Chapter 16

387 17 0
                                        

Lovely Pov

"Mahal." Tawag ko sakanya ang tagal kasing lumabas sa kwarto, nababagot nako dito. Gusto niya kasing maghintay ako sa harap ng kwarto niya.

Pagkatapos naming kumain sa office niya kanina ay nag-aya silang mag bar dahil Saturday naman bukas. About to miss abi i try to find her calling card para sana tanungin kong saan ang address niya, pero nawala naalala ko sa bulsa ng bag ko yun nilagay.

"Mahal matagal kapa ba?" Sigaw ko napakamot nalang ako ng ulo.

"Can you please wait." Sigaw niya pabalik, padabog akong umalis pupunta nalang ako sa kusina para mag mukbang total marami naman siyang stock dito.

Habang kumakain ako ng chocolate cake may biglang humalik sa pisngi ko alam ko naman na siya yun kaya hinayaan ko nalang, gusto kong lambingin niya din ako. "I'm sorry love, and don't eat to much baka sumakit ang tyan mo." Suway niya sakin, nakatukod ang dalawang kamay niya sa lamesa. Na para bang nakayakap sakin.

"Hmmm!!" Hindi ako makapagsalita dahil puno ng cake ang bunganga ko.

Nilingon ko siya dahil biglang siyang umalis. Kumuha lang pala ng tubig.

"Drink this." Kaagad ko namang kinuha ang tubig tsaka ininom, ngumuso ako para humingi ng kiss pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ehh kiss muna para bati na tayo." Ani ko akmang ilalapit ko na yung labi ko ng bigla niyang hinarang ng palad niya ang bibig ko.

"Stop montes! Let's go, remember our rule montes don't flirt." Seryusong saad niya tumango-tango ako na parang bata.

Tumalikod na ito at naglakad patungo sa sala, tinignan ko lang siya, subrang ganda niya she's wearing fitted jeans, white crop top and black high heels.

Bagay sakanya pero mas bagay kami!

Me i'm just wearing oversized jacket, black tshirt gray shorts and white sneakers simple lang ayaw kong mag effort iinom lang din naman kami.

Nilinis ko muna ang pinagkainan ko, kumuha ako ng dalawang chocolate sarap kasi.

Kinuha ko naman ang cellphone ko dahil may nag text na naman, i know this is my mom next week na kasi yung family reunion namin kaya tudo pangungulit siya.

Mrs. Montes:

Nak where are you? Pumunta kami kanina sa apartment mo pero wala ka dun?

Nak nag-alala nako, kumain kana ba? Wag kang magpapagutom nak! Ingat ka mommy love you so much.

Naawa ako sa nanay ko dahil nadadamay siya sa tampo ko kay daddy, gusto ko lang na mapayapa ang buhay ko.

"Are you okay? Why are you crying montes?" Bakas sa tono ng boses ni ma'am ang pag-aalala, pinunasan ko ang luha ko.

Umiiyak na pala ako ng hindi ko namalayan. "Wala po! I'm just happy dahil kasama kita, kumbaga tears of joy." Palusot ko sabah hawak sa kamay niya at pinagsiklop iyon.

"I love you! Don't cry okay." Malambing na sabi niya sabay sandal sa balikat ko, walang gaanong tao sa parting kinatatayuan namin.

Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya, kahit ilang ulit kong narinig sakanya ang salitang mahal kita kinikilig parin ako tapos parang may paru-paro sa tyan ko kapag nababanggit niya yun or hangin lang siguro yun.

Basta iba yung kilig at kabog ng dibdib ko kapag kasama at malapit siya sakin.

"Hay kanina pa namin kayo hinihintay, nandito lang pala kayo sa madilim." Sabat ni Aries natawa naman si Zhyra.

"Shut up lagman." Ani ni ma'am sabay hila sakin patungo sa van na nakaparada.

"Hoyy ang sasama niyo! Kayo na nga hinihintay."

Dry your tears (Intersex) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon