AWS Prologue

1.7M 21K 2.2K
                                    

A/N: May mae-encounter kayong video advertisement sa ibang mga chapters ng storya na ito. Huwag po sana kayong magalit sa ads na makikita niyo. Sana ay hindi kalabisan ang ilang segundong panonood ng mga video ads na inyong makikita. Malaking tulong po sa akin kung papanoorin niyo ang mga ito :)

Prologue

"Anong resulta?" anito habang nakatingin sa kanya. Bagama't blanko ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi nakaligtas sa akin ang pangamba sa mga mata niya.

Inilahad ko ang tatlong pregnancy test kit at nagmamadali niya itong kinuha at isa-isang tinignan.

I'm sorry for doing this to you Cloud pero heto lang ang naiisip kong paraan para mawala ang pangamba sa puso ko..

"I-I'm not p-pregnant." nauutal kong sabi sa kanya.Tumango naman ito ngunit bakas ang emosyong hindi ko alam kung paniniwalaan ko.

Maniniwala nga ba akong hindi niya nagustuhan ang resulta?

"G-gusto mo bang ipaghanda kita ng pagkain?" saad ko ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya bagkus ay inilapag nito ang mga pregnancy test kit sa lamesa at tinalikuran ako.

Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.

(Play the song Set You Free- MYMP)

'We often fool ourselves

And say that it's love

Only cause when it's gone

We end up being lonely

So how are we to know

That it just isn't so

That we just have to let each other go...'

Totohanan na ito, huli na talaga, huling sugal at pagkatapos nito kung wala pa din susuko na ako hindi lang para sa sarili ko.. Kung hindi para sa isang munting buhay na nasa sinapupunan ko..

"Bakit hanggang ngayon siya pa din?" ani ko na siyang nakapagpatigil dito sa paghakbang.

"Bakit hindi mo ko magawang mahalin? Sinubukan mo ba talaga o pinaasa mo lang ako?"

"I treated you as my priority but I am always an option to you. Why can't you choose me, Cloud?! Hanggang kailan ba ako magiging reserba sa buhay mo?!" sigaw ko dito at hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis na tumulo ang mga luha ko.

Sa lahat ng sinabi ko o tinanong ko wala akong narinig sa kanya. Umiiyak na tinawid ko ang distansya namin. Ipinaikot ko ang mga kamay ko sa bewang niya ng napakahigpit.

'There were many times

When we shared precious moments

But later realized they were only stolen moments

So how are we to know

That it just wasn't so

That we just had to let each other go...'

"It's always been her. Ako ang nasa tabi mo pero siya ang laging laman ng bibig mo. Ako ang asawa mo pero siya pa din ang nagmamay-ari ng puso mo. Hanggang kailan pa ba ako mag-aantay na mapansin mo. Hanggang kailan ba darating na ako naman--- Ako naman ang mahal mo... Hindi isang gulong na reserba sa tuwing sinasaktan ka niya... Sabihin mo sa akin Cloud kasi onting-onti na lang bibitiw na ako kung 'yun ang makakapagpasaya sa'yo. D-dahil pakiramdam ko gaano man kita mahalin hindi ko siya mapapalitan sa puso mo." patuloy sa pag-iyak kong saad habang yakap yakap ko siya mula sa likuran. Naramdaman ko na may pumatak sa kamay ko.

A Wife's Secret PUBLISHED UNDER PSICOM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon