Chapter 6

514 23 0
                                        

Lovely Pov

Nang pagkaalis ko sa office ni Prof Lacoste ay kaagad akong dumiretso sa cafeteria, gutom na gutom nako jusko naman nakaka stress ang dalawang prof nayun, kasalanan ni Aries hindi man lang kinikilala kong sino ang lalandiin.

Buti nalang at hindi ni ma'am napansin yung pasa ko, habang nasa jeep kasi ako nilagyan ko ng concealer ang pasa ko.

Habang masagana akong kumakain may biglang lumapit sakin kaya napatingin ako kong sinong mangkukulam yun. "Can i sit here?" Ohh si Zhyra pala, nakangiti ito habang may hawak-hawak siya ng tray.

"Okay upo ka!! hindi naman sakin tong lamesa at upuan." Sabi ko tumawa lang ito at umupo sa harap ko.

Wait professor ba talaga to? Parang hindi ehh.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya umiling lang ako tsaka tipid na ngumiti.

"You're professor here?" Curious na sabi ko, tinignan naman niya ako sabay tawa.

"Ohh ghad HAHAHAH!! hindi ano kaba student lang din ako dito no!! Hindi mo ba ako kilala?" Umiling ako nanlaki naman ang mata niya. Gulat na gulat si ante.

"Hindi ehh sorry!!"

"Ohh its fine!! Engineering kasi course ko!! And i'm one only child of Mr. Agustin Lim And Mrs. Xyriel Lim na isa sa mga tagapagmana ng ENG.LIM." Her proudly said, napailing nalang ako.

"Ohh kaya naman pala!!" Tinignan ko naman ang wristwatch ko.

Hala late nako!!

I grabbed my sandwich and juice."Thank you sa time!! Aalis nako baka pagalitan na naman ako byee see you when i see you zhy." Nagmamadaling sabi ko hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil tumakbo nako kaagad.

Ang dali ng oras.

Hayy!! mag-hahagdan na naman nakakapagod. Wala bang sariling elevator na para sa students ang univ nato? Nakakapagod kaya 3rd floor pa naman ang classroom namin.

Hingal na hingal ako ng makarating sa room namin, sumilip ako wala pa si Prof Lacoste swerte ko naman, seninyasan ako ni Aries na pumasok, pinunasan ko muna ang pawis ko tsaka inayos ang damit ko.

"Ohh anyari sayo bakit hingal na hingal ka?" Natatawang tanong ni Aries ng pagkaupo ko pa lang.

"Akala ko kasi late nako." Maikling sabi ko at inayos ang eye glass ko.

"Wait!! Pasa ba yan?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ni Aries, lagot na.

Nakalimutan kong may pasa pala ako, bakit ba kasi ako nagpunas ng pawis? Hindi ko nalang sana ginawa yun pero ang dugyot ko namang tignan, baka ma turn off si Crush ko.

"Hindi ahh!!" Kalmado na sabi ko kahit kinakabahan nako, alam ko kasing magtatanong na naman ito.

"Sabihin mo ly? Sino ang gumawa sayo niya?" Galit na tanong niya, anytime ay manununtok na ito.

"Wala nga ano kaba? By the way bakit mo pinatulan ang professor natin huh?" Balik na tanong ko sakanya, umiwas kaagad siya ng tingin.

"Wa-wala a-ano kaba!!" Utal na sagot niya napailing nalang ako at kinurot siya sa tagiliran, napakislot naman ito.

"Ayieee!! Parehas na tayo Aries sana naman ay tumino kana!! Pareho na kasi tayong pinagbantaan." Natatawang sabi ko tumingin naman siya sakin ng may pagtataka, ngumiti ako at tumango.

Biglang tumahimik ang kaklase ko, yung kaninang nagkukulitan ay parang asong pinagalitan.

Sinundan ko naman siya ng tingin, tanging tunog lang ng heels niya ang maririnig mo sa loob ng classroom nato.

She sexy with her attire today she wearing a white longsleeve and fitted slocks na binagayan niya ng red stilettos niya.

"Good morning students!! Today i want to collect your index card with picture, name, age and birthday." Her serious said, she looked at us one by one na para bang sinusuri niya parang may gagawin kaming masama sa paraan ng pagtitig niya.

Nilabas ko naman ang index card ko, tumingin ako sa kumalabit sakin. Nakalahad ang kamay ni Aries bumuntong hininga nalang ako at kumuha ng isa para ibigay sakanya.

Pero shuta hindi pa nga ako nag-uumpisang mag sulat may kumalabit ulit sa likod ko, kaya nilingon ko kong sino man yun, nagulat ako dahil ang nasa likod ko halos silang lahat nakalahad ang kamay sakin.

"What's the commotion at the back!! Care to share?" Her cold and strict voice echo inside of this room.

Biglang nagsibabaan ang kamay nila, ako naman ay bumalik sa ginagawa ko baka pagalitan na naman ako.

Ang kakapal ng mukha langya ako pa yata ang papalabasin dito, hayop na mga kaklase.

"Montes after this class go to my office!!"

"Po!!" Katakot naman tong prof namin kong hindi lang kita crush.

Dahan-dahan itong lumapit sa gawi namin, sumulyap ako sa mga kaklase kong mukang natakot, tumingin si Aries sakin at ngumisi.

Binalik ko ulit sa professor namin na subrang sungit at malamig pa sa ice ang tingin ko. "You hear me right?" Napalunok ako at marahan na tumango akmang yuyuko ako ng bigla niyang hinawakan ang baba ko at tinignan ako ng maigi. "Continue to your seatwork students." Dugtong niya.

Nagkatitigan kaming dalawa, ilang beses ako napalunok dahil para niya akong inaakit sa paraan ng pagtitig niya sakin. Ito na naman si pareng heart hindi mapakali.

Napakislot naman ako dahil hinawakan niya ng madiin ang pasa ko.

"Aww!!" Mahinang sabi ko, kaagad naman niyang binitiwan ang baba ko tsaka umalis sa harapan ko at bumalik sa unahan.

Nakahinga ako ng maluwag. At pinagpatuloy ang pagsulat ko sa index card, hindi narin humingi ang mga kaklase ko.

Yan kasi magdala kayo ng sarili niyong index card.

"And before that i just wanna remind you class hindi kayo makakasali sa klase ko kapag wala kayong sariling mga gamit!! Ang ayaw ko sa lahat ay yung nanghihingi kayo sa kaklase niyo, college na kayo at hindi highschool okay wala libre sa mundo tandaan niyo yan!!Class dismissed!!" Tahimik na nagsitayuan ang mga kaklase ko, ayan kasi deserve.

"Hoyy una nako!! Narinig ko ang sinabi ni Prof sayo kanina goodluck ly and sa pototoy mo!!" Asar na sabi sakin ni Aries, akmang babatukan ko na sana ito ng bigla siyang tumakbo palabas ng classroom.

"Montes!! Carry my things." Malamig na sabi niya, lumapit naman ako sakanya at kinuha ang laptop tsaka ang libro niyang, subrang kapal.

Cancel na muna siguro yung paghahanap ko ng part time job, baka gabihin ako dahil sa dragona nato.

Nasa likod niya lang ako, pinagmasdan ko siya habang naglalakad.

Kahit ilang ulit ko pang sabihin na ang sexy at hot ni prof ay hindi ako magsasawa. Katawan pa lang yan paano nalang kapag humarap sakin mas lalo naging sexy, hot at maganda sa paningin ko.

"Stop staring at my ass." Inis na sabi niya namula naman ako at umiwas ng tingin.

Ayy sa pang-upo naba niya ako nakatingin? Sorry naman tumatalbog kasi.

She opened the door of her office, kaagad siyang pumasok, bakit ang bilis naman namin? Parang kanina lang nasa hallway pa kami paakyat dito sa office niya.

"Go inside now!!" Nahihiya na pumasok naman ako sa loob. Narinig ko pa ang pag click ng pintuan wala na talaga akong kawala.

"Saan ko ilalagay to prof?" Magalang na tanong ko, tinuro naman niya ang lamesa kaagad ko naman pinuntahan at nilagay ang gamit niya.

"Sit Montes.." Para naman akong tuta dahil sa mga sinasabi ni prof.

Umupo naman ako, siya naman ay pumasok sa banyo pagbalik niya may hawak-hawak itong kit.

"Stay still gagamutin ko yang pasa mo." Malamig na sabi niya, dahan-dahan naman niyang ginamot ang sugat ko, tinignan ko siya at subrang seryuso niya sa paglagay ng ointment.

She's strict and cold as ice but i don't care i'm still have crush on her at mas lalo lang ata akong nahulog sakanya dahil sa pinaggagagawa niya sakin.

_____________________

Dry your tears (Intersex) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon