LyssamAng gwapo gwapo niya talaga, hindi ako nag sasawang titigan siya! Nakatayo lang si Rance sa harap ko, pinapanood kami kung paano mag linis ng gym, nakahalukipkip.
Nag angat siya ng tingin sakin kaya agad akong napasinghap nang mag tama ang mga mata namin. Tinitigan ko lang siya at ganun din siya sakin. Hindi niya talaga inaalis ang tingin niya kaya ako na rin ang umiwas dahil matutunaw na ako!
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, kinikilig ako! Kinikilig ako! Tinoun ko nalang ang atensyon ko sa pag lilinis dahil pakiramdam ko nanghihina na ang tuhod ko.
Hindi ko na siya sinulyapan ulit. Ilang sandali nga lang...
"Pres, pinatawag ka." biglang dating ni Yiren, tumango lang si Rance sa kanya at umalis na nga ito ng gym. Agad akong naupo sa bleacher at padabog na binitawan ang walis.
"Bakit may sigarilyo kayo?!" mataray na tanong ni Yiren sa amin. Nakapamaywang pa siya.
Sumulyap ako kay Vira na tumigil na rin sa pag wawalis at lumapit na sa banda namin, pawis na pawis ang gaga, pinapaypayan niya lang ng daliri ang mukha niya. Sobrang init naman kasi dito sa gym dahil wala ngang ibang tao... hindi nakabukas ang aircon.
"Please ask her, dahil hindi ko rin alam..." turo ko kay Vira nang makita kong sa akin na nakatingin si Yiren.
Siguro ay iniisip niyang pakana ko ito dahil ako naman ang may gusto kay Rance. Never no! Isa itong katangahan at sa aming tatlo si Vira lang ang tatanga tanga.
"Binigay lang sakin 'yon nong mga barkada ko sa bar." nakangising sabi niya na parang normal na normal lang ang ganun. Napailing nalang si Yiren at ako naman ay tumaas agad ang kilay.
"Enough with your bar trips, babe. Masyadong bad influence 'yang mga kasama mo." inis na sabi ko sa kanya, busangot niya naman akong nilingon at hinampas pa ang braso ko.
"Kaya nga nadala ko pa dito kasi hindi ko naman ginamit nong binigay nila. Ayaw ko rin sa sigarilyo no! Ginawa ko lang 'yon kanina para tulungan ka tapos napaka ungrateful mo pa!" umirap pa siya sakin kaya agad kong hinila ang buhok niya sa inis.
"Hindi talaga ako natutuwa. Don't do it again." sabi ko nalang. Tumango nalang siya na halatang nag tatampo parin, nakanguso na parang bata.
Umiwas nalang ako ng tingin dahil nandidiri ako sa mukha niya.
"We're friends but hindi ko itotolerate ang ganung gawain kaya hindi porket kaibigan nyo ako at ako ang mag babantay sa inyo ngayon, uupo upo nalang kayo diyan!" singhal nanaman ni Yiren. Bumuntong hininga nalang ako at kita ko namang nalukot ang mukha ni Vira.
"Babe naman! Thirty minutes break naman oh." pangungulit niya kay Yiren. Niyapos niya pa ang kamay niya sa braso ni Yiren para magpabebe. Nakatayo na silang dalawa sa harap ko.
"Lumayo ka nga sakin! Pawis na pawis ka oh, so gross!" maarteng pag tataboy ni Yiren sa kanya, natatawa namang lumayo si Vira.
Doon ko lang din napansin na sobrang pawis na nga niya. Pinasadahan ko siya ng tingin... kahit mukha na siyang naligo ng pawis ngayon, hindi naman siya mukhang dugyot o maasim, maganda parin naman siyang tingnan—Yuck! Ang pangit niya kaya!
"Pakitali nga ng buhok ko." umayos ako ng upo nang bigla siyang mag squat sa harap ko, nakatalikod naman siya kaya wala na rin akong nagawa kundi kumuha ng hairtie sa bulsa ko.
"Yiren, buksan mo naman 'yong aircon. Ang init init oh." rinig kong reklamo ni Vira. Mukhang na awa na rin si Yiren samin kaya umalis ito para siguro gawin ang sinabi ni Vira sa kanya.
Tahimik lang akong sinusuklay sa daliri ang buhok ni Vira. Gusto kong mandiri dahil medyo basa ito ng pawis pero hindi ko magawa dahil... sobrang bango ng buhok niya.
Nang tuluyan ko na ngang mapuyos iyon ng kamay ko... nakikita ko ang batok niya. Hindi ko mapigilang mapatitig doon dahil ang gandang tingnan at amoy na amoy ko pa siya.
"Ayan! Sawakas, malamig na!" masayang sabi niya kaya agad akong natauhan. Mabilis ko nalang na tinalian ang buhok niya dahil nasusuka na ako sa mga iniisip ko!
Nakakadiri naman ang mga pumapasok sa utak ko! This is a not-so-gay behavior, Sammie!
"Tapos na!" agad ko siyang tinulak, muntik pa siyang masubsub sa sahig kaya natawa na ako. Galit niya lang akong nilingon.
"Mag linis na kayo! Baka may dadating bigla and makitang umuupo upo lang kayo diyan." mataray na sabi ni Yiren nang makabalik siya. Tumayo nalang din ako at nag umpisa na ulit mag linis.
"Who's your crush sa room ba? So I could set you up at hindi na kami ang taga hatid-sundo mo!" tanong ni Yiren kay Vira.
Busangot namang bumaling sa akin ang gaga kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa habang nag lalakad sa hallway. Uwian na.
"Bakit? Pagod na ba kayo sakin? Hindi nyo na ba ako mahal?" tanong niya pa at umaaktong parang naiiyak. Agad akong napangiwi. Mabilis naman siyang niyakap din ni Yiren... sinasabayan ang drama niya.
"Hindi ganun 'yon babe."
"Nag sasawa na kayo sakin..." dagdag pa ni Vira at rinig na rinig ko ang peke niyang pag hagulhul. Napa-irap nalang ako sa kanilang dalawa at akmang bibilisan na ang lakad nang bigla akong may mabangga.
"Ouch naman!" ako pa talaga ang nag reklamo.
"Sorry."
Nag angat ako agad ng tingin at napanganga nalang ako nang makitang si Rance iyon. Inayos niya agad ang salamin niya na muntik pa atang mahulog dahil sa pagkabangga ko. Kumurap kurap ako at umayos na ng tayo.
"Sorry." sabi ko nalang. Tumango lang siya sakin at tipid na ngumiti. Titig na titig lang ako sa kanya at ganun din siya sakin.
"Okay lang." iyon lang ang sinabi niya at nag lakad nalang ulit paalis. Naiwan akong tulala dahil nababaliw na ang puso ko.
Pakiramdam ko mamamatay na ako. Nang makita kong nakakalayo na siya ay hindi ko na mapigilan ang mapatili sa sobrang kilig. Dali dali akong lumapit sa dalawa at sinabayan naman ni Yiren ang kilig ko.
"Omg nakita ko 'yon! Nag titigan kayo!" pang aasar niya.
"Sinasabi ko na nga ba, effective talaga ang ginawa ko kanina!" mayabang na singit ni Vira.
Agad ko siyang niyakap sa sobrang saya, ramdam ko pa ang paninigas ng katawan niya sa gulat. Normal lang naman sa aming tatlo ang mag yakapan, pero nang maramdaman ko ang init ng katawan niya ay parang nakaramdam ako ng kakaiba, kaya agad nalang akong bumitaw sa kanya.
"At dahil may ginawang pabor si Vira sayo... ikaw na mag hahatid sa kanya pauwi." nakangising sabi ni Yiren. Hindi na ako nakapag dahil mabilis na siyang tumakbo paalis sa kung saan. Pa-irap kong binalik kay Vira ang tingin ko.
"Let's go!" agad niyang hila sa braso ko.
"Stop going na sa bar, ha. Baka mamaya shabu na ibigay sayo." Mataray na sabi ko sa kanya nang makarating na kami sa kotse. Ngumuso pa siya na parang nag iisip kung susundin ang sinasabi ko.
"Mag ba-bar parin ako, pero baka sa susunod na. Wala naman kasing magawa sa apartment ko." sabi niya lang at sinuot na ang seatbelt. Napailing nalang ako, dismayado sa naging sagot niya.
Sa aming tatlo nila Yiren, ako lang ang hindi madalas sa bar, pumupunta lang ako tuwing mag icecelebrate ng importanteng okasyon o kaya susunduin ko ang isa sa kanila sa sobrang kalasingan. Nasanay na rin ako na laging nag ba-bar si Vira, iyon nga lang... mukhang sobra na ata dahil nag dadala na siya ng sigarilyo sa school!

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...