..." hindi ko na matuloy ang sasabihin ko nang mag angat siya ng tingin sakin.
"Well, I can't help it, Vira... like, no matter how hard I try to forget what happened, I can't stop thinking that I might have gotten you pregnant. Like... omg." Busangot niyang sabi, natatawa naman akong napa-irap sa kanya.
Hindi ko kailan man naisip na mabubuntis niya ako. Ilang linggo na ang lumipas pero wala naman akong napapansing kakaiba sakin. Hindi ko rin ma-imagine na magiging ama si Sammie!
"Imposible 'yan. Pero sige..." agad ko nalang pinulot ang mga iyon, sa tingin ko ay nasa lima lahat 'yon at iba't ibang brands pa!
Nag tungo nalang ako agad sa banyo at ilang minuto lang, nalagyan ko naman na lahat at... negative. Masaya akong lumabas ng banyo, kita kong natutulala na si Sammie kaya agad ko siyang hinampas ng nakangisi.
"Look." Pakita ko sa kanya nong mga PT. Hindi pa siya agad nakagalaw nang makita ang mga 'yon. Ilang sandali pa siyang tulala bago siya nakahinga ng maluwag. Napapikit pa siya at sumandal sa sofa.
"What if it's just negative kasi it's too early pa? We will try again next time." agad na sabi niya nang mag mulat na siya ulit ng mata. Walang gana nalang akong tumango tango at nag suot nalang ng sandals ko.
"Aalis ako ngayon, lumabas ka na nga." pag tataboy ko sa kanya, busangot naman siyang tumayo nalang at nag martsa na palapit sa pinto, sumunod na rin ako sa kanya.
"Di rin ako nakabili ng gift para kay Yiren. Sabay nalang tayo." rinig kong sabi niya. Tumango nalang ako kahit hindi niya naman ako nakikita dahil nakasunod lang ako sa kanya.
"Ano bang magandang ibigay sa baklang 'yon?!" iritang tanong ko dahil kanina pa kami palibot libot sa mall at wala talaga kaming maisip na iregalo kay Yiren. Ang niregalo ko sa kanya noon ay perfume, bags, shirt, shoes... nabigay ko na ata lahat ng pinakabasic na ibigay!
"I think I'll just buy him a plushie." rinig kong sabi ni Sammie, tumango tango nalang ako.
"Hair care nalang siguro ibibigay ko para sa kanya." sabi ko nalang. Dahil nga iyon ang plano namin, nauna kong bilhin ang ireregalo ko, alam ko rin naman ang brand ng laging ginagamit ni Yiren para sa mahaba niyang buhok.
Nag lalakad na kami ni Sammie palapit sa mga kid's section kung saan ang napakaraming plushies. May mga malalaki, maliliit, at sakto lang.
"Saan ang mas cute?" nakangiting tanong niya sakin, nakahawak siya sa isang pusheen cat na plushie, sa kabilang kamay naman ay unicorn.
"Mas maganda 'to." turo ko sa unicorn.
Tinitigan niya muna ito ng mabuti at mukhang hindi niya nga nagustuhan kaya nilibot ko nalang sa buong paligid ang mga mata ko at agad akong napangisi nang makakita ako ng isang alpaca na plushie. Kinuha ko agad 'yon.
"Ito kamukha niya." natatawang sabi ko at inabot iyon sa kanya, tawang tawa niya naman itong tinanggap.
"Oo nga, but the color looks so boring..." Busangot na sabi niya dahil kulay plain white lang iyon. Agad kong hinablot ang nakita kong rainbow colored na alpaca.
"Oh yes! Perfect!" masaya niya itong kinuha sakin.
Habang nag lalakad lakad kami papuntang cashier, hindi ko maiwasang mapasulyap sa iba pang mga laruan. May mga nadaanan pa kaming mga gamit para sa mga toddlers...kinikilabutan ako.
Napasulyap ako kay Sammie at saktong pag sulyap niya rin sakin kaya agad nalang akong nag iwas ng tingin.
"Babes, I'm literally in love with your gifts! Like how did you know I'm using this brand?! And omg! This plushie is the cutest!" excited na sabi ni Yiren nang maabot na nga namin sa kanya ang mga regalo namin. Isa isa niya pa kaming niyakap.
Dahil nga plano naming mag bar ngayong gabi, nag punta muna kami ni Sammie sa condo ni Yiren. Minsan lang kami pumupunta rito dahil may kalayuan ito sa school, hindi ko nga rin alam kung paano nagawa ni Yiren na hindi ma-late gayong araw-araw siyang dito umuuwi.
"Make a wish!" nakangising sabi ni Sammie, hawak hawak niya ang binili naming cake para kay Yiren. Ang birthday-gay naman ay maarteng pumikit sa harap ng cake para mag wish. May suot pa siyang hairband na may nakalagay na "the birthday girl".
Napapailing nalang ako.
"I wish I will meet my true love tonight, like my prince charming, you know? And I also wish all my friends find their perfect match and have the most amazing, fairytale-like love lives! Plus, I hope we all just have the best year filled with happiness, laughter, and, like, non-stop good vibes!" maarteng sabi ni Yiren habang nakapikit.
Pigil na pigil akong matawa at mukhang ganun din si Sammie. Nang matapos nga ang wish niya ay masaya niyang hinipan ang kandila.
"Okay now! Let's eat dahil isang oras na lang mag ba-bar na tayo!" masayang sabi niya. Tumalon talon pa siya.
Simula nang mangyari iyon ay hindi na ako masyadong nagpupunta ng bar dahil naaalala ko ang nangyari, medyo naiinis din ako dahil pakiramdam ko may hinahalo talaga sila Jelo sa inumin ko nun. Paniguradong sinadya nila iyon para matalo ako. Hindi naman kasi ako madaling matalo sa larong 'yon.
At naalala ko rin na hindi lang ako ang nakainom nun kundi pati si Sammie, kaya siguro... nangyari 'yon.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...