Aiah Arceta
Hindi ko pinigilan ang sarili ko. "Bakit ka nandito? Akala ko busy ka sa Paris," tanong ko nang may diin, sabay lingon sa kabilang direksyon. "Ayaw kitang makita letse ka.." dagdag ko pa.
Sinungaling ka Aiah...
"Let's talk.." deretsong sambit niya, pero hindi ko siya tinignan. Tumalikod ako at naglakad palayo.
"Aiah, please," pahabol niya, pero hindi ko siya pinansin. Inis pa rin ako-hindi lang sa dinner nila ni Sophia, pero dahil hindi man lang niya ako tinawagan agad para magpaliwanag.
Narinig kong sumunod siya. "Aiah, I know you're upset, but can you-"
"Hindi ako galit," putol ko sa kanya, pero halata naman sa boses ko ang taliwas na emosyon. Huminto ako at tumingin sa kanya nang matalim. "Okay lang ako, Mikha. Masaya ka naman sa Paris, diba? Kasama ng team mo. At ni Sophia right?!."
Nakita ko kung paano nagbago ang expression niya. Hindi siya agad nakapagsalita, pero tumingin siya deretso sa mga mata ko.
"I'm trying to explain, but you don't want to listen," she replied with a slight weary tone in her voice.
Napairap ako. "Bakit pa kasi kailangan mo pang pumunta dito? Kung iniisip mong kailangan kong marinig ang paliwanag mo, hindi na." Tumalikod ulit ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Narinig ko siyang tumikhim, parang pinipigilan ang sarili niya. "I'm here because I want to see you, I want to be with you.. I want to hear your voice. I want to hug you.. because I miss you so much love.."
Halos matigil ako sa lakad ko, pero hindi ko siya pinansin. "Ewan ko sayo, Mikha. Bahala ka sa buhay mo." Tinuloy ko ang jogging ko, iniwan siya roon, kahit ang totoo gusto ko siyang balikan at yakapin.
Inis na inis pa rin ako habang papalayo. Pero ilang minutes lang naramdaman kong may nakasunod sakin at kahit hindi ko tignan alam kong si Mikha yun at hindi na ako nakapag-reklamo nang hawakan niya ang pulso ko at literal na kinaladkad pabalik sa direksyon ng hotel.
"Mikha, anong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!"
Pero hindi siya sumagot. Sa halip, binilisan pa niya ang lakad habang binababa ang cap na suot niya. Napansin kong sinadya niyang itago ang mukha niya, marahil para maiwasang makilala ng mga tao. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya? Mikha Lim, ang sikat na actress. Kahit sa ibang bansa, kilala siya.
"Mikha, ang dami nang tao, nakakahiya!" bulong ko, pero hindi pa rin siya tumigil. Niyuko ko ang ulo ko dahil maraming napapatingin samin. Ayokong maheadline bukas sa news.
"Huwag kang maingay," sagot niya, mababa ang boses at halatang naiinis. "Pag-usapan natin 'to sa loob ng hotel mo."
"Pwede ba? Bitawan mo na ako, kaya ko namang maglakad mag-isa," protesta ko ulit, pero parang hindi niya ako narinig.
Pagdating namin sa harap ng hotel, agad kaming tinignan ng security. Binati kami nito kaya bumati rin kami pabalik. Hinila niya ako papasok hanggang elevator at hindi pa rin ako binitawan kahit nasa loob na kami.
"Mikha, ano bang problema mo?" tanong ko habang pilit na pinipigilan ang inis.
Napatingin siya sa akin, seryoso ang mga mata. "Ikaw ang problema ko, Aiah."
Napanganga ako sa sagot niya, pero bago pa ako makapag-react, bumukas na ang elevator at muli niya akong hinila palabas papunta sa kwarto ko. Nang makapasok na kami, sinarado niya agad ang pinto at saka binitiwan ang pulso ko.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry