Nang-Iwan

6 3 0
                                    

Mali bang maghangad ng kaligayahan?
Mali bang unahin ang sarili sa gitna ng kalungkutan?
Mali ba? O minamali mo lang dahil Ikaw ang sinukan, iniwan?
Ang pyesang ito ay isinulat ko mula sa perspektibo ng taong dehado, Nang-iwan.

Hindi naman laging ang diba sa kuwento ay yong iniwan,
Hindi naman laging siya ang nasa tama purket siya ang luhaan
Hindi lahat ng iniwan ay ang dapat laging kaawaan.

Isa ako, Isa ako sa nang-iwan hindi sa kadahilanang nagsawa lang, mas lalong hindi sa kadahilanang naghanap ng ibang pagmamahal
Nang-Iwan ako dahil sa sariling kapakanan.
Sinakal ako sa pangakong magbabago ka, magbabago ka?
Babaguhin ang ugali para manatili,
Haangang saan? Nasaan?
Wala akong makitang pagbabago, inuulit-ulit mo lang sabay sabing " huli na ito, magbabago na ako"

Nang-Iwan ako dahil puro nalang luha, puro nalang pagtatanong kung kaylan?
Kaylan yong araw na ako naman?
Kaylan yong sandaling titignan ako hindi yong nasa likuran!
Kaylan na pangalan ko naman, hindi yong kahit sa panaginip ko ay siya

Oo, nang-iwan ako kahit mahal ko, nang-iwan ako ng taong binuo ko,
Oo binuo ko! Binuo dahil durog- durog na durog siya nang matagpuan ko.
Nagkanda sugat- sugat ako sa pagbuo ng durog mong puso.
Binuo ko lang noon ngayon ako ang mangangaylangan ng pagbuo.

Hindi lahat ng umalis ay ginusto, ako hindi ko gusto pero kaylangan ko.
Kaylangan ko na sarili naman ang unahin bago ang taong basura ang tingin sa akin
Hahayaan kita sa kawalan kung saan mo ako madalas pabayaan
Hahayaan kitang lamigin tulad ng panlalamig noong kailangan ko rin ng lambing
Hahayaan kitang mamalimos tulad ng panlilumos sa pag-ibig na sinabing naubos
Hahayaan kitang magpalaboy-laboy gaya ng kahit kasama ka para akong palaboy na naghahanap ng kalinga
Hahayaan na kita, hahayaang hayaan ng taong hinahayaan mawala!

Sa storya ng iba yong nang-iwan ang may Sala pero sa tulang ako ang gumawa yong iniwan ko ang problema.

Pinagpalit ko siya, Hindi sa lalaki, Hindi sa pera
Pinagpalit ko siya sa peace of mind na tinatamasa
Pinagpalit ko siya sa oras na Malaya
Pinagpalit ko siya sa mas maluwag na paghinga kung saan walang sumasakal na salitang " pekeng mahal kita"

Oo nang-iwan ako ng tao para sa sarili ko
Nang-Iwan para sa ikabubuti ng taong naghahangad ng mabuti pero pinagkaitan ng kabutihan

Sa taong tumayo para sa sarili at binigyan ng label na mang-iiwan
'wag making sa dinidikta ng lipunan na iisang panig lang naman ang pinapaburan
Hindi normal ang mang-iwan pero mas lalong hindi normal ang manatili sa lugar na binubuo nalang ng kasinungalingan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pagsinta Where stories live. Discover now