Morning came the next day. Sasabay ako ngayon sa service papasok dala ko kasi yung mga gagamitin ko for photoshoot later.
Nag chat na rin naman yung mga kumag na paakyat na si Oli at Greg para tulungan ako sa mga bitbitin ko pababa. Nag double check muna ko ng mga dadalhin bago lumabas. Kanina pa kasi doorbell ng doorbell yung mga gago sa labas, alam naman nila yung passcode ko. Mga gunggong.
"Sisirain mo? Sisirain mo?" Kulang na lang kaltukan ko si Greg pagbukas ko ng pinto. Akma pa kasing pipindot ulit.
"Hindi po, hindi po." Kinuha na nila sakin yung mga dala ko. Binati rin ako ni Oli na sinuklian ko rin naman.
Habang pababa puro reklamo 'tong si Greg. Bakit daw hindi namin sila sinama kagabi? Kaya daw pala nagpa iwan si Cloud, ganto ganyan. Kung hindi ko lang mahal 'tong lintik na 'to tinahi ko na bunganga nito. Nakakarindi yung bunganga eh.
"Morning boss."
"Good morning."
"Morning to our oh so beautiful bossing."
"Mas maganda ka pa sa umaga boss."
"Anong mga nasinghot nyo at ganyan kayo?" Tanong ko matapos ko makaupo ng ayos.
"Nagpapakabait kami boss. Para masama nyo na kami sa date nyo ni Pres." si MM.
"Edi hindi na date yon kung isasama namin kayo?" Balik na tanong ko.
"Oh huli! Date pala ah." Lumingon pa si Aiden na nasa passenger seat.
"Ewan ko sa inyo. Aga aga ang iingay nyo."
Nilingon ko naman yung mga katabi. As usual I'm in between Cloud and T. Cloud's already playing with my fingers, that his hobby everytime na magkatabi kami. Tipid na ngumiti naman sakin si T. Hindi rin naka ligtas sakin ang simpleng pag tingin nya sa kamay namin ni Cloud na binalewala ko na lang.
"Hah! Ayoko na mag aral!" paglabas na paglabas ni Sir Salcedo halos sabay sabay kami nag buntong hininga.
Lahat ba talaga ng inaaral namin magagamit sa future?
"Akala mo naman talaga nag aaral ka." Pang aasar ni PJ kay Saint.
Tinaas na lang ni Saint ang gitnang daliri nya bilang sagot kay PJ.
"kaya pa ba mag photoshoot boss?" Lumapit sakin si Toby.
"Oo naman. Kayo ba? Kung naubos energy nyo sa exam pwede naman siguro bukas. O kahit sa weekends na para tapos na exam."
"Baka gahulin tayo pag weekends. Saka sayang yung mga bitbit natin ngayon."
"Kaya naman namin. Ikaw iniisip namin, kasi mag aayos ka pa." ani PJ
Napatingin naman ako sa mga dala ko, sige na nga. Sayang naman effort ko sa pag aayos ng mga dadalhin ko kagabi. Saka may dala rin na mga lighting equipment sila Toby. Nakakahiya naman kung tatamarin ako. "Tara, saglit lang naman ako mag ayos."
"Guys! Patulong kami sa backdrop saka sa ibang ilaw." Tawag ni PJ sa mga kumag. "Sa likod ka na mag ayos boss."
They helped me with my things. Mag make up muna ako bago ako magpalit ng damit.
"Isaiah." Nang lumingon sya sakin ay inangat ko ang curling iron. Naintindihan naman nya agad kaya lumapit sakin. "Big curls kaya mo?"
"Kaya naman. Just trust me." I smiled and nod at him.
Habang busy ang ilang kumag sa unahin kami naman ni Isaiah ay busy din dito sa likod. Halos lahat kami kumikilos, nakakatuwa lang tignan na full support sila sa gusto ko gawin. Si Adam nandito rin, ang alam nya lang napilit ako ni Mira sumali. Hindi nya alam na ginagawa ko 'to para kay Tita Amy.
