CAR
ALMERA'S POV
Ang tunog ng pag patak ng ulan at pinag-samang kulog at kidlat ang siyang maririnig ngayon sa kadiliman ng gabi.
Walang emosyon akong nakatingin sa walang buhay na katawang nakahiga ngayon sa aking harapan, marahan akong naglakad papalapit rito at linuhod ang isa kong tuhod sa tabi ng katawan ng lalaking nagtangkang patayin ako kanina.
Binitawan ko ang kutsilyong hawak-hawak ko at inilapit ko ang kamay sa mukha nito at ibinaba ang mask na nakatakip sa ibabang parte ng mukha nito.
“You're not familiar, who are you?” tanong ko sa dito, kahit na alam ko namang hindi na ito makakasagot pa sa'kin.
Anong kailangan niyo sa asawa ko?
I took the bag he was carrying earlier and stood up. I need to call my uncle. I need someone to clean this mess before Clark arrives.
But how can I do that when my phone is dead?! Tsk!
I didn't really plan on fighting them, but I was suddenly consumed by anger when I heard Clark's name. I will not let them hurt my husband!
Nakarinig ako ng kaluskos sa aking lingkuran kaya ay nilingon ko iyon, agad kong napigilan ang pagturok ng kutsilyo sa'kin.
I smirked.
“Not so fast” sinuntok ko ito sa mukha na siyang ikinaatras niya, bago pa ito makabwelo ay malakas ko na itong sinipa kaya napahiga ito at nabitawan ang hawak niyang patalim.
“You should have run while you still had the chance earlier” I muttered to the fat man. Ang kapal naman ng mukha mong mag tangkang patayin ako, after you finished all our food in the fridge!
May awa parin namang natitira sa katawan ko kaya binalian ko lang naman silang dalawa ng kasama niya ng mga braso, sana pala pati paa nila binali ko na.
Kita ang takot sa mukha nito nang mag simula na akong maglakad papalapit sa kan'ya pero natigilan lang ako nang biglaang sumakit ang ulo ko.
Napayuko ako nang umikot ang paningin ko, sh*t! H'wag muna ngayon!
This is the reason why I want to quit being a shadow broker. Because of my illness, I could put myself in danger.
I am too weak for this position..
Nakito ang pagtataka sa mukha ng lalake dahil sa biglaang pagtigil ko, pero hindi nito sinayang pagkakataon gumanti.
Nakita ko kung paano niya kunin ang kutsilyong nabitawan niya at sumugod sa'kin kahit na halatang nahihirapan ito dahil baling braso.
Wala akong nagawa ng iturok niya sa'kin ang matulis na bagay, halatang may gigil ito dahil baon na baon sa tagiliran ko ang kutsilyong hawak niya.
“Argh!” walang awa nitong kinuha ang patalim sa pagkakatusok at ibabaon na sana ulit nito pero buong lakas ko itong itinulak at nagmamadaling tumakbo palabas ng mansion.
Nagpapasalamat ako sa ginagawang liwanang ng kulog at kidlat dahil kahit papano ay nakikita ko ang dinaraanan ko.
Hindi ko nga alam kung nakasunod parin sa'kin ang lalake pero takbo lang ako ng takbo.
This wound is nothing compared to what I endured in training, pero masyadong mahina na ang katawan ko ngayon dahil sa aking dinadalang sakit.
Yakap-yakap ko ang bag nakinuha ko kanina at nakapaang tumatakbo sa kalsada, basa na rin ang katawan ko at puno ng dugo ang suot-suot kong puting bestida.
People would be screaming if they saw me right now. I look like a zombie or a white lady ghost.
Unti-unting bumagal ang takbo ko hanggang sa naging lakad nalang, pamunti-munting hakbang.
Sa palagay ko'y mas mapapaaga ang aking kamatayan dahil sa setwasyon kong ito.
Natigilan ako sa paglalakad nang biglaang may tumigil na isang sasakyan sa harapan ko ngayon.
Ginamit kong pantakip sa aking sugat ang hawak-hawak kung bag para hindi ito halata, baka matakot pa ang taong nasa loob ng sasakyan na ito at biglang umalis.
Pagkakataon ko na itong humingi ng tulong, sa palagay ko kasi ay walang masyadong sasakyan ang daraan ngayon dahil subrang lakas ng ulan.
Inihanda ko na rin ang sarili ko nang unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan.
END OF CHAPTER 24
