Chapter 7

9.4K 373 52
                                        


Alvira

"What the fudge?!"

Agad akong napamulat ng mata sa gulat nang may sumigaw sa tabi ko. Bumangon ako at luminga linga sa paligid. Napasinghap ako agad nang bumungad sa akin ang mukha ni Sammie.

Nanlaki ang mga niya na, nakatakip pa siya sa bibig niya habang titig na titig sakin. Napakamot nalang ako sa ulo ko at pinasadahan siya ng tingin, doon ko lang napansin na...

"Ay tangina!" akmang tatayo na sana ako sa gulat nang mapansin kong wala akong suot, mabilis kong hinila ang kumot ko na agad niya ring hinila pabalik, ilang beses pa kaming nag agawan nun.

"Anong nangyari?!" natataranta kong tanong, hindi siya nakagalaw, naninigas lang siya sa gulat at mukhang hindi rin alam ang sagot sa tanong ko. "May nangyari?!" dagdga ko pa.

Nag wawala na ang puso ko pero hindi sa kilig kundi sa gulat at kaba. Bakit ako nandito? Bakit siya nandito? Bakit kami nandito sa kwarto ko?! Bakit nandito siya sa apartment ko?! Ano bang ginawa ko kagabi?!

"Bakit ka nandito?!" tanong ko, kita kong parang naiiyak na siya.

Nakatulala lang na nakatitig sa sahig ng kwarto ko. Mukhang malalim ang iniisip. Sinubukan ko ring mag isip kung anong nangyari bago ito pero walang pumapasok sa utak ko.

Wala akong maalala.

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at wala rito ang suot ko. Mabilis nalang akong kumuha ng damit at sinuot iyon. Nakatulala parin si Sammie kaya agad ko siyang nilapitan at hinampas.

"Ano 'to?!" sigaw ko nanaman sa kanya, nag angat siya ng tingin sa akin na mukhang hindi rin alam ang sagot, salubong ang kilay niya na parang naiiyak na. Dahan dahan siyang umiling.

"I don't know! Vira, I'm gay! What the hell did just happened?!" naguguluhan niya ring tanong. Sinabunutan niya pa ang sarili niya. "Oh... my... goose." ngayon ay naiiyak na talaga siya, napakagat nalang ako sa labi ko at mabilis na lumabas ng kwarto.

"Shit!" agad akong napahilamos ng palad ko nang makita kong ang kalat sa living room ang mga damit naming dalawa. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil pakiramdam ko aatakehin ako sa puso.

Napabaling ako sa tabi kong si Sammie na ngayon ay mas lalo lang atang naiyak nang matanaw niya ang nakikita ko sa living room. Ginawa na niyang gown ang kumot ko.

"Nasa bar lang ako kagabi... paano ako napunta rito?" tulalang tanong ko. Nakaupo na kaming dalawa sa sofa. Iniisip kung paano ito nangyari. Naligpit na rin namin lahat ng kalat at pariho na kaming nakabihis.

Hindi siya agad sumagot kaya sumulyap ako sa kanya. Nakapikit siya na parang iiyak nanaman.

"May naalala akong pumunta ka sa bar... diba tumawag ka? Ano na sunod na nangyari? Sinadya mo ba 'to?!" tanong ko sa kanya, gulat siyang nag mulat sakin ng mata. Kita ko pa ang pag ngiwi niya at mabilis na umiling.

"No! Bakit ko naman sasadyaing gawin to?! Vira, you know that I'm gay... baka naman ikaw ang nag plano nito?! Sinasabi ko na nga ba pinagnanasaan mo 'ko eh!" busangot na sabi niya, tumutulo pa ang luha niya. Agad nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Woah? Ano 'yon? Planado ko pero ikaw nag maneho papunta rito? Gaga ka ba?! Kung ako ang may gawa bakit di mo ako tinulak? Bakit di mo pinigilan?!" inis na tanong ko, nakatitig lang siya sakin, nakaawang ang labi at mukhang hindi rin alam ang isasagot.

Natigilan ako nang biglang tumunog ang phone ko, lumakas agad ang tibok ng puso ko nang makitang si Yiren iyon. Pariho kaming nagkatinginan ni Sammie. Mukhang hinakabahan din siya.

"Hindi ko sasabihin sa kanya." "Don't tell him." sabay naming sabi. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag.

"Bakit wala pa kayo?! Twenty minutes nalang mag uumpisa na ang first subject!" singhal ni Yiren sa kabilang linya. Nanlaki naman ang mga mata ko at bumaling sa orasan. Ganun din ang ginawa ni Sammie.

May pasok nga pala kami.

"Oo, pupunta na. Bye!" agad kong binaba ang tawag. Sabay pa kaming tumayo ni Sammie at natatarantang hindi alam ang gagawin. Papasok na sana ako ng banyo at siya naman ay aalis na sana sa apartment ko nang agad akong matigilan.

"Teka... sinong susundo sakin?" tanong ko dahil mas lalo lang akong malilate kung walang susundo sakin. Natigilan din siya at nakatitig lang sa akin.

"Nevermind... tatawagan ko nalang mamaya si Yiren." Agad na sabi ko nalang dahil hindi ko ana ata kayang makasama pa sa kotse si Sammie!

Mukhang iyon din ang nararamdaman niya kaya mabilis na siyang lumabas ng apartment ko. Naligo na rin ako at mabilis na ang ayos dahil wala na nga kaming oras!

"Babe, huwag ka na kasing mag bar! Kaya ka nalilate eh dahil kulang ka lagi sa tulog!" sermon nanaman ni Yiren nang makapasok kami sa room. Naiinis pa siya sakin dahil pinilit ko siyang sunduin ako.

"Late din ata si Sammie!" dismayadong sabi niya. Umupo nalang ako sa upuan ko at nakagat ang labi ko. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari, nakakatangina. Panaginip lang ba lahat to? Totoo ba 'to?!

Paano nangyari 'yon?!

Mas lalo lang akong nataranta nang makitang pumasok na si Sammie sa room, lutang at mukhang ang lalim din ng iniisip. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya nang makalapit na siya samin.

Pabagsak siyang naupo sa tabi ko, pariho pa kaming nagkatinginan nang dumampi ang siko niya sa braso ko. Mabilis akong lumayo sa kanya at sabay ulit kaming nag iwas ng tingin.

"Bakit ka nga pala tumawag sakin kagabi, Sammie? I slept early eh kaya hindi ko nasagot." rinig kong sabi ni Yiren pero tahimik lang akong nakatitig sa sahig. Hindi sumagot si Sammie kaya hinampas siya ni Yiren.

"Hoy! Ano ba nangyari sa inyong dalawa?! Puyat ba kayo pariho?" taas kilay na tanong niya, agad akong tumikhim at ngumisi dahil hindi pwedeng pag dududahan niya kami, baka ikakabaliw na ni Yiren kung malaman niya ang nangyari.

"Tumawag din siya sakin kagabi... ano... mukhang tungkol ata 'yon kay Rance ang sasabihin niya." nakangiting sabi ko nalang, siniko ko pa si Sammie para magising siya dahil mukhang tulala nanaman.

"Ah... oo." pilit pa siyang ngumiti. Tumili naman agad si Yiren.

"Really?! Omg! Don't tell me nililigawan ka na niya?!" kinikilig na tanong ni Yiren, mas lumapit pa siya samin. Hinihintay ang sagot ni Sammie.

"Hindi... nag reply lang siya sa chat ko kagabi." sagot ni Sammie na agad ikinatili nanaman ni Yiren. Ngumiti nalang din ako sa kanya. Saktong nag angat ng tingin sa akin si Sammie pero mabilis niya ring iniwas iyon.

Sobrang awkward na tuloy naming dalawa dahil sa nangyari, putangina bakit ba kasi nangyari 'yon?! Ayaw ko na ganito kami ni Sammie. Hangga't maaari... gusto kong kalimutan naming dalawa ang nangyari. Kahit gusto ko siya... hindi talaga tama ang nangyari dahil magkaibigan kami at bakla siya.

"Yun lang?! Mag kuwento ka pa!" pangungulit ko kay Sammie, kita ko ang agad na pag ngiwi niya. Lumunok pa siya ng laway at nag buntong hininga.

"Oo, 'yon lang..." mahinang sabi niya.

"Ayain mo siyang mag date kayo." nakangising sabi ni Yiren, tumango ako bilang pag sang-ayon.

"Eh! Ako talaga ang mag aaya? Baka tanggihan niya lang ako. Sa susunod na pag mas lumalim na ang usapan namin." sabi niya nalang. Natapos lang din agad ang usapan namin na 'yon dahil dumating na ang prof namin.

Hindi ako makafocus...

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon