Chapter 16

5.5K 252 214
                                    

Sa dalas kong magsuot ng headphones at i-max volume ang tugtog para makapagfocus sa pagrereview, mukhang nabingi na ata ako.

O baka hindi naman talaga ako bingi? Baka limited gigabytes lang talaga ang capacity ng utak ko ngayong araw kaya hindi ko na maproseso ang sinabi ni Red.

Kailan pa ako nabobo umintindi at dahil pa talaga sa lalaki? On the other hand, understandable dahil may hangover pa ako at hindi pa rin nag-si-sink in sa akin ang pagmove out ni Red sa condo ko.

"Anong manliligaw?! Gusto mo iligaw kita sa Cubao?"

"We both know that's impossible, Greene."

I clenched my jaw out of frustration. The devil couldn't reach me so he sent Valentino to be my karma sa lahat ng kakupalan ko.

Buti sana kung karma lang, pinabaunan pa talaga ng kabadingan.

"At bakit?" I scoffed.

"May waze ako," he replied.

Red stood up, picking up the groceries he'd bought. But before heading to the kitchen, he walked toward me, leaned in close enough that I could smell his manly perfume, and whispered something that left me breathless.

"At saka kahit iligaw mo naman ako wala pa rin iyang silbi. Dahil kahit saan mo ako dalhin, alam ko pa rin ang daan pabalik sa 'yo."

I swallowed the lump in my throat, pushing down the emotions that threatened to betray me. Once. Twice. Thrice. Yet, no words came out of my mouth. I heaved a deep breath, trying to calm the storms dancing inside my chest.

Fuck. Anong level ng kabadingan iyon, Valentino?!

Pinaypay ko ang sariling palad dahil pakiramdam ko lahat ata ng dugo sa katawan ay umakyat sa mukha ko.

Sa sobrang init parang gusto ko na lang magpalambing...

I mean, magpalamig. Iyong maraming yelo para magising ako at hindi bumabaliktad ang mga salitang nasa isip ko.

I walked to my kitchen and saw Red preparing something.

"Bakit ka nakikigamit ng kitchen ko? Wala bang kitchen ang condo mo?" I crossed my arms and stood beside him.

Tinigil ni Red ang ginagawa at naghila ng upuan.

"Umupo ka muna, Greene. Baka nahihilo ka pa." He softly said and gently pulled me to sit down.

Nagpatinaod ako at bumuntong hininga nang makaupo. Tingnan mo 'tong singkit na 'to, nagawa pa talagang makiluto sa kusina ko pagkatapos mag-alsa balutan na hindi man lang nagpaalam.

"Hindi ka na rito nakatira..." Sabi ko habang may diin ang bawat salita.

"Ipagluluto ko lang ang nililigawan ko. Kawawa naman at may hangover." He said, grinning at me.

Halos matumba ako sa kinauupuan nang marinig ang sinabi ni Red. Napaawang ang labi ko habang pilit na nililihis ang tingin kapag nagkaka-eye to eye contact kami.

Simula noong umamin si Red parang lahat ng gawin niya sa akin ay pakiramdam ko palaging may kasamang kalandian.

Kung gaano kaliit ang kita ng mata niya, ganoon naman kalaki ang kalandiang taglay ng katawan niya.

Bading ampota.

"Saan ka lumipat?" I asked, steering the conversation away to ease the tension he had created.

"Bakit bibisitahin mo ako?" He teased.

"Hindi. Para alam ko kung anong lugar ang dapat iwasan." I said, aggressively enough to cease his delusion.

Home Smells Like You (Home #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon