Alvira"Hala, ang bango naman nito!" agad na sabi ko at patuloy lang sa pag amoy nong bagong liptint ni Sammie. Nakangiti niya namang inagaw iyon sa kamay ko.
"Come here, ilalagay ko sayo." tumango tango ako agad sa sinabi niya at pumwesto na nga ako sa harap niya. Nakaupo lang ako sa upuan at siya naman ay nakatayo sa harap ko. Yumuko pa siya para mas mapalapit sa akin.
Tinaas niya ang baba ko para mas matingnan ng maayos ang mukha ko. Nakatitig lang ako kay Sammie habang seryoso at pukos siyang dahan dahan na nilalagyan ng liptint ang labi ko.
Hindi ko maiwasang mamangha sa napakagwapo niyang mukha. Sobrang kinis at puti niya, sobrang haba ng pilik mata kahit hindi naman na niya iyon nilalagyan ng mascara.
Bumaba pa sa ilong niya ang tingin ko, sobrang tangos nun... mas bumaba pa ang tingin ko sa labi niya, pinkish at glossy iyon dahil kakalagay niya lang din ng liptint. May maliit na nunal pa siya sa gilid ng ibabang labi niya. Napalunok nalang ako ng laway.
Nag angat siya ng tingin sa akin kaya nag tama agad ang mga mata namin. Mabilis siyang lumayo sakin kaya natatawa ko siyang tiningnan.
"Omg, Alvira ha! If you stare at me like that one more time, I'm gonna think you're seducing me! Nakakakilabot ka!" niyakap niya pa ang katawan niya na parang pinag nanaasaan ko siya. Mas lalo lang akong napahalakhak.
Napabaling na rin tuloy sa amin si Yiren na mukhang satisfied na sa eyeliner niyang nag mukha na tuloy siyang mataray na pusa.
"Kinikilabutan ka ba talaga o baka naman kilig na 'yang nararamdaman mo?" pang aasar ko, hinahaplos ko pa ang mga braso niya na agad niyang ikinatili sa sobrang pandidiri, halos tumakbo na siya palayo sakin na mas lalo kong ikinatawa.
"Ew, Vira?!"
"Babes, I'm kinda getting disgusted with the two of you. Like, seriously, baka magulat nalang ako sa susunod malalaman ko nalang you're already together na. That would be so traumatizing." nakangiwing sabi ni Yiren, agad ko siyang hinampas.
"Baliw ka ba? Baka nakalimutan mong bakla kayo?" turo ko sa kanilang dalawa ni Sammie na ngayon ay nakatayo parin malayo sakin na parang may nakakahawa akong sakit.
"Well, to be honest with you kahit halos mag mukha na akong babae... naiisip ko parin na baka babae talaga ang papakasalan ko." pariho kaming natigilan ni Sammie nang sabihin iyon ni Yiren. Lumapit pa si Sammie sa amin na nakaawang ang labi.
"Pwede ba yon?!" di makapaniwalang tanong ko. Busangot lang si Yiren at pabagsak na nilapag ang hawak niyang eyeliner.
"Alam nyo namang lahing chowking ako diba? My parents are so strict baka pag wala akong napresent na apo, deretso higa na ako forever." parang naiiyak na sabi ni Yiren. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa.
"Babae papakasalan? Ew, can't even imagine that." natawa naman ako sa sinabi ni Sammie, diring diri talaga siya sa mga babae.
"Nakakadiri talaga!" si Yiren naman.
Pero sa dalawang bakla sa harap ko, mas may pag asa pang maging lalaki ulit si Sammie kesa kay Yiren! Minsan babae na nga si Yiren sa paningin ko. Half chinese naman kasi siya, hindi ko pa kailan man nakita ang parents niya pero base sa mga nakukwento niya sa amin, mukhang ayaw ko rin naman itong mameet. Nakakatakot.
Sa aming tatlo, si Sammie lang ang may maayos na pamilya. Sampung taon nang wala ang mommy ko, ang natitira nalang ay ang daddy ko na may ibang pamilya na rin sa ibang bansa. Gusto niya akong kunin pero hindi ako pumapayag dahil mas masaya ako rito. Sinusuportahan niya lang ako sa pag aaral ko at hindi kami nag kikita.
"Nga pala! May sasabihin ako." pariho kaming napabaling ni Yiren nang biglang mag salita si Sammie. Pigil kilig siyang sumingit sa gitna namin ni Yiren para marinig namin ng mabuti ang sasabihin niya.
"Nag friend request ako kay Rance kagabi... inaccept niya agad!" kinikilig na sabi niya. Agad namang napatakip sa bibig si Yiren sa gulat. Ako naman ay napangisi lang.
Masaya akong masaya si Sammie. Kahit may gusto ako sa kanya, tanggap ko naman na ang kapalaran kong hanggang tingin lang sa kanya dahil bakla nga siya. Hindi niya rin naman alam na gusto ko siya, ayaw ko rin masira ang friendship namin dahil lang sa ganun.
Nakatitig lang ako sa mukha niya. Hindi na rin pumapasok sa tenga at utak ko ang pinag uusapan nila ni Yiren dahil abala ako sa kakatitig sa kanya.
May suot siyang mga hairpins, maliliit iyon pero marami at iba't iba ang kulay, preskong presko rin siyang tingnan dahil sobrang puti at kinis niya, bumaling siya sakin kaya agad nag tama ang mga mata namin—sobrang ganda ng mga mata niya, bumaba pa ang tingin ko sa labi niyang mamasa-masa tingnan dahil sa liptint niyang glossy.
"Vira?" agad akong napakurap kurap nang matanto kong sa akin na nga rin pala siya nakatingin! Nakita niya akong nakatitig sa kanya kaya agad ko nalang siyang sinampal.
"Ouch?!" reklamo niya, kumunot pa ang noo niya siguro ay nag tataka kung bakit ko iyon ginawa.
"May lamok, lumipad tuloy, ang likot mo kasi." natatawa kong sabi, tumawa na rin si Yiren samantalang busangot lang si Sammie na hinahaplos ang pisngi niyang nasampal ko. Wala namang lamok.
"Alvira! Alvira! Alvira!" natatawa kong nilibot sa buong bar ang tingin ko nang sabay sabay nag sigawan ang mga kasama ko, nag hahalo ang ingay ng tugtug, tawanan, at sigawan nila. Napapailing nalang ako at ininom ang inabot nilang inumin sa akin.
"Mukhang malas ka ngayon." bulong sa akin ni Paloma. Padabog kong nilapag ang baso sa mesa. Nahihilo na ako, kanina pa kami nag lalaro at ilang beses na rin akong natalo! Nakakainis.
"Ang daya nyo naman bakit pakiramdam ko may hinalo kayo sa inumin?!" reklamo ko dahil ilang shots pa lang nagawa ko, nag iba na agad ang pakiramdam ko. Para akong lumilipad.
"Asus, hahanap ka pa ng rason, ayaw mo lang aminin na natatalo ka na." natatawang singit naman ni Jelo. Inirapan ko agad siya na ikinatawa niya lang.
"Ito na! Ito na!" sigaw ni Charlie at mabilis na niyugyug ang hawak niya kung saan ang tatlong dice. Nakangisi kong nilapag sa "Small" ang pera ko, si Paloma naman ay nilagay ang pusta niya sa "big".
"Mananalo na ako ngayon." pag mamayabang ko sa kanya. Tumawa lang siya. Maraming tao ang nakapalibot sa amin, nanonood din sa laro. Kita kong nilapag na ni Charlie ang tatlong dice sa harap namin.
"One, six, six. Thirteen! Big!" agad akong napapikit nang inanunsyo niya iyon. Rinig na rinig ko ang halakhak at palakpak ni Paloma sa tabi ko nang marinig na siya ang nanalo. Mas lalo lang lumakas ang hiyawan sa bar.
Kahit natalo ako ay hindi ko maiwasang matawa at mapangisi, hindi ko alam kung bakit pero ang saya parin ng pakiramdam ko ngayon. Nakakatangina.
Inabot sa akin ni Jelo ang inumin. Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha ko at akmang tatanggapin na iyon pero biglang tumunog ang phone ko.
"Teka lang, sagutin ko muna." agad na sabi ko, lumayo ako sa kanila at muntik pa akong matumba dahil sobrang hilong hilo ako.
"Hi babe... wazzup?" Nakangising sagot ko sa tawag.
"Omg! Vira! Nag chat ako kay Rance at nag reply siya! I feel so kilig! I can't even sleep!" natawa naman ako agad sa sinabi ni Sammie, ramdam na ramdam ko talaga ang kilig niya.
"Ang bilis mo rin eh no?! Congratulations!" masayang sabi ko. Napahawak pa ako sa pader, dahil umiikot na ang paningin ko.
"I'm gonna go there sa apartment mo! Sabayan mo 'yong kilig k—"
"Gaga ka, nasa bar ako!" agad na putol ko sa kanya.
"What?! Umuwi ka na! Gusto kong makipag kwentuhan sayo, pupuntahan nalang kita diyan, wait mo 'ko!" bago pa ako makapalag ay pinatay na niya ang tawag. Bumalik nalang ako agad sa loob.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...