CHAPTER 1

13.9K 609 490
                                        


Before We Begin Chapter One:



I just want to clarify that this is not an INTERSEX story. Bea has a pempem. So, to those who were hoping otherwise, you might want to wait for Pax's story or reread Rhea's. Thanks!



-



-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




"Beanini, hindi ka ba talaga pupunta? First reunion natin 'to!" Reklamo ni Rhea, halos sumisigaw na. Kanina pa ako naiinis sa pangungulit niya at bakit ba niya ako pinipilit sumama kung ayaw ko nga? Ano bang espesyal sa reunion na yan para pag-aksayahan ko ng oras?



Bumuntong hininga ako at mariing pumikit bago sumagot. "Kung ako sayo, Rhea, ibuhos mo na lang ang atensyon mo sa mga asawa't anak mo. Ano bang mapapala mo sa reunion na yan?" Sagot ko habang lihim na binibilang ang mga taong dumadaan sa harap ko, pilit na dinadaan sa ibang bagay ang inis na nararamdaman ko.



Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko ngayon. Buti pa sila, may pamilya na, samantalang ako? Wala pa rin kahit isang nobyo.



Hello? Virgin pa ako?! Gusto ko rin makatikim ng sexlife no!



Tatanda na talaga siguro akong virgin nito.



"Wag mo na siyang kulitin, Rhea," biglang sabat ni Kris na abala sa pagkain ng waffles. "Alam mo namang nando'n si Eunice, baka mas lalo lang mabwisit si Bea."



Napatigil ako at napakunot noo bago siya nilingon. "Eunice? Yung bwisit kong roommate noon? Yung higad na 'yun? Yung pokpok na 'yun?!" Kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'yun.




Inosente siyang tumango, hindi man lang ako tinapunan ng tingin, parang wala lang sa kanya ang sinabi niya.




"Sino pa ba? Isa lang namang Eunice ang naging roommate mo sa boarding house noon-yung mayabang, nagfe-feeling maganda at mayaman." Paalala ni Rhea, halatang inis pa rin sa alaala ng babae. Akala ko ako lang ang hindi matino ang pakikitungo kay Eunice, pero mukhang hindi rin siya trip ni Rhea.



"Hmm, siya nga pala ang nagplano ng reunion," sabat bigla ni Kris habang patuloy sa pagkain ng waffles. "Balita ko, nakapangasawa siya ng tatlong milyonarya."




"Ano?!" Sabay naming sigaw ni Rhea sa gulat. Halos malaglag ang phone niya sa kamay.



"Walang biro." Sagot ni Kris bago iniabot sa akin ang phone niya, may ipinapakita siyang article tungkol kay Eunice at sa kanyang mga asawa.



Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang litrato ng tatlong babaeng naging asawa ni Eunice. Hindi ako maaaring magkamali-kilala ko sila. Pero saan at kailan ko nga ba sila nakita? Hindi ko maalala.



"Grabe, sino mag-aakala na tatlo ang magiging asawa niya?" Bulalas ni Rhea, hindi makapaniwala. Agad niyang inagaw mula sa akin ang phone at muling tinitigan ang larawan. "Teka, pamilyar 'to. Kilala ko 'tong isa-diba siya 'yung CEO ng top insurance company sa bansa?"



ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (𝚂𝚂) : 𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴 ᴡɪᴠᴇꜱ | 𝙱𝙴𝙰 𝚆𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙾𝙽Where stories live. Discover now