Lovely Pov
Pabalik-balik akong maglakad sa harap ng condo ni mahal- este prof lacoste.
Nahihiya akong kumatok baka kasi bumungad na naman sakin ang mukha niyang nakasimangot tapos bigla nalang ako saksakin dahil bitin ang tulog niya.
Kanina pako dito mga 5am pero ito mag 6:30am na, nakalimutan ko ding magpaload.
Umupo nalang ako sa sahig, hihintayin ko nalang siyang lumabas, subrang lapit lang naman sa university ang condo niya.
Akala ko nga subrang layo ng condo niya sa apartment ko subrang lapit din pala 20 minutes lang yung byahe.
Nababagot nako kakahintay kay ma'am na lumabas. My phone suddenly rang, kinuha ko ito sa bulsa ko at tinignan kong sino ang tumawag.
Si mommy kaagad ko namang sinagot. "Why mom?" Malamig na tanong ko, habang nakatitig sa pader.
"Nak!! Kamusta kana? Miss nakita nak!" Malambing na sabi niya sa kabilang linya, narinig ko pa ang pagsinghot niya, i know she's crying again.
"I'm okay mom? Why nga pala napatawag ka?" Curious na tanong ko.
"We have a family reunion ly! Kailangan complete tayo dun!" Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya, ayaw kong makita ang mga kamag-anak naming hindi ako tanggap. They all hate me, si mommy lang ata at si yaya ang sa paningin kona tanggap ako.
"Mom!! Ayaw ko pakisabi nalang sakanila na busy ako okay!!" Inis na sabi ko sakanya.
"Pero nak-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil pipilitin lang niya ako. Alam ni mommy na mailap ako sa pamilya ni daddy.
Duhh hindi nila ako tanggap anong gagawin ko dun? Kahihiyan lang ang makukuha ko nakakapagod ng umiyak.
Nakakapagod ng makinig sa mga parinig nila about sakin, napapagod nakong makita ang mga plastic na mga mukha nila and i know my dad are there, baka singhalan lang niya ako o kaya sasaktan ulit.
Buti nga naging payapa ako dahil wala nako sa poder niya.
"Why are you sitting there? You can knock naman?"
Kaagad akong tumayo ng nakita ko si ma'am na nakatayo sa harap ko, habang naka cross arms at mataray na nakatingin sakin.
Napakamot ako ng batok dahil sa sinabi niya. "Ehh nakakahiya naman po kasing gising ka."
"You should call me!! You have my number right?"
"Ahh opo pero wala akong load maha- este ma'am."
Inikotan lang niya ako ng mata. "Hmmm!! Let's go." Aya niya sakin, ang blooming niya ngayon iba yung awra niya noong nakaraang araw.
Parang subrang ganda niya ngayon siguro may dilig siya.
"Hindi ako halaman para diligan?"
Huh? Ay gago sinabi ko ba akala ko sa isip ko lang sinabi yun.
"Po he-he-he!!" Tinignan niya lang ako ng masama sabay bangga sakin nauna na siyang maglakad patungo sa elevator.
Halaman lang ba ang pwedeng diligan? Pwede naman ikaw ma'am depende kong magpapadilig ka.
Wala kaming imikan, nabigla ako ng inabot niya sakin ang susi ng kotse niya.
"You know how to drive hindi ba?" Tanong niya tumango ako sabay iwas ng tingin, nakaka attract kasi yung labi niya. "Good to know!! I have something to do mamaya i know your schedule isang subject lang ang klase mo." Malamig na sabi niya tumango ulit ako, ayaw kong magsalita natatakot ako na kapag sumabat ako sakanya ay sasampalin nalang ako bigla.
Naalala ko sakanya si daddy parang gusto niya akong saktan din, I'm not a judgemental pero yan ang pakiramdam ko.
"Why are you-"
Humarap ako sakanya nagtama ang paningin namin walang emosyon ang mga mata niya. "Ma'am kalma po!!" Putol ko sa sasabihin niya tinignan naman niya ako ng matalim.
Hindi na ito nagsalita pa, bigla bumukas ang pintuan ng elevator kaagad siyang lumabas kaya sinundan ko naman ito.
Namangha ako dahil bumungad sakin ang ibat-ibang kotse.
Ferrari, Lamborghini, BMW, Toyota GR supra, Ford, limousine, Mercedes Benz, fvck this so beautiful nilibot ko ang paningin ko sa buong parking lot nato, may mga motor din sa kabila, Ducati Panigale V4, Suzuki GSX-R1000, Kawasaki Ninja H2 1000, fvck subrang ganda nila.
"Sa-sayo tong mga motor at kotse ma'am?"
"Yes why?"
"Nothing po!! Ang ganda kasi, pangarap ko din pong magkaroon ng ganito." Ani ko tumango ito at lumapit sakin, napaatras naman ako dahil subrang lapit naman niya, amoy na amoy ko tuloy ang vanilla niyang perfume.
"You can have it montes!! Tell me if kailan mo kukunin sakin." Nakangising sabi niya.
"Po wag na kakahiya! Makakabili din ako n'yan soon." Kinakabahan na sabi ko pero mukang ayaw mag patalo ang boss ko nato.
"Hmmm!! Why soon? Pwede ko naman ibigay sayo lahat montes!! Just tell me."
"Ehh wag napo!! Halika na ma'am malate na tayo." Pag change topic ko, sinamaan niya naman ako ng tingin kaya napalunok ako ng wala sa oras.
"Okay." Maikling sabi niya sabay pasok sa BMW na gagamitin namin ngayon.
Kaagad akong umikot sa driver seat tsaka pinaandar na ang kotse.
Sumulyap ako sakanya nakita kong kinukulikot niya kanyang cellphone.
"7:00pm may mag deliver sa apartment mo!"
"Huh!!" Nagulat ako ng bigla niyang ipinakita sakin ang cellphone niya, may picture doon ng motor. Kawasaki Ninja H2 1000.
Kaagad kong tinapakan ang preno muntik pa siyang masubsob buti nalang at naka seatbelt siya, gulat na gulat naman itong nakatingin sakin. "What the fvck montes!! Can you drive safely." Her shouted angrily.
Nanlamig naman ang mga palad ko, jusko po nagiging sugar mommy ko pa ata si ma'am.
"Ahh-ahh ma'am-"
"Shut up, I don't want to hear your complaints." Putol niya sa sasabihin ko. "Drive now we're both late." Walang gana na sabi niya, kahit nanginginig at nanlalamig ang palad ko ay pinatakbo ko ulit ang sasakyan.
Walang salita siyang bumaba ng kotse at umalis nalang kaagad, ano bang kasalanan ko? nagulat lang din ako kanina, ikaw ba naman bilhan ng ganon kakaumpisa ko palang sa trabaho tapos may utang na kaagad ako.
Napailing nalang ako habang naglalakad papunta sa room namin, 7:00am pa lang at yung klase ko 7:30am.
Nakita ko kaagad si Aries na may nilalandi sa labas ng room hindi talaga nadadala, i think the girl is nursing student, nagtatawanan pa silang dalawa.
Nilapitan ko si Aries at inakbayan. "Nako baka maputol na talaga yang putotoy mo aries." Bulong ko sakanya, bigla naman siyang nanigas sa kinatatayuan niya, mukang natakot sa sinabi ko, nagpaalam na siya sa babae at hinatak ako papasok sa classroom.
"Hoyy wag mong sabihin kay dragon huh!! Gago nakakatakot yung mukha niya parang kakainin ako ng buhay kapag nagalit." Sumbong niya sakin, napailing nalang ako. "So baks!! Kamusta naman kayo ni prof lacoste?"
"Huh samin okay lang naman!! Palaging cold, strikto pero okay lang mahal ko naman!!"
"Mahal you mean?" Gulat na tanong ni Aries.
"Yes ar!! I'm in-love with her!! Akala ko nga crush lang yun pala kapag nakilala mo na siya at nakakasama maramdaman mo nalang one day na hindi na crush pala ang pagtingin mo sakanya kundi may in-love kana." Ani ko dinamba naman niya ako ng yakap.
"Yes hindi kana magiging single baks!! Naranasan muna rin kong paano ma in-love, magpapasalamat ako kay ma'am la-" Kaagad kong tinakpan ang bunganga ni Aries kahit kailan ang daldal niya.
Kaya nabubuking ako ng wala sa oras. "Oo ma tumahimik kana." Suway ko tumango-tango ito kaya dahan-dahan ko ng inalis ang kamay ko, pinahid ko sa damit niya ang palad ko may laway niya kasi.
Ang dugyot!!
__________

BINABASA MO ANG
Dry your tears (Intersex) [On-Going]
Short StoryLovely Montes a 19 year's old 1st year college student simple lang naman ang gustong makita ang maging okay na ang magulang niya. When suddenly changed her life because of her professor Zenerlie Arch Lacoste a 26 year's old, cold and strict professo...