Chapter 6

4K 216 148
                                        

Scared

"Daya mo, Kuya! Hindi ka talaga nagpapalamang kahit sa aming mga bata!" reklamo ng bunsong kapatid ko na si Vienna.

"Dapat kaming mga bata ang laging panalo sa mga laro, Kuya. Hindi ka talaga marunong!" segunda pa ni Vierra, ang sumunod sa akin.

Dahil magkalapit lang ang edad nila, talagang nagkakasundo at nagkakampihan sa lahat. Tulad na lang ngayon na pinagkakaisahan nila akong dalawa dahil natalo ko sila sa chinese garter. Kanina lang, panay ang trashtalk nila sa akin na hindi raw ako marunong. Ngayong nanalo, ako pa rin ang masama?!

"I just did my best to win, girls. Kasalanan ko bang matangkad ako?" I said with a smug look on my face as I leaned back against the couch.

"I'm going to tell Mom to buy us another brother," ani Vienna na sinabayan pa ng mataray na pag-irap na natutunan niya kay Mama bago inayos ang bangs niya.

Vierra flipped her hair, which was tied in a pigtail. "Right. Iyong nagpapalamang dapat at hindi matangkad."

Humagalpak ako. "It was a fair match. Hindi ako nagdaya, ah?"

"Hindi fair dahil malaki ka na. Hindi ka na naawa sa 8 at 10 years old!" sagot ni Vierra, nagmamaktol sa loob ng princess tent na niregalo ko sa kanila noong Pasko.

Sumilip ako roon, pilit na pinipigilan ang tawa. I saw both of them sulking with pouts on their faces. Nang makita nilang sumisilip ako, agad na isinara ni Vierra ang tent nang padabog.

I chuckled in disbelief. Mga anak talaga 'to ni Mama. Parang mini me niya, eh. Kuhang-kuha pati ang pagtataray. Kaya kapag nauwi ako rito sa bahay, kahit wala si Mama, parang nandito pa rin dahil sa dalawang maldita na 'to.

"Edi laro na ulit tayo," panunuyo ko. "Hindi na gagalingan ni Kuya. Promise 'yan!"

Vienna scoffed. "Hindi mo gagalingan kasi mahihina kami? Huwag na lang, Kuya! I'll message Kuya Sanjo na lang mamaya tapos mag-ooffer ako na siya na lang ang brother namin. O pwedeng si Kuya Hayes? Kuya Silas? Kuya Primo? Kuya Ives? All of them!"

"Agree!" matining naman na sambit ni Vierra.

Napasapo na lang ako sa noo. Ayos 'yan. Itinakwil na ako! Dapat talaga hindi ko pinakilala ang mga tarantado sa mga kapatid ko, eh. Panakot na nila sa 'kin 'yan, ang palitan ako bilang kuya kahit alam kong mahal na mahal nila ako pareho. Kulang na lang sumabit sa dalawang binti ko ang mga maldita na 'to para lang hindi ako bumalik sa apartment.

Sa huli, nadala rin naman sila sa panunuyo ko. We ended up playing the 10-20 game. Silang dalawa ang magkakampi. Isinabit nila ang garter sa isang upuan, samantalang ako naman ang nasa kabilang dulo. Upuan pa talaga ang kinampi sa akin...

"We have two chances, Kuya. Kapag nataya si Vienna, it's okay cuz we have another chance pa to try again, okay?" sunod-sunod na sabi ni Vierra.

"Oo na, oo na," pagsakay ko na lang upang hindi na sila magtampo.

When the game started, Vienna shrieked in her usual high-pitched voice while holding her bangs in place. "Magugulo ang bangs ko!"

Nagbuntong-hininga rin si Vierra habang pinapanood ang kapatid na tumalon. Napahawak din siya sa non-existent bangs niya. "Same! Magugulo ang mga baby hair ko!"

Mariin akong napapikit. Gusto ko na lang magtakip ng tainga sa sobrang kaartehan. Ganitong-ganito si Mama! Pero kapag kinontra, napakahirap na suyuin. Kaya parehas kaming tiklop ni Papa sa kanilang tatlo, eh.

Natapos ang laro nang hindi man lang ako nakatalon. Ginawa nila akong poste buong game. Kapag natataya, dinadaya ako at sinasabing trial lang daw. It was an unfair game, but I couldn't say anything. Natatawa rin naman akong panoorin sila parehas. Nag-aayusan pa ng buhok kapag nagugulo.

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon