NOTE:
For their talent portion kindly search on Tiktok INDAK YAMAN DANCE VARSITY - DILAW DANCE. Ito yung inspo ko sa last part ng talent portion nila. Thank you ~
❤️❤️❤️
Maaga ako nagising para sa pageant ngayong araw. Malaking tulong na, na sila Daddy na ang nag asikaso ng mga gowns ko pati ang glam team. Wala na talaga akong ibang gagawin kung hindi mag pahinga at pagbutihan ngayong araw.
I'm going to lie if I say I'm not nervous or pressured at all. Because I'm fucking nervous and pressured right now. Ito ang unang beses na magkakaroon ng representative yung mga kumag, ang section 4. Paano kung hindi man lang ako makapasok sa Top 5? Sayang ang effort nila para sakin.
Fuck this! I hate myself for being an overthinker. Hindi sya nakakatulong ngayon.
Nandito na ako sa school ngayon. Nasa iisang kwarto ang per year or level, kaya fourth year candidates lang ang kasama ko rito. Sa isang kwarto may apat na cubicle o dibisyon kaya hindi namin nakikita ang isa't isa. No one's allowed to enter this room except for the event organizers and our glam team.
8 am ang umpisa ng pageant at 7am na ngayon. Kasalukuyan na silang patapos sa pag aayos sakin. 6am pa lang din kasi ay nandito na kami at nag umpisa na sila non ayusan ako.
Panay na rin ang tunog ng phone ko kanina na hindi ko pinapansin. Nag silent na lang din muna ako. Malamang sila Dad iyon o yung mga kumag. Mamaya na ako sasagot sa mga tawag nila pagtapos ko ayusan.
"Hindi man lang ako pinag pawisan sa pag aayos sayo. Kaloka." si Mama Joey, he's gay. Same team lang sila ng make up artist ko nung debut. "Lalabas na muna kami para makapag palit kana ng damit." Binigay nya sakin ang isang paper bag kung saan siguro nakalagay yung mga damit ko para sa opening ceremony.
"Thank you Ma."
For the opening ceremony we will introduce ourselves wearing a maong pants and a navy blue shirt with our school name. When I'm done putting on my clothes I knocked on door para pumasok na sila Mama Joey.
"Now, now..." He's looking at my clothes. Sinuot ko lang kasi talaga kasi sya na ang bahala mag ayos o mag style sakin. "Since you're wearing a midwaist pants and you have a nice perfectly hour glass body, we need to flaunt it to everyone. Don't hide it!" Mama Joey said while doing my shirt.
Tulad ng gusto nya ay kita ang kurba ko dahil sa pagtali nya ng damit ko sa likuran. Ni retouch lang nila ako ng konti at pinag pahinga muna. I still have thirty minutes before the event start.
I sent some photos to Dad and to our class GC, to update them what's happening here at the backstage. Agad naman tumawag si Daddy sakin. Nagtanong lang naman sya kung kumusta ako, kung hindi raw ba ako nagugutom. He also praised my look, pinakita nya rin sakin kung sino ang mga katabi nya. Mas lalo naman akong na pressure ng malaman na nanonood pala ang parents ni Cloud, T's Mom even Tita Georgia is there. Sila Kuya naman ay hahabol daw.
Fifteen minutes before the event starts, pinapila na lahat ng kandidata sa backstage.
"Hi!" May co-candidate na lumapit sakin. "Kimberly po. 2nd year section 1. Ang ganda nyo po talaga."
I smiled a little bit. "Thank you. You're pretty too."
"Salamat po. Goodluck po satin." Ngumiti ako at tumango sa kanya.
Pasensya na, hindi talaga ako marunong makihalubilo.
Kinakausap naman ako nila Ava at Mia, kaming tatlo nga lang ang maingay dito. Ang lakas kasi ng bunganga nila parehas habang ako nakikinig lang sa kanila, minsan nakikisali at nakiki tawa rin naman.
