Chapter 13

5.4K 249 160
                                    

We stared at each other for quite a long time, and I was gasping for air because I forgot to breathe. My eyes remained wide, my body is still unable to move, and everything seems like a blur. But his face—Red's face was the only thing that remained clear and vivid. I hate the fact that for a fleeting moment, everything else faded into the background, which left me to see the emotions swirling behind his eyes and how the corners of his lips curled into a triumphant smile.

I had my first kiss when I was in high school, and it was with a girl. Dahil bakit nga naman ako hahalik sa lalaki?

For me, it was a puppy love, the one that makes you reminisce when you talk about high school memories. But it held nothing special to me. Hanggang doon lang iyon.

And when I entered college, I wanted to experience life in the city. Sabi kasi no'ng pinsan kong mas ahead sa akin ng isang taon, masaya ang buhay estudyante sa Manila. Malaya kang makapagparty o pumunta sa iba't ibang bar.

Pagkatapos ng klase, sumasama ako sa mga kablock ko magbar hopping. At doon ko lang nalaman na puwede ka pa lang makipag-momol na hindi mo karelasyon ang isang tao.

At aaminin ko, ilang labi na rin ang nahalikan ko.

But the kiss I had awhile ago, the kiss that just barely touched my lips for no longer five seconds, erased all the kinds of kisses I had experienced before.

Tinanggal ko ang kamay ni Red na nakahawak sa mukha ko saka tumalikod at ibinalot ang sarili sa kumot. Mukha tuloy akong lumpia ngayon.

What will happen if I put Red in a lumpia wrapper? Mas okay siguro iyon tapos iluluto ko siya sa kumukulong mantika kasi isa siyang pakshet!

"Greene, I'm asking you if wala pa rin bang malisya 'yon sa 'yo?" Red asked, poking the thick comforter covering me.

Siguro kung ipapalabas ang buhay ni Red sa MMK, malamang 'walang malisya' ang title. Tapos puro kabadingan lang iyong nasa palabas.

Hindi ko pinansin si Red. Nanatili pa rin akong nasa loob ng kumot.

Nang wala siyang narinig na sagot sa akin, naramdaman ko ang pagpisil niya sa kumot, hinahanap kung saang banda nakatago ang katawan ko. Tingnan mo 'tong gagong 'to, ginawa pa akong prutas.

"Greene, can we talk?"

"Wala, tulog na." I flatly said.

Gusto kong kausapin si Red at itanong sa kaniya ang katarantaduhang ginawa niya. Kung bakit kailangang lumagpas siya sa linya para lang bwisitin ako. Pero ayoko siyang tingnan dahil nahihiya ako.

At ako pa talaga ang mahihiya sa kaniya? Palibhasa kasi ang tigas ng mukha ng talipandas na 'to at 'yung hiya na ang mahihiya sa kaniya.

"Gising ka ulit. Usap tayo."

Padabog kong tinanggal ang kumot sa katawan at tumayo. Ramdam ko ang paninitig ni Red sa akin, nagtataka kung bakit may kinukuha ako sa wallet.

"Oh, ito isangdaan. Bumili ka ng kausap mo." I handed him the hundred peso bill without looking in his direction.

"Ganiyan ba dapat makipag-usap, maem?" Red said, trying to make light of the situation.

I laughed without  humor.

"Ang funny mo naman. Bakit hindi mo pa palitan si satanas para naman may clown sa impyerno?"

"P'wede naman. . .pero dapat ikaw 'yung may pinakamalakas na tawa ro'n."

Nilingon ko siya at masamang tiningnan.
"Bold of you to assume na sa impyerno ako mapupunta!"

"Sabagay sa taas ng pride mo pati mga anghel sa langit nabangga mo." He grinned at me, clearly enjoying the way he could push my buttons.

Home Smells Like You (Home #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon