Warning: R18
Kahit kulang sa tulog ay maaga pa rin akong nagising.
Kasalukuyang nasa room ko si Red habang mahimbing na natutulog. Nakayapos ang kaniyang mga kamay sa bewang ko at ang ulo naman ay matiwasay na nakasubsob sa dibdib ko. Ramdam ko ang mainit na hininga niya maging ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib dahil sa paghinga nito, palatandaan na malalim ang tulog niya.
Sabagay, ilang oras din ang biyahe papunta rito sa Inasakan. Tapos puyat pa kami kagabi.
Alas kwatro na kami nakatulog dahil tumambay pa kami sa dalampasigan. We talked about random things, as usual. But Red urged me to open up about the things that made me anxious, the worries that weighed on me, especially now that we’re a queer couple.
Sobrang daming tumatakbo sa isip ko. Maingay. Magulo. Puro what ifs. Mga bagay na baka sa huli parehas magdulot ng sakit sa amin, kaya hindi ako nagdalawang-isip na ibuhos lahat sa kaniya. At lahat nang iyon, buong puso niyang pinakinggan.
But those things were silenced when Red gave me the assurance that his love was bigger than the stares, the judgments, the prejudice, and the things we can't control.
Red didn't know it, but his love was like black holes that seek light to my unlit space or the constellations that haven't been named yet but I would still recognize at night. Maybe I wasn't as expressive as he was, but one thing I am sure of is he's the silent prayer that I talked about with God.
Tiningnan ko ang mukha ni Red sa tabi ko habang sinusuklay ng mga daliri ko ang buhok niya. Tulog na tulog pa rin siya. I poked his face gently as I traced his facial features.
Wala naman akong pake sa itsura ni Red noon maliban sa singkit niyang mata. Pero tangina, ang gwapo pala talaga nito.
Tapos nabalitaan ko pa kay Lemuel na sa department daw nila especially sa Senior year, isa si Red sa running for Magna Cum Laude.
Ayoko naman na kapag nalaman ng lahat na may relasyon kami ni Red, ang sasabihin nila bagay kami dahil matalino at gwapo siya tapos ako funny lang. May face card din naman ako. Salamat sa nanay kong maganda at sa tatay kong mabait.
Pero hindi pa rin sapat na witty at may face card that never declines ako. Magiging grade conscious na rin ako simula ngayon. Magrereklamo lang ako pero sisipagan ko na talagang mag-aral!
Inabot ko ang cellphone sa tabi ng unan para tingnan ang oras. Ala siete na pala ng umaga.
Pagkabukas ng cellphone, ang mensahe ni Lemuel na malapit na raw siya sa Inasakan ang bumungad sa akin. Wala na siguro siyang exam kaya pumayag na ihatid ang laptop ko. O baka dahil nadala sa Gcash?
Nag-activate na rin ako ng social media dahil hindi ko pala kaya ang lowkey era. Nanghihina ako kapag walang memes na nakikita. Saka miss ko na rin manood ng videos ng pusa at aso sa internet.
Huli kong in-activate ang instagram account ko. Wala namang bago bukod sa nag-i-instagram story na si Red. Wow naman at naka-close friends pa!
Tingnan mo 'tong singkit na 'to. Sabi niya sa akin noon, hindi raw siya mahilig sa social media. Pero mas okay na rin para may mapag-send-an na ako ng memes.
Pinindot ko ang profile ni Red para makita ang story niya. It was a faceless IG story. Tanging ang isang kamay na nakahawak sa manibela lang ang nasa litrato habang may background music na Falling by Chase Atlantic.
Lumabi ako sa nakita. Damn those veins.
Alam ko namang walang ka-stalk stalk sa account ni Red pero pumunta pa rin ako sa profile niya.
Nadagdagan ang followers niya. Mas lalong dumami kumpara noong unang kita ko sa account niya. Napakagat ako sa labi nang makita ko na ang dating zero following, ngayon ay meron na. At mismong account ko lang ang nasa following list niya.

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You (Home #1)
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.