"I have an announcement first before we go home." Nag lakad papunta sa gitna si Elijah.
Natigil naman sa pag kilos yung ibang kumag at hinihintay ang sasabihin nya. "Mawawala ako ng one week. Nakapag paalam na ako kay Sir Salcedo at sa ibang subject teachers natin."
Titig na titig lang ako sa kanya. One week without Elijah? Parang ang lungkot naman non.
"Bakit Pres?" tanong ni Adam..
"There's an emergency abroad where my grandparents live. Health issue. Kailangan namin silang tignan, alalayan for the mean time. Especially the company. Sa susunod na isang linggo si Trevor na muna ang bahala sa inyo. Nag usap na kami kanina." We all looked at T and he just nod.
Nalulungkot ako na absent si Elijah next week. Pero naiintindihan ko rin naman kung bakit. Nagulat lang ako lalo na bukas na rin ang alis nya. Mukhang magkukulong lang ako sa condo ngayong weekends. May naka plano kasi kami ni Cloud na lakad sa linggo pero dahil nga sa kailangan nya umalis, malamang hindi na matutuloy yon.
Pagkauwi ko wala akong gana kumilos. Hindi rin naman ako gutom kaya dumiretso na lang ako ng salampak dito sa sofa at binabad ang sarili sa panonood ng movies. I also turned off my phone. Feeling ko matapos ang announcement ni Elijah kanina naubos ang energy ko.
Hulog na hulog ba talaga ko? Lintik, ngayon lang ako sobrang naapektuhan sa pag absent ng isang tao.
Nabalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang doorbell. Hindi ko na namalayan na wala na naman pala ako sa sarili ko. Iba hatak nito ni Elijah. Ginayuma talaga ko nito sigurado ako.
"Oh. Bat nandito ka?" Gulat na tanong ko kay Elijah pagbukas ko ng pinto.
Sa sobrang wala ako sa sarili kahit pag silip sa peep hole hindi ko nagawa binuksan ko lang agad yung pinto. Eh pano kung masamang tao pala yung nasa loob. Nilakihan ko na ang bukas ng pinto para papasukin sya.
Nako talaga Astra. Lakas ng amats mo.
"Are you mad?" He asked while closing the door.
"Mad? Hindi, bakit?"
"You're not responding to my text and calls."
Naka upo na kami ngayon dito sa sofa. Ang mga daliri ko ay pinaglalaruan nya. "Naka off ang phone ko. Nanonood kasi ako." Pagdadahilan ko na lang.
"So, you're not mad because I'm leaving tomorrow?"
Umiling ako at sumandal sa balikat nya. "I'm not mad. Ang babaw ko naman kung magagalit ako dahil don. I'm just shocked and sad, pero naiintindihan ko naman."
"I'm sorry we need to cancel our Sunday date. Babawi ako pag uwi."
Date daw. Eme nito. Sabi nya sasamahan ko lang sya bumili ng sapatos.
"Okay nga lang. Naiintindihan ko." I hugged him sideways. I felt him stunned a bit.
Ito kasi ang unang beses na ako ang nag first move sa mga ganito. Sa aming dalawa kasi sya talaga ang clingy, touchy. Sinusulit ko lang ngayon dahil isang linggo na walang yayakap sakin bigla.
"Bakit ka nga pala nandito? Nakapag impake ka na ba? Anong oras flight nyo?" Sunod sunod na tanong ko.
"Konti lang naman dadalhin ko, may mga gamit akong naiwan don kila Lola. Our flight is 4pm tomorrow."
I nodded at him. Binalik ko na lang ang mata sa pinapanood. He also ordered for our dinner and snacks.
After we ate, we stayed here at the sala still watching. Hindi katulad kanina nakakapag focus naman na ako sa pinapanood ko, naiintindihan ko na.
