Alvira"Sige na kasi Yiren! Introduce me to him..." paminilit ni Sammie kay Yiren. Nakangiwi ko lang silang pinapanood habang nilalantakan ko ang ice cream ko.
Busangot na ang mukha ni Yiren sa sobrang irita kay Sammie. Napapakamot pa ito sa mahaba niyang buhok. Pinipigilan ko lang ang matawa lalong lalo na nang masulyapan ko ang mukha ni Sammie na paiyak na.
"Sa susunod na! I think he's still dealing with the breakup, hihiritan mo agad?!" singhal ni Yiren kay Sammie, umirap lang naman ito sa kanya. Napapailing nalang ako.
Ang sarap talaga ng buhay pag may kaibigan kang dalawang bakla, maingay lang sila pariho gaya ngayon pero maaaliw lang din naman ako lalo na siguro kung mag sasabunutan ang dalawang 'to.
Kanina pa namimilit si Sammie na ireto siya ni Yiren sa council president namin na si Rance. Student council vice president kasi si Yiren kaya medyo malapit din ito kay Rance at si Rance naman ay crush na crush ni Sammie.
Nalaman nga namin na kakabreak nga lang nong Rance at ang girlfriend niya dahil chismis sa buong school na bakla raw ito, kaya naman parang nabuhayan ang kalamnan ni Sammie at mas lumala pa ata ang pagkagusto niya sa isang 'yon.
Sa dalawang bakla sa harap ko ay may kaibihan naman sila, si Yiren ay ang tipong baklang aakalain mo nang nagpa-trans dahil mahaba ang buhok niya, sobrang liit ng katawan, kulang nalang ng dibdib at halos mag mumukha na siyang babae kesa sakin sa sobrang ganda niya! Hindi na matatawag na gwapo ang isang 'to!
Si Sammie naman ay ang tipong baklang sobrang hinhin, maingay siya pero pambabae ang galawan, maliit ang katawan pero hindi naman pambabae ang gupit niya, bagay na bagay sa kanya ang light brown niyang buhok.
Pariho sila ni Yiren na nag susuot ng make up—-kaming tatlo pala, pero si Sammie... gwapo parin siya sa paningin ko.
Matagal na kaming magkaibigan tatlo at lagi rin kaming magkaklase kaya mas lalo lang kaming naging magclose. Nakakatuwa naman silang kasama kaya pinag titiisan ko nalang.
At... matagal ko na ring gusto si Sammie, alam ko namang bakla siya pero masyado kasi siyang gwapo kaya hindi ko na maiwasang magustuhan siya, hindi niya naman alam ang tungkol doon at ayaw ko rin sabihin dahil baka masabunutan niya lang ako!
Kanina pa ako naiirita sa pinag uusapan nila, paulit ulit na niyang binabanggit sa amin kung gaano ka gwapo ang putanginang Rance na 'yon. Wala akong paki!
Nakakahurt na siya ah.
"Wow...Vira, you eat like a toddler!" nakangiwing pinahiran ni Sammie ang gilid ng labi ko.
Agad akong napangisi at mas lalong kinalat ang ice cream sa bibig ko. Rinig ko pa ang agad na pag singhap ni Yiren. Hindi ko alam kung sa gulat ba o sa pandidiri.
"Punasan mo nga ako ulit, babe." nakangusong pagpapabebe ko kay Sammie, umirap siya sakin at mabilis na tinapon sa mukha ko ang lukot na tissue. Natatawa naman akong umayos nalang ng upo.
"Gross. Pati ako lalandiin mo?!" taas kilay na tanong niya.
"Hoy stop it, mga putanginang to! Tropa tropa lang tayo rito ha! Don't ruin our vibe." maarteng singit naman ni Yiren.
Agad ko nalang na hinablot ang hawak na panyo ni Sammie at pinunasan ang mukha ko. Umangal pa siya pero wala na rin naman siyang nagawa dahil napuno na iyon ng chocolate ice cream. Galit niya lang akong tiningnan nang ibalik ko iyon sa kanya ng nakangisi.
"Tara na, next subject na." sabay sabay na kaming tumayo at agad naman akong inakbayan ni Yiren habang nag lalakad na kami pabalik sa college building.
Si Sammie naman ay nasa kabilang gilid ko lang, mukhang may hinahanap ang mga mata. Alam ko naman na kung sino iyon.
Nang makapasok kami sa room ay agad kumunot ang noo ko dahil seryosong seryoso ang mga mukha ng kaklase ko. Lahat sila ay mukhang may binabasa o menememorize. Agad kong kinalabit si Sammie.
"Anong meron?" takang tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Aray!" reklamo ko nang pitikin niya ang noo ko. Masama ko siyang tiningnan.
"Are you for real? May quiz tayo ngayon babe and you forgot?" umangat pa ang gilid ng labi niya na parang nang aasar.
Nanlaki naman ang mga mata ko at napatakip sa bibig. Sumulyap ako sa kabilang upuan kung nasaan si Yiren at mukha ring dismayado siya sakin. Tangina, mukhang ako lang ang hindi nakaalalang may quiz kami ngayon!
Busangot akong nakatayo lang sa harap nila, seatmate kaming tatlo at ako ang nakaupo sa gitna. Agad akong napangisi nang may maalala akong gagawin.
"Dating gawi?" nakangising tanong ko kay Sammie, mataray niya akong tiningnan at mukhang hindi papayag kaya agad akong bumaling kay Yiren. "Ano?" tanong ko ulit pero umiwas lang ng tingin sa akin si Yiren... hindi rin papayag.
"Ah ganun? Friendship over na tayo?" napailing nalang ako dahil nasasaktan akong hindi sila papayag sa gusto ko.
Kinuha ko agad ang bag ko at akmang uupo nalang sa ibang upuan katabi ng iba kong matatalinong kaklase. Kung hindi nila ako tutulungang pumasa sa subject na 'to, mag hahanap ako ng ibang paraan!
Matalino naman ako, nakakalimutan ko lang mag review.
Sana talaga hindi na ako nag bar kagabi, inaya pa kasi ako nong iba ko pang barkada sa ibang department!
Bago pa ako makalayo ay may humila na sa bag ko pabalik sa upuan kaya agad akong napangisi pero tinago ko ito bago humarap ulit sa dalawang baklang love na love ko!
Nakita ko ngang si Yiren ang humila nun kaya agad ko siyang niyakap dahil ibig sabihin nun, siya ang savior ko sa quiz na to!
"Sabi ko na nga ba, hindi niyo ako matitiis eh." pang aasar ko pa, agad niya akong tinulak at parang diring diri na pinag pagan ang sarili niya. Umupo nalang ako sa gitna nila at sumulyap ako kay Sammie, inirapan ko siya agad nang mag tama ang mga mata namin.
Sobrang damot.
Ilang sandali lang ay pumasok na rin ang prof namin at agad na kaming nag umpisang mag quiz. Dahil nga si Yiren ang tutulong sa akin, siya ang may dalawang papel ngayon... akin ang isa dun. May papel akong hawak pero dahil hindi ako nag review, wala akong maisasagot kaya hinayaan kong blanko iyon. Si Sammie sa kabilang banda ko ay tahimik lang at seryosong sinasagutan ang papel niya.
Nang matapos ang quiz ay agad kong nilukot ang hawak na papel dahil inabot na rin naman ni Yiren sa akin papel ko na sinagutan niya. Noon pa namin ito ginagawa kaya kabisado na rin naming tatlo ang sulat kamay ng isa't isa.
"Omg, tapos na rin! Time to slay!" nag stretching pa si Yiren. Nag lalakad na kami sa hallway pauwi.
"Kanino ka sasabay?" tanong ni Sammie sakin. Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Base sa mga itsura nila alam kong hinihiling nila pariho na hindi sila ang mapili ko.
Ngumisi ako agad at tinuro si Sammie.
"Sayo, dahil tinulungan ako ni Yiren kanina sa quiz hindi ko muna siya gagawing personal driver ngayon." kita ko naman ang pag ginhawa ng maluwag ni Yiren.
"Thank you sweetie..." naiiyak niya pa akong niyakap na parang naaappreciate niya ang pag ligtas ko sa kanya sa araw na to. Bumaling naman ako kay Sammie na bagsak ang balikat dahil mapipilitan nga siyang ihatid ako.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...