"Mabuhay! Welcome to Inasakan Beach Resort! I hope you enjoy your stay here!"
One of the staff members walked where I was standing, holding a flower necklace in her hands and draped the garland around my neck. Tipid akong ngumiti sa pagsalubong nila.
The ocean breeze tousled my hair, and the scent of salt made me realize that I was not in Avida nor outside of my department's building.
Halos limang oras ang biyahe mula Avida para makapunta sa beach resort na 'to. I just saw it online and decided to book a 2-night and 1-day stay here.
Parang kailangan ko ata nang maagang bakasyon. Ang hirap ng major exam. Feeling ko babagsak ako no'ng nakita ko siyang may kasamang iba.
Mabuti na lamang at puro online exam ang minor subjects ko kaya puwede kahit saan ako magtake. Ang problema nga lang kakamadali ko nakalimutan kong dalhin ang laptop ko.
Nasa biyahe na ako nang maalala na hindi ko pala ito dala kaya bago ako magdeactivate ng social media, minessage ko muna si Lemuel na ihatid ang laptop ko.
Ang reply ba naman sa akin ng gago ay QR code ng Gcash niya. Hayop na tropahan 'to walang ngang hilahan pero nanlalamang meron.
Pagkatapos i-send sa kaniya ang bayad, sinend ko rin ang location ko.
I never bothered checking if Red replied to my message after texting him that I already went home.
Hindi ko rin sinabi sa kaniya na may pupuntahan ako. Mukhang masaya naman siya kausap si Klarisse. Bagay nga sila, e. Sa sobrang bagay nila ilang scenario na iyong nagawa ko sa utak ko. Tipong nagkaanak na sila sa imagination ko pero wala silang alam na hindi nila anak iyon dahil pinagpalit ko ang anak nila sa katabing crib nito.
Shit talaga. Kung ano-ano na lang pumapasok sa isip ko.
Hindi pa ako naliligo sa beach pero pakiramdam ko nalulunod na agad ako. Mabuti sana kung sa lambing, eh ang kaso sa selos. Tanginang 'yan.
Hinatid lang ako ng staff sa room ko. Actually, hindi siya room dahil para akong may sariling bahay. Though, it was a modern bahay kubo style. May sariling kitchen and bathroom din ito. Malaki rin ang bedroom. O baka namali lang ako ng book at pang-couple pa ata ang napili ko.
Pagkatapos kong ayusin ang gamit ay lumabas din ako. Maganda ang resort kahit sa gabi dahil may mga pailaw ito. May iilan din na guests pero hindi ganoon ka-crowded.
Mahal ang nagastos ko sa pagbook dahil medyo pangburgis ang dating ng resort na 'to. Iyon nga lang halos lahat ata ng ipon ko dito napunta. Pero okay na rin at least hindi pambayad sa tuition fee iyong nawaldas ko.
I decided to take a stroll around the area. Tonight was a full moon, and the sky was clear. Nabasa ko sa reviews na maganda raw mag-stargazing dito.
I was walking my way down to the seashore until I bumped into someone.
"Shit, sorry p're." I muttered apologetically.
"No, it's fine. My fault." He said as he scanned my whole face, a confused expression was evidently crossing his face.
"May problema ba, p're?" Kunot noong tanong ko dahil halatang-halata kung paano niya titigan ang mukha ko.
Dahil naangasan ako sa ginawa niya, tinitigan ko rin siya pabalik. The more I stare at him, the more he becomes familiar. Parang nakita ko na siya ngunit hindi ko lang maalala kung saan.
"Wala naman. I just thought for a second you were someone I've seen somewhere." Magsasalita pa sana ako pero biglang tumunog ang cellphone niya, hudyat na may tumatawag sa kaniya. I excused myself then made my way to the seashore.

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.