Chapter 6

8.7K 374 87
                                        


Lyssam

Agad nalukot ang mukha ko nang makapasok ako sa bar, hindi naman ito ang unang beses na pumasok ako dito pero naiirita kasi talaga ako sa ingay. Bakit ba gustong gusto ni Vira ang ganitong lugar?!

Ang saya saya ko kanina dahil nag reply na sakin ang crush kong si Rance pero parang nababadtrip na tuloy ako nang makapasok ako rito. Nag lakad lakad lang ako nang matanaw sa unahan ang mga nag kukumpulang mga tao.

Maingay ang bar pero mas lalong umingay dahil sa sigawan ng mga tao sa banda na 'to. Ayaw ko na sanang lumapit pa pero narinig ko ang pangalan ni Vira na sinisigaw ng paulit ulit ng mga tao kaya alam ko na agad na nandoon nga ang bruha!

"Teka nga lang! Mamaya na 'yan para isahan nalang!" mas lalo lang akong nairita nang marinig ko na talaga ang boses niya.

Sumiksik ako sa mga taong nag kukumpulan, agad akong lumapit kay Vira, mukhang hindi niya pa ako agad napapansin. Mas lalo lang kumunot ang noo ko nang makitang may malaking table sa harap niya. May mga dice, pera, at inumin.

Nag pupustahan sila? Ito ba ang ginagawa niya lagi dito sa bar?!

Kita kong pinipilit pa siya ng isang lalaking may hawak na inumin pero tinatanggihan niya ito.

"Mamaya na nga, pupusta muna ako ulit!" sita niya sa lalaki kaya natatawa nalang itong tumango. Napabaling naman ako sa isa pang lalaki na may niyuyugyug na hindi ko alam, siguro ay iyong dice.

"Ano?! Pili na!" sigaw nito.

Hinawakan ko nalang ang braso ni Vira para mapansin niyang nandito na ako. Agad siyang nag angat ng tingin sa akin. Namumula ang namumungay niyang mata. Medyo namumula na rin ang mukha niya.

Lasing na lasing na siya?!

"Umalis na tayo, Vira!" hinila ko siya pero agad niyang inalis ang hawak ko sa kanya. Ngumisi pa siya ng sobrang lapad sa akin na mas lalo kong ikinainis.

"Mamaya na! Nag lalaro pa ako eh... ano sa tingin mo, small or big?" tanong niya pa sakin, hindi ko alam ang sinasabi niya kaya hindi ako sumagot. Busangot ko lang na nilibot sa buong paligid ang tingin ko. Ang daming tao, nakakabwisit!

"Big!" rinig kong sigaw ni Vira kaya nabalik sa kanya ang tingin ko. Nakangisi niyang nilapag ang pusta niya at ang katabi niyang babae ay pumusta naman sa kabila. Nilapag din agad nong lalaki sa harap ang tatlong dice, gumulong na ito sa mesa.

"One, one, five! Seven. Small!" anunsyo nong lalaki sa harap. Lumakas nanaman ang hiyawan at natatawang tinapik nong isang babae si Vira na ngayon ay sinasabunutan na ang sarili niya. Mukhang talo siya.

"Better luck next time, Alvira!" pang aasar nong isang babae. Kita ko namang lumapit nanaman iyong lalaki, ngayon... tatlong baso ng alak na ang inabot niya kay Vira.

"Shot! Shot!" rinig kong sabay sabay na sigaw nong mga tao sa paligid. Nakangising nag angat ng ulo si Vira. Umayos siya ng tayo at muntik pa siyang matumba kaya agad ko siyang inalalayan.

"Nahihilo na 'ko eh... pwede bang bukas ko nalang inumin 'yan?" natatawang sabi ni Vira. Pulang pula ang mukha niya at namumungay na ang mga mata sa sobrang kalasingan.

"Aba! Hindi pwede! Nakatatlong tanggi ka na, kaya tatlong sunod sunod ang inumin mo ngayon!" pamimilit nanaman nong lalaki. Busangot na umiling si Vira.

"Hindi ko na kaya... bukas nalang, please Jelo." agad na tumaas ang kilay ko nang muntik nang haplosin ni Vira ang mukha nong lalaki, mabilis kong pinigilan ang kamay niya. Tangina lang.

"Akin na nga! Ako nalang iinom!" Inis na sabi ko. Nag dadalawang isip pa iyong lalaki pero wala na rin siyang nagawa kundi tumango nalang. Inabot niya sa akin ang isang baso. Bumuntong hininga pa ako bago iyon tuluyang nilagok.

Ew!

Nalukot agad ang mukha ko sa sobrang pangit ng lasa. Nakangisi lang si Vira na nakatitig sakin, umiling pa siya na parang di makapaniwalang ginawa ko iyon. Pagkalapag ko sa baso ay may panibago nanamang inabot sakin.

Kinuha ko nalang iyon at mabilis na nilagok ulit, may panibago pa siyang inabot nanaman sa akin at hindi nalang ako pumalag. Nang maubos ko na ang tatlong shots na 'yon ay mabilis ko nang hinila paalis si Vira sa mga tao na 'yon.

"Grabe babe... sobrang mahal mo talaga ako! Kaya love na love din kita eh!" nakangising sabi ni Vira nang makapasok na kami ng kotse, agad akong natigilan nang mapansing umiikot na ang paningin ko, maging ang boses ni Vira ay pakiramdam ko nasa panaginip ako.

Nanigas ako agad nang maramdamang yumakap sa akin si Vira, nakapikit siya at mukhang antok na antok. Kahit hindi ko na maintindihan ang nangyayari mabilis ko nalang na pinaandar ang kotse ko.

Buti nalang at malalim na ang gabi kaya wala masyadong sasakyan sa kalsada. Hindi na kasi ako sigurado kung makakapag drive pa ako ng maayos.

"Shit!" agad na mura ko nang muntik pa akong matumba pagkababa ko ng kotse. Binuksan ko agad ang front seat at bumungad sa akin si Vira na nakapikit at nakasandal lang sa upuan ko.

Pakiramdam ko hindi ko siya kayang buhatin dahil hindi naman ako malakas kaya sinubukan ko siyang gisingin. Gumalaw naman siya at agad na ngumisi, namumungay ang mga mata niyang bumaling sakin. Nahihilo na ako kaya hindi ko rin siya matingnan ng mabuti.

Inalalayan ko nalang siyang bumaba at mag lakad palapit sa apartment niya. Halos hindi ko na maramdaman ang mga hakbang ko dahil pakiramdma ko lumulutang ako. Laking pasasalamat ko nang makapasok na kami sa apartment niya.

Pinaupo ko agad siya sa sofa niya pero agad niya akong hinila kaya napaupo na rin ako, napapikit pa ako dahil mas lalo lang akong nahilo. Agad din akong napamulat nang maramdaman kong may humaplos sa katawan ko.

Bumaling ako sa katabi kong si Vira, medyo madilim ang apartment niya pero kitang kita ko parin ang namumula at namumungay niyang mata. Bago pa ako makapag salita ay naramdaman ko na ang labi niya sakin.

Sobrang lambot.

Tangina.

Sa sobrang agresibo niya ay para na niya na akong nilalamon, parang uhaw na uhaw, parang gutom na gutom. Namumungay na ang mga mata ko.

"Vira..." halos pabulong na tawag ko sa kanya pero imbis na tumigil ay mas lalo lang niyang nilaliman ang halik. Napapapikit na rin ako, sobrang init ng pakiramdam ko. Nanghihina ako. Para akong umaapoy sa init... nalalasahan ko pa ang alak sa labi niya.

Gusto ko siyang itulak dahil putangina bakit ako nakikipag halikan sa kaibigan ko? At babae pa talaga?!

Pero nang maramdaman kong mas nilapit niya pa ang katawan sakin, halos nakapatong na siya sakin habang nakaupo ako sa sofa, mas lalo lang akong nanghina nang maramdaman ko nang kumapit siya sa batok ko.

Hindi ko siya tinulak. Kayang kaya kong gawin iyon... pero di ko ginawa. Pakiramdam ko ay nalulunod na ako sa halik niya. Hanggang sa... sinusuklian ko na nga iyon.

Habang nababaliw na ako sa halik na iyon ay hindi ko na rin mapigilan ang kamay kong kung saan saan na napupunta. Sobrang init ng katawan niya, sobrang init ng balat niya.

Nakakapanghina.

Nanghihina ako.

Putangina nababaliw na ako.

Imbis na itulak siya ay mas diniin ko pa ang halik na iyon at dahan dahan siyang inihiga sa couch.

Tuwing pinipilit kong pigilan ang sarili ko, mas lalo lang umiinit ang pakiramdam ko. Para akong lumulutang. Lumilipad. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang sarap ng halik niya at ang mga haplos niya sa akin na hindi ko magawang pigilan.

Para lang akong nananaginip...

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon