Chapter 25

1.4K 82 9
                                    

Gideon's POV


Tahimik akong naglalakad palabas ng hospital, iniisip pa rin ang naging pag-uusap namin ni Athena. Hindi ko maiwasang mag-overthink sa sinabi niya—na mas comfortable daw siya sa akin kaysa kay Caius. Nakakakaba naman 'yon. Alam kong gising na siya, tapos ang pagkawala ng mga alaala niya ay isang komplikasyon na hindi madaling solusyonan at alam kong isang malaking problema. Tapos ngayon, may ganito pang sinabi. Tangina naman talaga.






Paglabas ko ng building, napansin kong umuulan na pala. Hindi ko naisip magdala ng payong dahil kanina naman ay maliwanag ang langit. Tumigil ako sa entrance ng hospital at naghintay na tumila ang ulan. Habang nakatingin sa malayo, narinig ko ang boses ng isang babae sa gilid.





"Ano ba 'tong si weather na 'to, bigla-biglang umulan! Napaka-inconvenient talaga." palatak nito.





Pasimple kong nilingon yung nag salita. Mukhang abala siya sa pag-check ng bag niya, siguro nagbabakasakaling may payong siya roon. Sa tingin ko, nasa early twenties lang siya—mas bata sa akin. Ang suot niya ay simpleng oversized sweater at shorts, pero may kung anong vibe siya na mahirap hindi mapansin.





"Tch. Of course, walang payong," narinig kong bulong niya sa sarili habang sinasarado ang bag. I chuckled gently. Cute, kinakausap ang sarili. Bigla kong naalala na nung bata rin pala ako ay hobby ko rin yun. Dahil only child lang ako.



Tahimik lang akong nakatingin, sinubukang huwag masyadong magpakita ng interes, pero may kung anong curious ang lumulukob sa akin. She looked so out of place—parang hindi sanay sa ganitong sitwasyon, pero sa kabila niyon, may confident energy siyang dala.






Bigla siyang napatingin sa direksyon ko, at nagtagpo ang mga mata namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kaya agad kong iniwas ang tingin ko, nagkunwaring abala sa phone ko, kahit wala naman talaga akong ginagawa roon.





"Excuse me," sabi niya bigla, ang boses niya ay may halong kaba pero matapang pa rin. Napatingin ulit ako sa kanya, at napansin kong bahagya siyang nakangiti. "Mukha ka namang matinong tao. May extra ka bang payong diyan?"






Umiling ako nang bahagya. "Wala, pasensya na."







"Figures," sagot niya, sabay buntong-hininga. Tapos ay tumayo siya malapit sa akin, tumingala sa ulan, at parang nag-iisip ng plano kung paano siya uuwi nang hindi mababasa.






Tahimik lang kaming dalawa, pero parang ang dami ko nang naisip sa maikling interaction na iyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako biglang naging aware sa presensya niya. Sa isip ko, "Gideon, ano bang nangyayari sayo?"






Pagkalipas ng ilang minuto, huminga siya nang malalim at ngumiti na parang may naisip na solusyon. "Alright, bahala na," sabi niya, sabay hakbang palabas.







"Wait," napahinto ako sa pag-react bago pa man ako makapag-isip dahil sa ginawa ko. "Mabasa ka niyan." dagdag ko pa.





Huminto siya at lumingon, nakataas ang kilay. "Well, I don't have much of a choice, do I?"




Hindi ko alam kung bakit, pero hinubad ko ang jacket ko at iniabot sa kanya. "Isuot mo na lang 'to. At least, hindi ka mababasa nang todo." ani ko pa.





Tiningnan niya ang jacket, tapos ako, bago tinanggap iyon. "Thanks, stranger," sabi niya, sabay kindat bago umalis.




Napailing ako, sabay napangiti nang bahagya. Sa unang pagkakataon ngayong araw, parang gumaan ang pakiramdam ko.





Her Unwanted Marriage  | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon