"T*NG*NA MO!"
Halos takbuhin ko ang distansya ng elevator at ng classroom namin ng marinig ko ang ingay sa loob. That's Cloud's voice.
Ito na ata yung hinihintay ko. May bugbugan na nga.
"Tama na yan!"
"Sloan! Sage!"
Umiiyak na yung tatlong babae sa isang sulok.
Napaka gulo. Ilang upuan na ang sira pati ang teachers table wasak na. Nasa gitna sila naka bilog at nagkakagulo. Puro murahan, daing na nasasaktan ang maririnig.
Ano bang nangyari? Hindi naman ako maka singit sa gitna dahil magigitgit lang ako don.
Kinuha ko ang parte ng sirang teacher's table at hinampas sa board. Ayon nasira rin yung board. It made a loud noise that got their attentions. They all looked at me, nahawi rin ang pagkaka bilog nila kaya nakita ko ang mga pasang mukha nila Cloud, T, Brett, Isaiah at Adam. Pati na rin nila Sloan, Sage, Nathan at JM sa section nila si Ryler lang ang walang bangas, magulo lang ang uniporme. Mukhang sya ang naging taga awat sa section nila.
"What the fuck is your problem!? Ang aga aga. Ano 'to almusal nyo!?" sigaw ko sa kanila.
"Ikaw! Ikaw ang problema! Dahil sayo kaya sila nag aaway. Dahil sa nangyari sa elevator kahapon!" Dinuro duro nya pa ako.
"Put*ng*na ka! Wag mo ko maduro duro wala kang ambag sa buhay ko!" Balik na sigaw ko sa kanya. Agad naman sya hinawakan sa braso nung dalawang minions nya.
Pero, teka. Elevator kahapon? Nangyari? Paanong..?
Inalis ko muna sa isip ko yon at nilapitan yung mga kumag na nakipag bugbugan. Hawak na sila nung ibang kaklase namin. May ilang bangas ang mukha nila, inisa isa ko talaga silang tignan.
"Look what happened to all of you!" Irita kong sabi sa kanila. .
"And look what that fucker did to you!" Inangat ni Cloud ang braso, may pag iingat nya pa rin naman na ginawa yon.
Halata na ang pangingitim ng parte na yon ng braso ko, hindi man kalakihan pero halata pa rin.
"Hindi ko sinasadya yan. I swear. Nadala lang ako ng emosyon, ilang beses na kasi ako sumubok sayo, Astra." sabi ni Sloan na ngayon ay nakatayo na rin pati ang ibang kaklase nila.
"At ilang beses ka na rin nyang tinanggihan. Bobo kaba talaga!?" galit na sigaw ni Brett. Gusto pa nga kumawala sa pagkaka hawak ni Oliver.
"No! I like her and I want to pursue her." Pag pupumilit ni Sloan.
May sakit ba 'to? Hindi ba sya nakaka intindi talaga?
Tinitigan ko sya ng mariin. "I'm sorry but I don't like you. You know very well who I belong to, all of you knows that." May diin na sabi ko. "At sa tingin mo matapos nung ginawa mo kahapon sa elevator magkakaroon ka ng pag asa? Ano ko gago?"
Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Cloud sa mga bewang ko. Hinila nya rin ako palikod kaya naka dikit na ang likod ko sa dibdib nya.
"To the guidance office section 1 and 4!" ani Sir Salcedo na nasa pintuan na pala.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo." Problemadong sabi ni Mrs. Fuentabella matapos namin ipaliwanag ang nangyari. "Call your parents or guardians. I need them here ASAP. All of you."
Another record again.
After an hour dumating ang ibang magulang, si Daddy on the way pa lang. Buti na lang tanghali pa ang scheduled meeting nya kung hindi nakakahiya na talaga.
Nang mag bukas ang pintuan nabaling ang tingin ko don. Isang pamilyar na bulto ng babae ang pumasok at agad na dumiretso kay Scarlett.
Camilla Trinidad, Dad's ex wife. My mother.
