Chapter 22- Pito

48 2 1

"Psssst."

"Pssst."

"Aba, this crazy girl! Wait!", ang iritableng wika ni Webster nang mapansing niyang hindi man lang siya nililingon ni Beatriz sa pagtawag nito.

Sinundan niya ito hanggang sa makarating sa kanyang paroroonan.

"Hey Babe. You didn't hear me?", ang tanong niya kay Beatriz.

"Hey Babe ka diyan!"

"Kanina pa kita tinatawag pero di mo'ko pinapansin."

"Ah so ikaw yung kanina pa sumisitsit? Hindi ako call girl para sitsitan mo. May pangalan ako.", ang asar na sagot nito.

"Oh I'm sorry I won't do it again. I just forgot..."

"Ang pangalan ko?"

"No, I just forgot that you have a nice name Beatriz."

"Sows. Magpopropose propose ka hindi mo naman pala matandaan ang pangalan ko, o baka sadyang wala ka lang G.M.R.C.", ang pabulong na wika ni Beatriz.

"What? Are you saying something?"

"Ay wala naman. Sa susunod lakasan mo ang pagsitsit hanggang sa lumawit ang dila mo. Diyan ka na may practice pa'ko."

"Practice? Sinabi ko ba sa'yong magpractice ka?"

"Excuse me. Bakit ikaw ba ang coach ko?"

"Nope. But I'm the president of the Athletics club."

"Ang angas nito. Presidente ka lang ng Athletics club. Hindi ka Presidente ng Pilipinas."

"How dare you!"

"How dare you mo mukha mo! Kayo talagang mga alta de sociedad wala nang ibang script kundi 'yan."

"Teka lang! Why are you so mad at me?", ang seryosong tanong ni Webster kay Beatriz.

"Curious ka ba?"

"Yes."

"Ang yabang mo kasi! Sa lahat ng ayaw ko yung mga taong mayayabang na walang inisip kundi ang mga sarili nila! Kaya pwede ba tigilan mo'ko! 'Wag mo nang dagdagan pa problema ko! Magpapractice ako kung kelan ko gusto. Kaya pwede ba umalis ka na!", ang galit na galit na tugon ni Beatriz kay Webster na ikinagulat pa nito.

"Ok. Let me say sorry. You're always not in your mood kapag kausap mo'ko. I'm sorry Beatriz. I'll see you next time.", ang wika ni Webster bago tuluyang magpaalam sa kausap.

"Beatriz! Beatriz!"

"Sinabi ng umalis ka na eh!", ang sigaw muli ni Beatriz na ikinagulat din ni Bernard.

"Oh Beatriz, ok ka lang?"

"Huh? Ah ikaw pala 'yan. Pasensya ka na Bernard. Kala 'ko bumalik na naman 'yung mokong na 'yun eh.", ang sagot ni Beatriz at nag-umpisa nang magstretching.

"Ah si Webster ba tinutukoy mo. Oo nga nakita ko ngang nanggaling dito. Medyo balisa ang mukha."

"'Yaan mo siya. Tatakbo ka rin ba?", ang tanong ni Beatriz nang mapansin niyang nakarubbershoes din si Bernard.

"Huh? Ah hindi. Nakita ko lang kasing kausap mo si Webster, baka kasi mag-away na naman kayo."

"Ah ganon ba? Ok sige diyan ka muna huh? Ikot muna 'ko."

"Hep hep!", ang pigil ni Kendra kay Beatriz.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit nandito si Bernard?", ang tanong nito kay Beatriz habang nagsstretching kasama ang K-girls at Ruby.

OVERWEIGHT? Can LOVE W8?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!