Buong linggo paulit-ulit akong tinatanong ni Red kung sigurado ba ako na kailangan pa ng alak para makapag-usap kami nang masinsinan. At sa bawat tanong niya, iisa lang ang naging sagot ko—sigurado ako.
Kailangan ko ng alak dahil kapag may problema ako, hindi inom ang sagot. Inom ang tanong, tara ang sagot.
That's why I wanted to go out for drinks with him so we could at least discuss whatever nonsense he's feeding me.
Pero nagsuggest si Red na mas maganda kung sa condo ko na lang kami mag-inuman. Mas safe raw in case na malasing ako. Asa naman siyang malalasing ako.
Hindi niya ata alam na ginagawa kong chaser ang Red Horse kapag masiyadong matapang ang alak na iniinom.
Ayoko naman sanang mag-aya ng inom kung kaya ko lang sabihin kay Red lahat ng nasa isip ko nang hindi ako nahihiya. Ako pa raw talaga ang mahihiya, eh, ako na nga itong nai-stress sa mga bagay na hindi naman ako ang may gawa.
"Aray," sambit ko nang may pumitik sa noo ko.
"Lalim ng iniisip mo, tanga. Ikaw na ang titira." Pahayag ni Yue habang hawak ang stick na pangbilyar.
Nag-aya ang mga kumag na magbilyar dahil Friday naman at pare-parehas na maaga natapos ang mga last subject namin kaya napag-isipang dayuhin ang bagong bukas na bilyaran sa likod ng university. Ang talino rin talaga ng may-ari dahil sa dami ng puwedeng pagtayuan ng business, doon pa talaga kung saan madaling mademonyo ang mga estudyante.
Kinuha ko ang stick na gamit ni Zach dahil mukhang ihahampas na sa akin ni Yue ang stick na hawak niya. Kanina pa pala siya nag-aantay na tumira ako.
"Galing ko talaga sumargo." Puri ko sa sarili nang maipasok ang bola.
"Kung sarguhin ko kaya 'yang mukha mo? Iyong cue ball ang naipasok mo, Greene!" Gigil na sigaw ni Lemuel.
"Ay? Akala ko okay na basta may maishoot ako." Sabay na lumapit sa akin si Yue at Lemuel para kuyugin ako. Mabuti na lang at nandiyan si Zach para umawat kaso tumawa muna ang gago bago ako tulungan.
Zach patiently explained the rules of billiards and how to play it as he walked me through the mechanics of the game. He spoke of angles, strategies, and the delicate precision required to pocket each ball. The terms he used felt foreign, which made me think I was not fit for this.
"Gets mo ba, Greene?" tanong ni Zach.
"Hindi," ani ko.
Napahilamos siya sa mukha nang marinig ang sagot ko. "Ang haba-haba ng sinabi ko, lintek ka wala ka man lang nagets."
"Oh..." abot ko ng cue stick kay Zach. "Ayoko na maglaro. Wala akong maintindihan. Ang gulo. Mas magulo pa sa bulbol ko."
Iniwan ko silang tatlo roon at pumunta sa pwesto ni Russ na tutok sa cellphone niya.
"Greene, tulungan mo nga ako." Bungad ni Russ pagkaupo ko sa tabi niya.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at binuksan ang Gcash. Pinakita ko ito kay Russ.
"Anong gagawin ko diyan?" Kunot-noong tanong niya.
"QR code ko. Sa panahon ngayon, wala ng libre."
He rolled his eyes at me then seconds later, my phone buzzed, and I saw a message from Gcash.
"Hayop na 'yan. Piso." Dismayadong pahayag ko nang makita ang buong mensahe.
"Piso para sa mga buraot na kagaya mo."
"Nagsalita ang kuripot..." bawi ko sa pang-aasar niya. "Bakit ka ba kasi nanghihingi ng tulong?"
"May tinatanong kasi iyong ka-talking stage ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko."

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You (Home #1)
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.