Chapter 8

7.9K 361 99
                                        


Lyssam

Shit.

Dahil sa nangyari, nakalimutan ko na nga kung paano kiligin sa reply ni Rance sakin kagabi. Hindi ko na makapa ang sayang naramdaman ko kagabi bago nangyari... 'yon.

Nakakabaliw. Nakakaloka!

Paano nangyari 'yon? Paano ko nagawa 'yon? Paano ko nasikmura ang pangyayaring 'yon?! Di man lang ba ako nakaramdam ng pandidiri bago ko ginawa?!

Wala akong maalala, pero alam kong may nangyari. Sigurado ako dahil... nararamdaman ko pa ang haplos at hawak niya sakin at—basta!

Napahilot nalang ako sa noo ko at napapikit ng mariin. Naiiyak ako, bakla ako diba? Bakit ganun?! Hindi ko ba talaga napigilan ang sarili ko? Bakit?!

Kailan man ay hindi ko naisip na magagawa ko iyon sa isang babae, lalong lalo na sa kaibigan ko pa... kay Alvira pa.

Sumulyap ako sa katabi kong si Vira at susulyap na rin sana siya sakin pero bago niya pa ako nahuli ay umiwas na ako ng tingin. Tahimik ko lang na tinuon sa harap ang atensyon ko kahit ang utak ko ay kung ano ano na ang iniisip.

Hanggang sa natapos ang klase na 'yon... walang pumapasok na lesson sa utak ko.

"Sammie... pariho nating di maalala ang nangyari, kalimutan nalang siguro natin 'yon? Ayaw kong may mag bago satin." nakatitig lang ako kay Vira nang sabihin niya iyon.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero nakaginhawa naman ako ng maluwag kaya tumango nalang ako at ngumiti sa kanya.

Lumipas nga ang ilang linggo na pilit naming kinakalimutan ang nangyari, pinapanatili namin ang kung ano ang turingan namin noon ni Vira.

Hindi rin naman alam ni Yiren ang tungkol doon kaya hangga't maaari ay hindi namin pinapahalata na may tinatago kaming sekreto. Nakakaguilty na may tinatago kami sa kanya pero hindi rin kasi namin alam kung paano ito sasabihin.

Sa mga linggong iyon pagkatapos nang nangyari, may improvement na rin sa amin ni Rance! Masayang masaya ako na sawakas ay mas nakilala na namin ang isa't isa, nung una ay nakakahiya pa na inaaya ko siyang mag date pero habang tumatagal napapansin ko ring gusto niya na rin ako dahil hindi siya kailan man tumatanggi sa mga aya ko hanggang sa...

"Babes, guess what?! Niyaya ako ni Rance na mag di-date kami bukas!" nakangiting sabi ko sa dalawa. Tinatalian lang ni Yiren ng buhok si Alvira. Sabay na nanlaki ang mga mata nila at alam kong sobrang saya nila para sakin.

"Hala! Omg! Siya na ang nag aaya sayo ngayon?!" di makapaniwalang tanong ni Yiren, masaya akong tumango tango dahil kinikilig din ako! Tumili naman siya.

"Naks! Kakaiba naman talaga ang ganda..." Pang aasar naman ni Vira, kiniliti niya pa ako sa tagiliran na agad kong ikinasinghap.

Kahit ilang linggo na ang lumipas... may kakaibang epekto parin sa akin ang mga hawak niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng kung ano tuwing hinahawakan o tumatama sa akin ang katawan niya.

Kung ano ano ang pumapasok sa utak ko at hindi ko nagugustuhan iyon.

Mukhang hindi niya naman napansin ang pagsinghap ko kaya ngumiti nalang ako sa kanilang dalawa dahil nilayo niya na rin naman sakin ang kamay niya.

"Hoy birthday ko na sa linggo ha! Don't forget the gifts." sabi naman ni Yiren.

"Ay oo nga pala! Saan ba gaganapin ang birthday mo?" nakangising ang angat ng tingin si Vira sa kanya. Dahil nga nasa harap nila ako, kitang kita ko tuloy ang leeg niya—putangina, ano ba 'tong iniisip ko?!

Hindi na pang soft girl ang mga tumatakbo sa utak ko simula nong mangyari 'yon. Gusto kong isipin na bangungot lang 'yon. Bangungot lang 'yon!

"I think mag ba-bar nalang tayo!" sagot ni Yiren. Agad nalukot ang mukha ko.

Ayaw ko nang pumunta sa mga bar! Natrauma na ako please lang! Pag naulit pa 'yon ay ikakamatay ko na talaga! Ayaw kong makapasok sa bar at baka maalala ko nanaman ang pangyayaring 'yon. Doon iyon nag simula.

Nagkatinginan kami ni Vira at mukhang pariho kami ng iniisip, mabilis siyang nag iwas ng tingin at bumaling nalang ulit kay Yiren.

Sa dalawang linggong lumipas... hindi na rin ako ulit pumasok sa apartment niya, ayaw ko nga kasing maalala ang pang yayaring iyon pero kahit hindi naman ako pumapasok doon ay iyon parin ang laman ng utak ko.

Nakakaimbyerna!

"Yiren, ikaw muna mag hahatid kay Vira. Tumawag si kuya Larry sakin may inuutos siya." agad na sabi ko nang makalabas kami ng gate. Tumango naman si Yiren sakin kahit mukhang napipilitan.

"Mauna nako, bye babe." paalam ko sa kanya at niyakap siya.

Bumaling naman ako kay Alvira at nag dadalawang isip pa akong yakapin siya pero ginawa ko nalang dahil baka mag taka si Yiren. Yumakap naman siya sakin agad pabalik na muntik ko pa siyang matulak dahil nakukuryente ako. Nakagat ko nalang ang labi ko at mabilis na umatras palayo sa kanya.

"Bye!" paalam niya, kumaway nalang ako sa kanila at pumasok na sa kotse.

Inutusan kasi talaga ako ni kuya Larry na sunduin si Ate Donna na nasa OB niya ngayon, saktong out namin at uuwi na rin siya kaya ako na ang susundo dahil may importanteng lakad si Kuya.

"Hi ate!" agad na bati ko sa kanya nang makarating ako, saktong pag labas niya rin kaya nakangiti siyang lumapit sakin. Mag si-six months na ang tiyan niya at sobrang laki na nun!

Agad napawi ang ngiti ko nang may maisip ako...

Shit.

Hindi ko naman siguro mabubuntis si Alvira, diba?! Bakit ngayon ko lang 'to naisip?!

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

"Tara na, Sammie." natauhan lang ako nang mag salita si Ate Donna, natataranta akong tumango at inalalayan siyang pumasok ng kotse.

Dahil sa naisip ko ay sobrang lumalakas na ang pintig ng puso ko, kinakabahan ako. Paano kung...

"Sammie, anong magandang ipapangalan kay baby? Hindi matino kausap ang kuya mo at naiirita lang ako sa kanya, hindi kasi ako makapili eh." Busangot na sabi ni Ate, sumulyap ako sa kanya.

"May mga naisip ka po ba? Tutulungan kitang pumili ate." sabi ko nalang. Kita ko namang tumango siya kaya sumulyap ako ulit sa kanya.

"Gusto ko kasi sa letter L parin mag sisimula ang pangalan niya gaya ng daddy niya... iniisip ko lang kung alin ang mas maganda, Levi ba or Lucian?" napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Levi sounds cuter ate." nakangiting sabi ko, mabilis naman siyang tumango ng nakangisi "'yan din ang iniisip ko eh." sabi niya pa. Hindi na rin naman siya nag salita pagkatapos nun. Tahimik nalang din akong nag maneho.

Iniisip ko lang na paano kung nabuntis ko nga si Vira?

Nakakaloka. Hindi ko maimagine na magiging daddy ako!

Mahilig ako sa bata pero hindi ko kailan man aakalaing manggagaling pa sa akin. Pero paano nga kung nabuntis ko siya?! Magiging daddy ako? Tatawagin akong daddy?! Mommy dapat ako eh!

Kinikilabutan ako, pakiramdam ko mababaliw na ako. Humigpit ang hawak ko sa manobela.

Mag iisip na rin ba ako ng ipapangalan?!

Holy moly! I can't believe this!

Date namin bukas ni Rance pero iba ang mga naiisip ko, hindi ko magawang maexcite, mag saya, at kiligin dahil namomroblema na ako.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon