CHAPTER 23

2.9K 77 17
                                    

THE SHADOW BROKER

ALMERA'S POV

Tumakbo ako ng tumakbo, hindi alintana ang pagkatalisod o ang pag bangga ng katawan ko sa kahit na anong bagay.

Ang kailangan ko lang gawin ay ang makalabas ako sa sa mansion na ito at matakasan sila.

I went into a room—the maid's quarters, though unused since we don't have a maid. I prefer to serve my husband myself.

My obsession with Clark makes me jealous whenever he talks to others, tsk!

Nagsumiksik ako sa may gilid sa may parteng hindi madaling makita.

Pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa narinig ko ang dalawang pares ng mga paang tumatakbo, tumigil ito sa mismong harapan ng kwarto kung nasaan ako ngayon.

Nakikita ko rin ang liwanag ng flashlight kaya alam kung nasaharapan lang sila.

”Ho! Tang*na napagod ako dun!” narinig kong usal ng isa sa kanila.

“Nasaan na si greyson?” narinig ko namang tanong ng hinihingal na boses.

“Ewan! Bigla nalang nawala! sabi niya pa may kailangan daw siyang purtahan!”

“Punyemas! Baka tinakasan na tayo nun? Tsk hayaan na natin! Mas marami naman tayong na bitbit kisa sa kan'ya!”

Greyson? Mmm? Kailangan puntahan? I smell something fishy..

At hindi ako rin mapakali, I know this feeling!

“Tama ang kailangan nalang natin gawin ngayon ay hanapin yong babae baka tumawag 'yon ng mga puli—” binitawan ko ang cellphone na hawak-hawak ko kaya nakagawa ito ng ingay.

Sabihin nalang nating hindi ko iyon sinasadya?  Dumulas kasi sa kamay ko kaya ganon..

Mabilis silang pumasok at napatakip ako sa aking mata ng itapat nilang dalawa ang hawak-hawak nilang flashlight sa'kin.

“Tang*na! Nandito lang pala 'to e!” tinanggal ko ang kamay na nakatakip sa aking mga mata nang makapag adjust ako sa biglaang liwanag.

“Hi miss” ngumiti sa'kin ang maliit na lalake.

Napatitig ako sa kanilang dalawa, kung ganon.. ang tinatawag nilang greyson kanina ay 'yong lalaking mesteryoso?

Tumango-tango ako.

Sandali ko pa sila tinitigan at maya-maya lang ay biglang nanginig ang katawan ko.

“Uyy, h'wag kang matakot! Hindi ka naman namin sasaktan!” Sabi ng mataba

Napatingin ako sa kan'ya dahil sa sinabi niya.

”Oo nga miss” pagsang-ayon ng maliit na lalake  “bakit kaba nanginginig? hindi ka naman namin sasaktan, baka iparanas pa namin sa'yo 'yong sarap” dugtong pa nito.

Hindi parin tumigil ang panginginig ng katawan, umiling ako at yumuko.

I'm trembling now, not from fear, but excitement..

Ngumisi ako at nag angat ng tingin, f*ckers.

SOMEONE'S POV

Naglakad ako palabas ng mansion, natigilan lang ako ng marinig ko ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa ko.

Kinuha ko ito at agad na sinagot ng makitang si boss X ang tumatawag.

“How is it? nakuha mo na ba?”

“Yes boss” sagot ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bagpack ko dahil nandito sa loob nito ang sinasabi niya.

“Then leave that mansion immediately, puntahan mo agad ako” sandali itong tumigil sa pag sasalita bago ulit nagpatuloy “'yong dalawang lalaking kasama mo, did they see your face?”

“No boss, I was very careful, Tulad nga ng sinabi mo nagpanggap akong mag nanakaw at kinausap sila para tulongan akong pumasok dito sa mansion” nilibot ko ang paningin “Akala nila talaga magnanakaw ako, normal na mag nanakaw lang, If Clark finds out about this, he won't catch us immediately and I didn't tell the two my real name. Pwedeng sila rin ang maturong salarin” usal ko.

“Good, now get back here as soon as possible”

“Copy Boss!” tumango tango ako na parang nasaharapan ko lang iya.

Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa at maglalakad na sana ulit nang marinig ako ng mahinhin na boses.

”So you're not greyson” lumingon ako at napaatras ng isang beses nang makita ko ang isang babae “Perhaps you can tell me your real name?” she smiled innocently.

Siya 'yong babaing nakita namin kanina nang paalis na kami, pero medyo nag iba ang itsura nito.

Ang maputing bestida nito ay may bahid na ng pulang mantsa, dugo?

Akala ko pa naman tinapos na ito ng dalawang gagong 'yon? Bakit nandito pa 'to?

“You don't need to know, you'll die anyway” I retorted.

Kinuha ko ang baril na nakalagay sa tagiliran ko at itututok ko na sana sa kan'ya nang bigla itong tumilapon sa kung saan, kasabay nun ang pagtilpon din ng kutselyo na siyang ginagamit niyamg panghagis.

Hindi kaagad ako nakalagaw dahil sa bilis ng pangyayari.

“I told you, I want to know your name” Her smile was gone from her lips and replaced by a terrifying grin.

My mission was supposed to be quick, the rank 3 mafia boss wasn't here. But then, this woman appeared!

Pero sino 'to?! Tang*na?!

“If you don't want to answer me, that's okay, just give me the bag and you're free to go!” she offered a deal.

“Tsk, f*ck you bitch” ngumisi ako at tumakbo papalapit sa kan'ya kinuha ko ang kutsilyong nasa may binti ko at itinutok sa kan'ya.

Like a shadow, she moved too fast for me to see clearly. The speed and stealth were terrifying.

Mabilis niyang nakuha sa'kin ang kutsilyo bago ko pa man ito naitarak sa dibdib niya, natigilan ako at sunod-sunod na napaatras.

Napaluhod ako nang hindi ko na kinaya pa, para akong mauubosan na ng hangin.

Ang kutsilyo na nakatarak ngayon sa liig ko ang siyang dahilan ng panghihina ko ngayon.

Nakatayo parin ito at nakangiting nakatingin sa'kin.

Who are you? Paanong..

Kasabay ng malakas na hangin ay pag angat ng bestida nito kaya hindi nakatakas sa aking mga mata ang isang marka na nakatatak sa may kaliwang binti nito.

Marka na kung kanina ko pa nalaman ay iniwasan ko na sana siya.

“Gusto ko nalang sana kayong iwasan tapos kunwari ay tatakas ako dahil subra akong natakot sa inyo but then I found out something” her face turned serious “I won't let you or anyone hurt my husband”

Natigilan ako, Asawa? F*ck!

“How come a mafia boss marry the shadow broker?” Napaubo ako ng dugo at kasunod nun ay ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig simento.

I wish I could tell the boss how dangerous his opponent is..

END OF CHAPTER 23

Obsessed With A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon