Chapter 33

419 12 1
                                        

Monday morning came. Dumaan na naman ang weekends na parang dalawang oras lang sa sobrang bilis.

My family had a simple dinner celebration same night of the pageant. Noong Sabado naman ay may konting salo salo rin sa bahay nila Cloud, pinag handa ako ni Tita Sky. Sir Salcedo is also present. Hindi naman nakapunta sila Daddy at Papa dahil sa biglaang emergency sa isang site, sila Kuya naman ay may pasok. Overnight nga sana ulit kaso gusto ko talaga mag pahinga ng isang buong araw ng linggo kaya alas otso ng gabi nag uwian na rin kami.

"Ano lunch natin ngayon?" tanong ni PJ na nakapangalumbaba pa.

"Husay mo ah. Hindi pa nga nag uumpisa unang klase natin lunch na agad iniisip mo." sagot ni MM. Nag kamot naman ng ulo si PJ, kahit hindi naman makati panigurado.

"May talong na pinadala si Papa. Kumakain ba kayo ng tortang talong? May mga itlog pa naman sa kabilang room." Tanong ni Adam at pinakita ang plastic na hawak nya.

"What's tortang talong?" Kunot noong tanong ni August.

Duda akong may sasagot ng maayos dito sa mga kumag na 'to.

"You see this? Talong is eggplant..."

"I know that it's talong." Putol ni August kay Saint.

"Alam mo pa lang lintik ka eh." Masamang tingin ang binigay nito kay August.

Itong gunggong naman natatawa pa. "I know what's talong. But not the torta."

"So ... uhm.. this eggplant you boil it and-"

Binatukan ni Aiden si Saint na nagpa paliwanag. Nakatayo pa talaga sya sa harapan.

"Iniihaw yon tanga. Anong boil boil ka dyan?"

Binatukan naman pabalik ni Saint si Aiden. "Gago, pwede yon pakuluan para lumambot. Kanya kanya tayo ng cooking skills dito ah."

Nag tatawanan na yung ibang kumag sa ginagawa nitong dalawa sa unahan. Pigil naman ang ngiti ko sa mga kagaguhan nila.

"So, ayun nga. You boil it and uhm... You beat the eggs to a bowl and... uhmm- basta masarap yon August. Tikman mo na lang mamaya. Hindi pa nag uumpisa klase nauubos na dugo ko sayo." Sumusukong sabi ni Saint.

"Andyan na si Sir."
"Si Sir andyan na."
"Si Sir."

Nag uunahan pa sa pag pasok yung ibang kumag. Normal highschool boys nga naman.

"Okay, everyone. I have some important matter to discuss with you. So please settle and listen." Seryosong sabi ni Sir.

"As you all know, there's a cheating issue with section 1. Some of them found guilty at bilang parusa mananatili sila rito sa section 4."

"Ha?"
"Joke yon sir?"
"Ano daw sabi?"

Halo halo ang emosyon ng mga kumag, kahit ako nagulat sa balita ni Sir. Nag isip ba yung nag bigay ng parusang yon sa section 1?

"Pag sasamahin nyo kami at ilang section 1 dito? Seryoso ba yan?" seryosong tanong ni Hayden.

"Sino sino sa section 1?" Brett asked deadpan.

Sir Salcedo exhaled loudly. "For the boys Chase Sloan Hart, Ryler James Philips, Sage Bautista, John Mark David, Nathan Velasquez. At sa babae Lara Nicole Gomez, Scarlett De Chavez, Iris Faye Natividad."

Tangina.

Yun na lang talaga ang nasabi ko matapos ko marinig ang pangalan ng mga mapupunta rito sa section namin.

"Ayos yon Sir. Parang sinabi nyo na lang na wag na kami mag graduate." walang ngiting sabi ni Saint.

Hanggang ngayon hindi talaga ako sanay pag seryoso sila. Lalo na yung mga alam ko na may sapak sa ulo tapos seryoso sa mga ganitong usapin, nakaka panibago sila.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now