Sobrang sakit ng ulo ko at ang bungad pa sa akin paggising ko ay ang matinis na boses ni Ate Lynne.
"Ewan ko ba diyan kay Red! Since last month ay okay na iyong condo niya. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang naisipang umalis sa condo mo." Katawagan ko ngayon si Ate Lynne sa cellphone. Nakailang missed calls pa siya bago ko nasagot ang tawag.
"Edi masaya ka na ulit ngayon, Greene, dahil ikaw na lang ulit mag-isa diyan?" My head throbbed and her voice was a bit slurred. I tried to focus that I was struggling to make sense of what she was saying.
Sa lahat ng inumang napuntahan ko, ngayon lang ako nagka-hangover.
Napakadaya naman kasi ni Valentino! Halos ako lang ata ang nakaubos ng alak kagabi. Samantalang siya, panay pamumulutan lang ang ginawa. Unang shot niya, mas lamang pa ang pagsandok sa niluto niyang sisig. Nahiya pa at hindi na lang pinaresan ng kanin.
"Greene, nandiyan ka pa?" Pukaw ni Ate Lynne sa atensyon ko.
"Oo, Ate. Puwedeng tawag ka na lang ulit next time? Ang sakit lang talaga ng ulo ko." Sambit ko bago nagpaalam kay Ate Lynne at binaba ang tawag.
I sat on my bed, staring blankly as I tried to piece together everything I had heard from the call awhile ago.
Kahit kumikirot ang ulo ay patakbo akong pumunta sa kwarto ni Red. Ngunit pagbukas ko ng pinto, tanging katahimikan lang ang sumalubong sa akin.
Wala akong singkit na nakita.
Pumasok ako sa kwarto niya. Ang mini bookshelf na dating may mga libro, ngayon ay bakante na.
Umupo ako sa kama niya. Siraulong 'yon! Ang sabi niya sa akin mas malambot ang kama ko, eh halos lumubog nga ako pagkaupo ko sa higaan niya.
Ramdam ko ang pagsakit ng ulo kaya't humiga ako sa kama ni Red. Ang comfy ng higaan niya at ang bango pa ng buong kwarto niya.
Sana bago man lang siya umalis, binigay niya sa akin iyong link ng yellow basket sa room spray na ginamit niya.
I replayed the conversation I had with Ate Lynne and suddenly, my eyes began to sting.
"Napakawalanghiya mo, Valentino! Basta-basta ka na lang pumasok sa condo ko, tapos ngayon aalis ka na hindi man lang nagpapaalam." I muttered, sobbing.
I felt like the alcohol from last night was still gripping me, lingering in my head, dulling everything around me. It was as though the alcohol had loosened something inside, then realization washed over me—he left. Red actually left me.
And I don’t even know why I’m sobbing over the absence of someone I’ve only been with for four months, but it hurts.
It hurts like hell...
I couldn't understand why it hurt.
"Sana kumati 'yang likod mo, Red! Tapos hindi mo makamot!" I was cursing him in my head.
Para akong tanga na ngumangawa sa kwarto ni Red. Ang kaninang ulo lang ang masakit, ngayon pati dibdib na.
Hindi mo man lang pinaabot ng isang taon ang pang-aalipin ko sa 'yo bago ka lumayas sa condo ko.
"Wala na akong tagaluto!" I wailed.
Sino na lang ang mamamalengke tuwing weekend? Ayoko pa namang lumabas dahil maraming tao.
Sino na lang magtutupi ng mga bagong labang damit na nakakalat sa sala?
Sino na lang ang magagalit kapag nalilipasan ako ng gutom dahil mas inuna kong magrank game?
Sino na lang ang bibwisitin ko tapos tatawanan lang ako imbis na mapikon?
Sino na lang ang singkit na aasarin ko araw-araw?

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You (Home #1)
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.