This is the last chapter of HSLY. See you in epilogue!
—
Seven months ago, Red asked me to meet my parents. We're both on semestral break already, and it's almost the end of the year.
Ang bilis pala ng panahon.
Pakiramdam ko kahapon lang nangyari iyong nagbakasyon ako sa Inasakan, pero ang totoo ilang buwan na ang nakalipas. Kahit siguro ilang beach resorts ang mapuntahan ko, iyon 'yong lugar na babalikan ko. Sobrang memorable kasi nito sa akin... maybe because it was the place where I accepted the love that had been persistently knocking at my door, and when I finally welcomed it in, even the waves softly crashing on the shore understood that this love would never drown me.
Inasakan din ang saksi kung paano ako kagaling mag-grind. Akala ko kasi sa mobile games lang, pati rin pala sa kandungan niya.
Nang sabihin ni Red na gusto niya makilala ang magulang ko, kulang na lang ay gumawa ako ng powerpoint para ipamukha sa kaniya na hindi ganoon kadali iyon. Not because my parents are homophobic, but because I wanted to make sure that everything goes well once I tell them that I'm in a relationship with a man.
Mabuti na lang at sobrang understanding ni Red. Akala ko iyon pa ang magiging reason ng unang tampuhan namin bilang couple, e. For the past months we've been together, so far wala pa naman kaming tampuhan. If ever na magkakaroon man, sana meron akong travel savings para hindi problema ang pera kapag magbabakasyon ako.
Red also came back to my condo, just as he had promised when he was courting me—that I would be able to fully enjoy the 'boyfriend privilege' once I became his boyfriend. He remains, now and always will be, the one responsible for preparing our meals. Never ko atang mararanasan iyong magluluto ako ng pritong itlog dahil lamang sa hindi ko gusto ang ulam. Ang sarap ba naman lagi ng pagkain na niluluto niya.
To be fair, I insisted to do the household chores. Ang bait kasi talaga ni Red kaya minsan ang sarap abusuhin. Mabuti na lang at mabait din ako. Kaya hindi ko siya tini-take advantage. Nang todo.
Looking back, I had never in my life ever imagined that I'd fall in love with a man. That I am capable of loving a man... romantically.
I guess sexuality is fluid—a complex thing that some of us takes a little bit longer to understand. It just happened to me that I figured it out when I am twenty-one. As I embrace who I am, a label or category doesn't matter to me anymore. Because love... love, in all its form, is a beautiful feeling and it shouldn't be deemed sinful simply because it doesn't fit neatly into the boxes that society has created. We love who we love, and that's all that matters.
"Sure ka na ba talagang gusto mo ma-meet buong pamilya ko?" tanong ko nang makalabas ako ng banyo pagkatapos maligo.
Katatapos lang namin mag-running ni Red sa Ayala Avenue. Dahil hindi niya ako mapilit mag-gym, ang naisip niyang alternative ay sumama ako sa kaniya kapag tatakbo siya. Napansin niya kasing ang bilis kong mapagod, kaya pinilit niya akong tumakbo para kahit iyon man lang daw ay ma-exercise ko ang katawan ko at maging stable iyong stamina ko.
Sobrang active kasi ni Red sa mga physical activities. Feeling ko nga, nanginginig buong katawan niya kapag hindi nakakapag-exercise, e. Samantalang ako, kaya kong humilata buong maghapon sa kama, iyong tipo na tatayo lang kapag iihi o kaya kapag bigla akong nakaramdam ng gutom.
"Bakit? Natatakot ka bang bigyan nila ako ng sampung milyon para layuan ka?"
Kinuha niya ang puting towel sa kamay ko at pinaupo ako sa kama. Tumayo siya sa harap ko at pagkatapos ay marahang pinunasan ang basang buhok.
"Bukod sa walang sampung milyon ang pamilya ko, sure naman akong hindi mo 'yon tatanggapin 'no!"
Ang yaman kaya ng singkit na 'to. Mas lalo ko pang napatunayan no'ng nalaman kong sa Corinthian Gardens sa Quezon City pala siya nakatira. That's the second most expensive subdivision in Metro Manila next to Forbes Park!

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You (Home #1)
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.