Yellow
The next morning, I woke up to find fifteen missed calls from Stavros. Bukod sa parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sakit, mataas na rin ang sikat ng araw at tumatama pa iyon sa mga mata ko.
Mahina akong napadaing, naniningkit ang mg mata habang binabasa ang mensaheng iniwan niya.
Stavros:
u fucking asshole, are you still sleeping? your baby's alr outside. you're fucking welcome.Lalo akong napangiwi. Akala ko naman message ni Haru ang bubungad sa akin at kinakamusta ako. Huwag na lang gumising kung walang good morning message galing sa kanya!
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa couch. My head felt like it was splitting apart as I walked to the kitchen to get a glass of water. Naghubad na rin muna ako ng damit dahil kumapit doon ang amoy ng mga alak kagabi. Nakakahiya at naamoy pa yata ni Haru.
Sa dami ng pwedeng tumatak sa kanya, baka isipin pa niyang mabaho ako...
Nagtungo ako sa labas upang tignan ang tinutukoy ni Stavros, at tama nga siya, dahil nakaparada na sa harapan ng apartment ko ang sasakyang isang buwan ko yatang hindi nakita. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at bumuntong-hininga.
I glanced at his door, still closed, and bit my lower lip as thoughts swirled in my mind. Hindi pa ako sigurado kung tatanggapin niya ba kapag nag-alok ako sa kanya na sumabay na lang siya sa akin tuwing papasok sa campus, ngunit kailangan ko pa ring subukan.
Marami na akong kahihiyan na nagawa sa harap niya. Hindi na ako natatakot. Sa puntong 'to, kahihiyan na yata mismo ang takot sa akin.
I took a shower before deciding to cook. Habang naghahanda ng umagahan, pilit kong pinag-isipan kung anong magandang ipang-first move. Baka mapindot na naman niya ang dalawang syllables na tawa kapag nagsend ako ng reels. I spent almost ten minutes trying to find a creative way to send a message until an idea popped into my head.
Tinapos ko ang nilulutong pagkain at saka iyon inihain sa lamesa. Umupo ako roon, tanging gray na sweatpants lang ang suot, bago inanggulo pataas ang phone upang masama sa frame ang niluto ko. I adjusted my position slightly so I could lean against the backrest of the chair before striking a peace sign pose.
Pinagmasdan ko ang litrato. I look fucking hot, especially with my defined chest and abs on full display in the picture. Napangisi ako, bahagyang itinagilid ang ulo upang makahanap pa ng mas magandang anggulo saka ulit kumuha ng panibagong litrato.
Nang makuntento, humanap ako ng picture na ipo-post sa IG story. Sa huli, iyong naka-peace sign ang napili ko. Nilagyan ko iyon ng maliit na caption sa gilid na "Mornings..." at sinamahan ng background music. Mapagdamot by Robledo Timido.
At dahil papansin ako, nilagay ko ang account niya sa mention.
Ysaac:
You mentioned @akiharu in your story.halaaaa (@_@) napindot ko yata sorry huhu
I bit my lower lip as I stared at my message. Tang ina, sinong niloko ko? Baka kahit si Ives na uto-uto, hindi maniwala sa mga pinaggagagawa ko.
Inabangan ko ang reply niya. Nagsimula na muna akong kumain habang naghihintay. Ilang minuto pa lang ang lumilipas nang lumabas na ang typing indicator.
Haru:
Pati thirst trap nawro-wrong send na rin?Humagalpak ako ng tawa. Bago ako mag-reply, tinignan ko muna kung nagview ba siya. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita sa viewers ang account niya. Akala ko hindi papansinin, eh...

BINABASA MO ANG
In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)
Romanceysaac & haru bl story | on-going