Chapter 38

932 44 1
                                    

A/N: Errors Ahead / Here and There

*********

Mikha Lim


Habang nagdi-dinner kami ni Aiah, tahimik lang akong nagmamasid sa kanya. Kitang-kita sa mga mata niya ang tuwa habang tinitingnan ang tanawin ng Milan Cathedral. Sa sandaling iyon, gusto ko lang sulitin ang oras naming dalawa—walang iniisip na kahit ano, walang istorbo.

Pero biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Saglit akong nag-pause, sinilip ang screen, at nakita ang message ni Manager.

08:57 P.M. Manager
>"Mikha, where are you? We've been looking for you for hours. Call me ASAP. This is unacceptable."


Napahinga ako nang malalim, ramdam ko na agad ang tensyon. Syempre, nagagalit na naman siya. Alam kong kailangan kong bumalik sa Paris dahil sa trabaho pero paano ko sasabihin kay Aiah na kailangan kong umalis? Ayoko namang masira ang gabi naming dalawa.


"Something wrong?" tanong ni Aiah, habang iniiwas niya saglit ang tingin mula sa tanawin.

Ngumiti ako ng pilit, sabay balik ng phone sa bulsa ko. "Nothing important. Just a message from work."

Nagtaas siya ng kilay, halatang nagdududa. "Are you sure? You look tense."

"Hindi, okay lang," sagot ko, sinusubukan gawing normal ang boses ko. "I'll handle it later."

Ayoko nang mag-alala siya o masira ang mood niya. But deep inside, alam kong hindi ito matatapos nang ganito. Manager rarely lets things go, especially if it's about schedules or commitments.

Habang kinakain ko ang pasta sa harapan ko, nag-iisip na ako ng paraan kung paano ko matatapos ang gabi nang hindi magtatampo si Aiah. She deserves this moment.

But in the back of my mind, I knew I couldn't avoid the consequences of ignoring that message.




Habang kinakain namin ang dessert, ramdam ko pa rin ang bigat ng sitwasyon. Aiah was happily enjoying her tiramisu, unaware of the storm brewing in my mind. Gusto ko lang mag-focus sa kanya, pero sa bawat vibration ng phone ko, parang pinapaalala nito na hindi ko kayang takasan ang responsibilidad ko.

Muling nag-vibrate ang phone ko. This time, hindi ko na napigilan. Kinuha ko iyon at pasimpleng binasa ang sumunod na message ni Manager.

09:00 P.M. Manager
> "Don't make me come there, Mikha. Call me now."

Napangiwi ako. Ang init ng ulo niya, as usual. Alam kong malaki ang risk ng hindi pagre-reply, pero paano ko iiwan si Aiah?

"Mikha," tawag ni Aiah, pinutol ang iniisip ko. She was looking at me with concern. "Seriously, is everything okay? You've been checking your phone a lot."

Napakamot ako ng ulo at ngumiti ng pilit. "Yeah, just work stuff. Alam mo naman si Manager, demanding as always."

She frowned a little, then put down her fork. "If it's important, you can go. I won't mind."


I bit my lower lip. Ayokong iwan siya. Hindi ko kayang sirain ang moment na 'to. Pero hindi rin naman tama na magpanggap na walang problema.

"Let me just make a quick call," sabi ko, tumayo at tumingin sa kanya. "I'll be back in a minute."

Tumango siya, kahit halatang may konting disappointment sa mukha niya. Ramdam ko rin iyon, pero wala akong choice. Lumabas ako saglit sa terrace ng restaurant at dinial si Manager.

Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon