Chapter 12

534 18 0
                                        

Lovely Pov

"HAHAHAHAH!! G*go bakit mo kasi hinalikan si ma'am lacoste? HAHAHAAH ayan tuloy may black eye ka, shakit ba?" Natatawang tanong ni Aries.

"Ano ba ar nakakarindi ang tawa mo!!" Inis na suway ko sakanya, pero ang g*ga tinawanan pako, tinignan ko si Zhyra na ngayo'y nagpipigil ng tawa.

"Wag mong pigilan yan zy baka mautot ka HAHAHAAH." Sabat ni Aries.

"HAHAHAHAH sorry-sorry pre."

Napa irap nalang ako hinayaan ko silang tumawa, hawak-hawak ko ngayon ang ice pack.

Sakit ng pagkakasuntok ni ma'am nahilo pako kanina buti nalang nandun sila kanina para alalayan ako pero pinagtawanan muna ako, bago tulungan.

Nandito kami sa clinic nakita talaga nila yung pagsuntok sakin ni ma'am kanina.

"Epikto yan ng pagkakasuntok sayo HAHAHAHA." Asar ni Aries sakin lumapit naman ako sakanya at binatukan.

"Aray ko naman." Reklamo niya binalingan ko naman si Zhyra at sinamaan ng tingin.

"Sige tawa ka! Susuntukin ko kayong pareho." Bigla naman itong tumahimik at kinuha ang libro sabay buklat nito.

Hindi ako nagsisi na hinalikan ko siya, napahawak ako sa labi ko ramdam ko kasi parang nandito pa ang labi niya na nakadikit sa labi ko.

"Hoyy inlababo na talaga tong kaibigan natin zy tignan mo kahit may black eye na, nakangiti parin." Sabi ni Aries, binalik ko kaagad sa pagka-seryuso ang mukha ko.

"Sos okay lang samin ly!! Ikaw ba naman hinalikan mo ang crush mo este nang mahal mo hindi ka kikiligin." Sabat ni Zhyra napailing nalang ako dahil sa pinagsasabi ng dalawang to.

"Kapag hindi pa kayo tumahimik na tatlo!! Papalabasin ko kayo." Saway samin ng nurse napatikom naman kami ng bibig.

"Sorry po." Ani ni Aries nag peace sign pa nga, tinarayan lang siya ng nurse sabay alis sa harap namin.

"Red plag ang nurse!! Hindi man lang tayo tinulungan kumuha ng ice."

Red plag pa nga!! Diba red flag yun at hindi naman matatawag na red flag si nurse dahil naka white siya.

"Hayaan muna baka busy!!"

"Or red days niya."

"Baka tagtuyot kaya ang taray."

Nanlaki ang mata namin ng biglang binato si Aries ng palanggana.

Napatingin kami kong sino ang bumato. "Aray ko naman!! Sinong hayop ang bumato sakin dahil tutusukin ko ng injection." Sigaw ni Aries, nakatalikod kasi siya sa may pintuan kaya hindi niya talaga makikita kong sino ang bumato, kami naman ni Zhyra ay makikilala at makikita namin kong sino.

Napaiwas ako ng tingin habang si Zhyra naman ay humiga sa sofa.

Lagot kang bata ka.

"Lagman!! What did you say?" Nanindig ang balahibo ko sa lamig ng pagkakasabi niya, napatakbo si Aries sakin at sumiksik sa likod ko.

Ginawa pakong human shield.

Napalunok ako dahil sa sama ng tingin samin ng tatlong propesora.

Malamig ang tingin samin, nabitawan ko naman ang hawak-hawak ko na ice pack.

"Lagman!!" Tawag ni prof Mendoza kay aries pero itong taong to gusto pa ata kaming idamay.

"Lim!! Let's go they need to talk." Aya naman ni prof Santiago sa mukang natutulog na si Zhyra. Ang bilis talaga nitong makatulog.

Dry your tears (Intersex) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon