Chapter 11

4.8K 229 94
                                    

Hindi ko alam kung paano ko natapos ang klase ko buong araw na hindi naiisip ang puwet ni Red.

Pagdating ko sa campus, tinext ko kaagad si Ate Lynne na makipag-coordinate sa admin para maayos ang shower sa kabilang banyo. Maging ang aircon sa kwarto ni Red ay pinatingnan ko na rin.

Ayoko na ng ideya na makikitulog at makikibanyo si Red. Hindi naman sa nandidiri ako o tinutubuan ng malisya sa kaniya—maigi na iyong may distansiya kami sa isa't isa dahil may kung anong kababalaghan ang nangyayari kapag sobrang dikit namin.

Wala namang may gusto sa nangyari pero hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Red. Pero bakit ako 'yung mahihiya? Hindi ko naman puwet ang nabosohan. At anong boso, Greene?! Para ko namang sinabi na sinadya kong makita ang puwet niya.

Kailangan ko bang mag-sorry? Bakit muna ako mag-so-sorry? Am I at fault with what happened? Siyempre hindi. Kasalanan iyon ng pinto, hindi automatic na nag-lo-lock!

"Saan ka ba nag-se-set? Sa kalaban o sa hangin? Saka huwag ka ngang bumubulong diyan at mukha kang nag-oorasyon!" Lemuel hissed at me while his attention was on his phone.

Free cut ko ngayon at sakto naman na maaga rin natapos ang klase ni Lemuel kaya tumambay muna kami sa café sa labas ng university. Actually, makiki-wifi lang talaga kami dahil naisipan naming magrank game sa mobile legends.

Ayoko pa munang umuwi dahil sariwa pa ang insidenteng nangyari kaninang umaga. Sure naman akong wala pa roon si Red dahil madalas late ang uwi niya dahil sa internship.

"May nakita akong puwet," bulalas ko. Ang mata'y nasa cellphone pa rin dahil unti-unti nang nauubos ang tower ng base namin.

"May bago pa ba ro'n? Sa sobrang hilig mong manood ng bold hindi na ako magugulat." Wika ni Lemuel nang marinig ang sinabi ko.

Binaba ko ang hawak na cellphone at binatukan siya. "Gago! Kung may hilig man ako, hindi 'yon bold. Kantunan, 'tol! Kantunan!"

"Tapos chili mansi flavor 'no?"

"Omsim." Sagot ko. "Ikaw nga mahilig sa sex, eh." Pang-aasar ko.

Bago pa tumayo si Lemuel para sapakin ako, dinugtungan ko kaagad ang sinabi ko.

"SEx. Sisig express. 'Di ba paborito mo 'yon?" I said with a smug grin.

Lemuel just flicked his middle finger at me and returned his attention to the game.

"Kaninong puwet naman ang binosohan mo?" Tanong niya. Ang atensiyon ay nasa akin na dahil natapos ang laro at defeat kami.

"Luh. Boso pa nga. Aksidente ko lang nakita." Kinuwento ko kay Lemuel ang nangyari kaninang umaga nang detalyado. Inalis ko lang iyong part na nagising akong kayakap si Red. Hindi naman relevant iyon.

"Tas ayon, umalis agad ako ng condo. Muntik ko pang maiwan wallet ko kakamadali." Paliwanag ko.

Tumango-tango lang si Lemuel ngunit nakakunot ang noo tila may naaalala sa kuwento ko.

"Kaya pala no'ng nakasalubong ko si Nati kanina parang wala sa mood. Binosohan mo pala." Bintang niya.

Alam nilang roommate kami ni Red dahil sa kanila ako nagrant no'ng araw rin na natagpuan kong may natutulog sa kama ko.

"Bobo. Hindi ko nga binosohan." Naiinis kong turan.

Tumawa lang si Lemuel dahil alam niyang napipikon niya ako.

"Huwag mo nang isipin 'yon, Greene. Parehas naman kayong lalake. Walang malisya." Lemuel said and gave me a reassuring smile.

"Sir, papasok po ba kayo o hindi? Nakaharang po kasi kayo sa daan." Nagitla ako sa narinig. Tinapik pa ako ng guard para bumalik sa ulirat.

Home Smells Like You (Home #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon