Chapter 10

6K 280 183
                                        

As someone who is naturally more nocturnal, waking up early feels tough and challenging. Simula no'ng nagcollege ako, doon ko mas napatunayan na hindi pala talaga ako morning person at sinusumpa ko ang 7AM class.

But today was unusual, I woke up feeling refreshed and energized kasi finally naranasan ko na rin ang 8-hour of sleep bilang isang college student. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko na nakapatong sa bedside table—alas cinco pa lang ng umaga. Wow naman, ang aga ko atang nagising samantalang alas otso pa ang pasok ko.

Tatayo na dapat ako dahil naiihi ako nang may maramdamang mabigat na nakapatong sa 'kin.

Pagtingin ko sa harap, natagpuan ko si Red na mahimbing na natutulog at nakapalupot ang kamay sa bewang ko. At ang mas ipinagtataka ko pa. . . nakalingkis ako kay Red na akala mo isa akong ahas at siya iyong punungkahoy.

Nasaan na ba kasi iyong bolster pillow ko na imbis iyon ang kayakap ko bakit bigla naging si Red?!

Maingat kong tinanggal ang braso niya na nakapatong sa akin dahil kahit gusto ko siyang batukan, ayoko namang istorbohin ang pagtulog niya. Pagbaba ko ng kama, nakita ko 'yung bolster pillow na nasa sahig.

Pinulot ko ito at iyon ang ipinalit para yakapin ni Red. Ang clingy naman kasing matulog ng taong 'to.

Pagbalik ko galing cr, iniisip ko kung maliligo na ba ako para hindi na hassle mamaya o iidlip ulit. Pero siyempre pinili kong umidlip ulit. Maaga pa naman at saka 15 minutes nap lang gagawin ko.

Kung anong posisyon ni Red no'ng iniwan ko siya, ganoon pa rin pagbalik ko. Kung makadantay naman 'to sa bolster pillow ko akala mo pagmamay-ari niya. Tsk. Wala tuloy akong mayakap!

It did not take me seconds to fall asleep again but minutes later, I felt a gentle nudge and hands shaking my shoulder.

"Hey, sleepy head. . . wake up."

Pilit kong inaalis ang kamay sa balikat ko habang nakapikit ang mga mata. I shifted my body, and there was a groan escaping my lips to show resistance.

"Ala siete na, wala ka bang pasok?" the voice asked.

Napamulat ako sa narinig. I rubbed my eyes with hands to clear my vision. When I opened them, I saw Red, and despite the disheveled hair, he looked effortlessly presentable, like someone who had never fallen asleep.

May ganoon pala talagang tao 'no? Kahit anong gawin nila parang never silang magmumukhang pangit. Kasi ako kapag bagong gising para akong namamagang betlog.

Kung hindi puffy ang mukha, para namang may mapa ng Pilipinas sa pisngi dahil sa tuyong laway.

"Alam ko namang masarap ako yakapin, Greene, pero may pasok pa kasi ako ng alas otso. Masarap mag-cuddle pero study first kasi ako, eh. Sorry."

Napakunot ako ang noo ko sa narinig. At ganoon na lang ang pagmamadali kong pagbitaw nang makita na sobrang dikit namin ni Red dahil sa higpit ng yakap ko sa kaniya.

May paa ba 'yung bolster pillow at kung saan-saan napupunta?!

"Inom ka ng maraming kape mamaya para naman tamaan ka ng kaba sa mga pinagsasabi mo."

Tumayo ako at nag-inat ng sarili. Tumayo rin si Red at inayos ang higaan. Yumuko siya at may pinulot sa ilalim. Doon ko lang nakita ang bolster pillow nang ilapag niya ito sa kama.

"Bakit pa ako iinom ng kape kung may kaba na akong nararamdaman sa 'yo, Greene." Seryosong wika ni Red na sa akin na pala ang atensyon ngayon.

"Anong kaba?" tanong ko.

"Kabadingan," aniya.

"Oh, ito kabadingan. Hayop ka." Itinaas ko ang gitnang daliri.

Bumunghalit ng tawa si Red at naglakad palapit sa 'kin. Pagkatapos ay umakbay siya sa balikat ko.

Home Smells Like You (Home #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon