Chapter 34

429 8 1
                                        

"thanks Kuya, ingat." I kissed Kuya Blake's cheeks before I go down to his car.

Sinabay na nya ako ngayon since parehas naman kami ng oras ng klase ngayon.

I check my phone while walking, kanina pa maingay yung gc namin. Hinahanap nila ako na akala mo na sakin ang susi ng kwarto. Ako na lang daw kasi ang wala pati daw ang mga saling ketket na section 1 kumpleto na don.

WORST SECTION DAW 😈

Greg Finn Alvarez
Boss nasan kana? Kanina pa umaaligid 'to sa love mo.

May isang picture na sinend si Greg. Its Scarlett standing infront of Cloud.

Oli Clemente
Behave naman si President, boss. Hindi nya pinapansin. Para nga lang syang tanga na kumakausap sa hangin.

Nag reply lang ako na paakyat na ako. Sinabihan ko na rin sila na wag na ako sunduin. Marami pa namang estudyante sa hallway, wala namang gagawa ng kagaguhan sakin dito.

"Hi Astra."
"Good morning Astra."
"Morning Astra."

Isa sa mga nabago simula ng manalo ako sa pageant may iilan ng estudyante ang bumabati sakin. Mapa lower year man o same year ko, boys and girls. Because of that I also learned to atleast smiled at them a little. Hindi na ako yung totally snob, straight face pag naglalakad. I need to atleast acknowledge them.

"NANDITO NA SI BOSSING!" sigaw ni Greg na nasa labas ng room kasama si Oli at Toby.

"Bingi ba sila? Kailangan sumigaw?" Tanong ko pagka abot ko ng bag ko kay Oli. Kinuha nya kasi.

"Para alam lang nila boss." Ngiti sakin ni Greg at sumunod ng pumasok kila Oli.

Iniwan rin ako, kinuha lang nila yung bag ko.

Pagpasok ko sa room huminto ako sa mismong pintuan at tinignan ang ayos ng room namin. Sa tabi nitong pinto naka pwesto yung mga section na bobo. Nag kodigo eh, edi bobo. Tapos nahuli pa, bobo talaga. Sa kabilang side naman ang mga kumag.

I maintained my straight face, aga aga panira ng araw 'tong section 1. Wala pang ginagawa naiirita na ko.

"Ano tatayo kana lang dyan? Feeling teacher?" Pag uumpisa nitong si Scarlett.

Ah, ang aga mo ah.

"Okay na ko sa feeling teacher, kesa sa feeling matalino. At wala kang pake kahit maghapon akong tumayo rito sa pinto. This is our room, cheater." Talagang binigyan ko ng diin ang huling salita ko. Almusalin mo yung sinabi ko. Lintik ka.

Akmang tatayo pa sya ng sitahin sya ni Sloan. Ending tinignan nya lang ako ng masama.

Tinaasan ko lang sya ng kilay at nginisihan saka nag lakad papunta sa upuan ko. Narinig ko pa ang pagtawa ng ibang kumag.

1 - 0

Bawi kana lang mamaya, bitch.

"Aga non, boss." Natatawang sabi ni Ryker pagka upo ko sa tabi nya.

"Kairita yung mukha eh."

"Boss tawag ka ni Pres." May kalakasan na tawag sakin ni Saint.

Nilingon ko naman sila sa likod, nandon kasi sila sa dulo nagkukumpulan. May sinisira na namang buhay ng iba.

"Ako lalapit?" Taas kilay na tanong ko.

"Sungit ng love mo Pres. Lapitan mo na." Tinulak pa ng mahina ni Saint si Cloud.

Ang pinuno ng mga kumag may ngisi namang lumapit sakin at umupo sa harapan ko.

"Morning."

Pigil ang ngiti ko, napaka pogi talaga ng lintik na 'to. "morning."

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now