-Kasalukuyan kong inaayos ang sandamakmak na groceries sa aking kwarto. Bakit dito pa kasi nila nilagay? Pero sino ba ako para magreklamo? May nagpaulan ng grasya sa amin kanina, at dahil sa sobrang lakas ng ulan, mabuti na lang at nakauwi kami bago pa bumaha sa daan.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang basang-basa kong roommate. Sino pa ba? Walang iba kundi ang beshy kong si Eunice— beshy na gusto ko nalang sabunutan.
“Bea? Bakit ang dami nito? Saan galing? Bakit nasa kama ko nakalagay?” Tanong ni Eunice, nakakunot ang noo at halatang naguguluhan.
“Oh, edi alisin mo.” Sagot ko, medyo sarkastiko.
“Ha? Hindi ko kayang galawin yan! Hindi ko pa nga kayang ayusin ang gamit ko eh, tapos ikaw pa magpapasok ng mga groceries sa kwarto ko!” Sagot niya, tinutok ang mga mata sa akin.
“Burara ka kasi, ang ganda mo tapos hindi ka marunong maglinis. Ano? Tuwad nang tuwad ka lang kay Jay ng hindi naghuhugas ng puke mo?” Prangka kong salita at nakita ang kanyang mukhang namumula… sa galit.
“Hindi ko kasalanan kung mas—”
“Wala akong pakialam, kahit 24/7 ka pang tumuwad sa kanya. ANONG PAKIALAM KO?” Sagot ko at mas diniinan ang huling salita.
“Eh, sino pa bang mag-aayos ng lahat? Ikaw? Hindi nga ba’t ikaw na nga ang dahilan kaya nagkalat yan dito?” Sagot niya, pilit iniiba ang topic.
“Ano ka ba at mas mabilis akong magtapon ng gamit, hindi mag-ayos!” Dagdag niya, hindi na mapigilan ang inis.
“Bakit hindi mo na lang din itapon ang sarili mo? Mukha kang basura sa paningin ko.” Sabay ikot ng aking mga mata at kinamot ang aking tenga.
"Alam mo Eunice, hindi ko alam kung anong ginawa ko sayo, kung bakit galit na galit ka sa akin. Wala akong naaalala na may ginawang hindi maganda, pero wala na akong plano alamin. Sayong-sayo na si Jay, ayaw ko sa lalaking madumi." Sunod kong salita at narinig ang nabasag na bagay, kumalat pa ang bubog sa aking mga paa.
"Kung may basura dito, ikaw 'yun!" Galit niyang sigaw at lumabas ng kwarto.
Hindi ko na siya sinundan. Nilinis ko na lang ang kalat na iniwan niya bago nagpatuloy sa aking pagliligpit ng kwarto. Hindi ko talaga alam kung bakit siya galit na galit sa akin. Para bang may malaking hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin na hindi ko kayang ayusin. Pero sa kabila ng lahat ng ‘yun, pinili ko na lang hindi makipagtalo pa. Saan pa ba ako pupunta? Kung wala na talaga kaming maayos na usapan, mas mabuti pang itigil ko na lang at mag-move on.
Habang nagliligpit, paulit-ulit ang mga tanong sa isip ko, pero wala akong sagot. Maybe time will reveal everything. Maybe I'll understand why things turned out this way.
Makalipas ang isang oras, natapos din ako sa pagliligpit ng kwarto. Habang inaayos ang mga gamit, napansin ko ang ingay mula sa labas. Parang may nangyayaring kaguluhan. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Rhea at Kris na nagmamadali.
"Hoy! Si Eunice, naaksidente!" Balita ni Rhea, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala, pero hindi ko na naramdaman ang awa na inaasahan ko sa sarili ko. Wala na akong lakas ng loob na mag-alala pa para sa kanya, karma siguro?
"Kailangan natin siyang puntahan sa ospital!" Dagdag pa ni Rhea, hawak ang aking kamay at hinihila ako palabas ng bahay.
Ayaw ko sanang sumama. Bakit ko nga ba siya tutulungan? Eh siya nga ang nagpakita sa akin ng galit. Pero nang makita ko ang kaba sa mukha ng mga kaibigan ko, nahirapan akong tumanggi. Kaya sumunod na lang ako, hindi ko alam kung anong aasahan ko doon.
