Chapter 18

477 24 0
                                        

Lovely Pov

"Ano ba ar?" Suway ko sa kasama ko, galaw kasi ng galaw.

"Gagi baks para kasing sinusundan tayo." Ani niya napailing nalang ako dahil praning siya.

"Kape at puyat pa ayan tuloy kong ano-ano ang nakikita at nararamdaman mo." Sabi ko ngumuso lang ito at itinulak ako ng bahagya.

"Pumasok na tayo, kinakabahan nako."

Pumasok na kami sa loob ng bahay ni miss abi bongga parang mansion din ang bahay.

Tinext ko siya kanina at ayun binigay niya sakin yung address niya, kaya nagpasama ako kay aries busy naman si Zhyra kaya hindi nakasama.

Hindi ko sinabi kay mahal na mahal mapupuntahan ako, baka hindi ako payagan at baka umasa din si miss abi sakin. I promise to her.

Bumungad samin ang mga maid binati nila kami ng magandang gabi nakss.

"Evening din po, nasan si miss abi?" Nahihiya na tanong ko.

"Sa kusina ma'am." Magalang na sagot ng maid, nagpaalam nako at hinila si aries na pati ata ang maid ni miss abi lalandiin niya din.

Wala talagang pinipiling oras ang kalandian ng isang to.

I saw miss abi she's busy cooking, nakangiti ito habang naghahalo ng kong ano-ano.

Napatampal ako ng noo dahil itong katabi ko biglang pumunta kay miss abi at tinulungan.

Tumingin tuloy sa gawi ko si miss abi. "I'm sorry kong busy ako, gusto ko lang kasi na ako mismo ang mag-luto dahil special na bisita ko kayo."

"Okay lang po miss, tulungan kana namin."

"No, it's okay i'm already done, i'm just preparing the spaghetti."

"Ahh okay po, by the way anong meron miss bakit marami kang handa." Inosenteng tanong ko sakanya, she just smiled.

"Its my birthday love." Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, birthday niya bakit hindi man lang nagsabi?

"Hala miss sana sinabi mo para naman kahit papano mau regalo kami sayo." Tarantang sabi ko tumawa lang ito at umiling.

"Your presence are okay love, don't worry about that gift."

I notice to her kapag ako yung kausap subrang lambing niya kapag kila aries at Zhyra subrang cold? May favoritism ata to si miss nurse.

"Sure ka po?"

"Yip! So let's go to the dining, i know your hungry na." Sabay lingon kay aries na nilalantakan na ngayon ang spaghetti.

Natawa nalang kami ni miss abi, inaya namin si aries na kumain sa hapag. Nahahalataan na hindi pinapakain sakanila.

"Oyy miss nurse anong okasyon bakit marami kang handa?" Tanong ni aries, habang ngumunguya pa.

"My birthday." Malamig at maikling sagot ni miss abi.

Ohh diba sabi sa inyo.

Napatigil ako sa pagsubo ng biglang nabitawan ni aries ang kutsara at tinidor niya. "Hala ka happy birthday po." Nahihiya pa nasabi niya.

"Thanks."

Pinagpatuloy ko ang pagsubo ko. "Hoyy gago hindi mo man lang sinabi na birthday pala to." Bulong sakin ni aries.

"Ngayon ko lang din alam." Napa ohh nalang siya at tahimik na kumain.

"Miss bakit kami lang nasan yung ibang kaibigan mo?" Hindi ata marunong tumahimik tong kasama ko.

Napatigil ulit ako dahil sa tanong ni Aries. Wag naman sana na pumunta dito sila mahal lagot kami dun.

"Busy." Maikling sabi niya nakahinga naman ako ng maluwag.

Dry your tears (Intersex) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon