Chapter 30

401 6 0
                                        

Intramurals Day!

Naka suot kami ngayon ng yellow shirt. From first year to fourth year color coded ang suot namin. First year to fourth year section 1 is blue, section 2 green and section 3 is red. Kami lang ang walang kakulay since wala naman ng section 4 sa lower years.

Tulad ng napagka sunduan sasabay ako sa kanila papasok at pauwi simula Day 1 to Day 4.

Day 5 ang araw ng pageant, mas maaga akong papasok kesa sa kanila. Kaya hindi ubra na sumabay ako sa kanila. Pupunta rin sila Daddy at Kuya para manood at suportahan ako sa araw na iyon.

Hindi pa kami nakaka akyat sa building ng fourth year at naharang na agad ako ni Mira kasama nya sila Dylan at iba pang kaklase nya na babae.

"Astra! Excited na ako sa official headshot nyo mamaya!" halata nga na excited sya. Tumatalon talon pa talaga sya. "Ang daya kasi ni Mico ayaw ipakita sakin yung mga files nyo. Sya lang talaga nakakita." simangot nya.

"Hintayin mo na lang. 10 am naman release non, two hours na lang." ngiti ko sa kanya.

"Ano pa bang magagawa ko?"

"Kinulang ka kasi ata sa lambing kay Mico kaya hindi pinakita sayo." Pang aasar ni Hayden.

"Lambing nya mukha nya." irap pa nito.

Nag paalam na rin sila at pupunta pa raw sila sa cafeteria. Nginitian pa ako ni Dylan at nag goodluck sakin. Agad naman pumulupot ang braso ni Cloud sa bewang ko dahil don.

Napaka seloso talaga. Torpe naman.

Hindi na kami nagdala ng pang lunch namin since marami namang booth na magbebenta ng pagkain mamaya. Sa cafeteria lang naman kami naka banned hindi sa mga booths, so pwede kami bumili doon mamaya. Nakaka excite 'tong araw na 'to, unang beses ko kasi mag attend sa intramurals. Noon kasi meron din naman sa mga previous school ko kaso mas pinipili kong wag na lang pumasok lalo na alam kong wala namang gagawin. Tatanga lang din naman ako sa school edi sa condo na lang ako tatanga, naka higa pa ako with movies.

"Balak natin?" tanong ni Adam. Nasa teacher's table sya. Naka pangalumbaba.

"Matutulog." Humihikab na sagot ni Ryker dito sa tabi ko.

Pinapanood ko lang sila mula rito sa likod habang nakasandal ang kalahati ng likod ko sa dibdib at balikat ni Cloud.

"You want to do something?" Bulong nya habang nilalaro ang mga daliri ko.

Umiling ako, "nakaka tamad maglakad lakad. Mamaya na lang siguro."

"Boss pano pala yung sa talent portion mo?" tanong ni Toby.

Agad naman akong napabangon sa pagkakasandal kay Cloud. Shit! Nawala sa isip ko.

"Nakalimutan mo?" Natatawang tanong nya.

"Oo. Hayop na yan." Apat na araw na lang. Ano pang gagawin ko sa talent portion na yon?

Ngayon ko pinag iisipan mga desisyon ko sa buhay eh. Mali talaga.

"Can you sing?" Isaiah asked.

Napatanga naman ako sa kanya. Ako? Kakanta? Baka mapag tawanan ako sa araw ng pageant pag kumanta ako.

"No. Never." Kulang na lang matanggal yung ulo ko sa sobrang iling.

"How about dancing?" si Isaiah ulit. "Ryker can help you with that."

I do dancing when I'm all alone. But dancing infront of everyone? I don't think I can. Pero anong talent ko? Kung hindi ako sasayaw, mas lalong hindi rin ako kakanta. Kung yung dalawa lang ang choices malamang sasayaw na lang ako.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now