Notice: hi, vivis, please be patience for the updates. I have been and will be busy for weeks because of midterms and major plates. I will try my best to update if i got my free time. Please, wait.
—
Naka-ilang call na ako kay Pia pero hindi niya parin sinasagot ang tawag ko. I'm worried about her. What happened? I knew her, she's clean. I refuse to believe she's using drugs.
Sinubukan kong tumayo pero kinalampag ni Mommy ang ibabaw ng table. Napa-igtad ako at mabilis na umayos ng upo. Galit siyang tumingin sa akin kaya yumuko ako.
Wala naman akong ginawang masama. Bakit parang kasama ako sa mga 'yon. Hindi ako adik.
"Tell me the truth, Mael. Where did you go last night? Nagpaalam ka sa akin kagabi. I wasn't listening so pumayag ako ng wala sa katinuan. Sabi mo susunod ka kay Pia. Saan ka nagpunta?" Madiin niyang sabi.
Umangat ako ng tingin, "Hindi nga natuloy, Ma."
"Saan ka nga pumunta?" Ulit niya pa.
Napaisip ako kung sasabihin ko ba ang totoo. Hindi naman nila kilala si Mr. Thief. What should I say? That I was kidnapped by that man, so I couldn't make it? I might get in even more trouble.
"Nasiraan 'yong grab na nasakyan ko kaya bumalik na lang ako. Hindi pa ako inaantok kaya tumambay ako sa park." Sagot ko.
She sighed, "Nagsasabi ka naman ng totoo, Mael?"
"Oo nga, Ma! Promise! Ano ba kaseng nangyari kagabi. Ayaw mo naman sabihin ng buo." Reklamo ko.
Nag-aalala rin ako kay Pia. Nakulong ba talaga siya? Gusto ko siyang puntahan pero parang hindi ako papalabasin dito sa bahay ni Mommy.
"Natokhang 'yong bar na dapat pupuntahan mo, Mael. Most of those were students. None of them escaped and they were all captured. Hindi sila pinalampas ng mga pulis lalo na't matagal na palang minamanmanan iyon." Paliwanag niya sa akin.
"Paano si Pia, Mommy? Hindi naman siya nag-dra-drugs."
"Sabi nga nila nadamay lang ang iba doon. I talked to her mother. They conducted drug tests on everyone to be sure. Galit nga ang iba. Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan 'to kung kasama ka doon? The news is all over the internet. I even found out that some students who tested positive for drugs were abandoned by their schools because of their reputation. Kung kasama ka lang doon, itatakwil talaga kita." Seryosong sabi ni Mommy. She wasn't joking, though. I felt that my mother was truly capable of doing that to me.
I wouldn't accept it if I wasn't using drugs and was just implicated. But if I were truly an adik, ako mismo tatakwil sa sarili ko.
Hindi talaga nakakabuti ang shabu sa katawan. Some of them, once they've tried it, change, or worse. I don't really treat those users as criminals as long as they aren't harming others. They're primarily destroying themselves.
Dumating si Daddy at nalaman niya ang nangyari. Compare kay Mommy, hindi ako masyadong kabado sa kaniya. Si Mommy talaga ang nakakatakot.
Napanood daw ni Daddy ang balita dahil nga kalat na sa internet. Sinabi na lang sa kaniya ni Mommy ang nangyari sa akin.
"Aba'y malaking tulong din pala ang kapalpakan ng grab driver na na-book mo. Minsan talaga 'yang mga katangahan natin may magandang naidudulot." Sabi ni Daddy.
Natahimik ako. Tumayo ako at nagpaalam para magpahinga ulit sa taas.
I lay down on the bed, my thoughts deep. I felt guilty. Should I apologize or thank him? Dad was right, he saved me from humiliation.
Sinabi ko naman na huwag na siyang magpapakita sa akin. Sumang-ayon din siya at sinabing last na kagabi.
Pero bakit ko iniisip? Kahit niligtas niya ako may mali parin siya! Yes, we both made mistakes. I'm willing to accept my mistake, but he was wrong too! If he shows up again, then I'll thank him. If not, then it's even better.
YOU ARE READING
Forget Me Not
Romance|BOOK TWO OF TRILOGY| Mael moved to a quiet college in the province for a peaceful life. But peace wasn't in the plan. His ex, Dregorio Juan Monreal III, showed up as one of his students! Dreg is a known business man in the country. In short isa siy...
