"Sino ba yung lintik na nagpa uso ng NO ERASURE sa exam? Perpekto ba yon? Hindi ba nagkakamali sa buhay yon?" Gigil na tanong ko.
Tapos na ang first day of exam namin ngayon, waiting na lang sa open gate. Three pm pa lang kasi, five pm pa open gate.
"Ikalma mo bossing." Natatawang sabi ni Ryker sa tabi ko.
"Boss, peram nga ako ballpen. Saka penge papel." Tinitigan ko ng masama si Greg.
"Ako na rin kaya magpa aral sayo?" Asik ko sa kanya. "Hindi ko alam pano mo nakakayanan pumasok araw araw na walang ballpen at papel."
Kamot ulo naman syang lumapit sakin at kinuha yung inaabot kong papel at ballpen.
"Hindi pa ba tapos regla mo boss? Init ng ulo mo ah." si Saint.
"First day pa lang ng exam. May apat na araw pa." gatong pa nitong si MM.
"Tangina naman kasi. No erasure MATH IV, kahit sa solution bawal. Asan ang awa don?" Pag hihimutok ko habang nag liligpit ng gamit.
Natatawa namang umupo sa harapan ko si Cloud. "ay wag mo ko matawan tawanan dyan Elijah. Hindi maaalis ng kapogian mo yung irita ko ngayon."
"Let's just have some iced coffee later before we go home." alam nito kahinaan ko eh.
"Kasama kami Pres?" Tanong ni Toby.
"Bakit iritado rin ba kayo?" Balik na tanong naman ni Cloud.
Nag umpisa mag dabog yung mga gago. "Oo Pres. Iritang irita rin kami."
Natawa na lang ako sa mga kagaguhan nila.
"May meeting pa kami ng four pm para sa pageant, bukas na lang yung kape ko." Nag chat kasi si Mira kanina tungkol sa meeting. Saglit lang naman daw yon, pero duda ako sa mga saglit na yan.
"Diba sabi namin hihintayin ka namin." sabi ni Brett.
"Diba sabi ko wag na."
"And we're taking no for answer." si Isaiah na nasa tabi ni Ryker, na katabi ko naman.
"Ingat na ingat yarn?" pang aasar ko sa kanila.
Simula kasi nung pang babastos ng section 2 sa akin, mas grabe na ang pag iingat nila sakin. Hanggang dito lang ako sa floor namin pwede mag isa. Pag sasakay na ako ng elevator dapat may kasama na ako. May isang beses pa nga pinatawag ako ng isang subject teacher namin sa faculty nila, ako lang ang pinatawag pero apat kaming dumating sa harap ng faculty room. Sumama si Greg, Oli at Jude. At ito pa kung dati okay na sa kanila ang isa lang ang kasama ko pagbababa, ngayon hindi na. Dapat nasa tatlo ang kasama ko.
At kung tatanungin nyo kung ano ang naging desisyon ng pamilya ko sa mga malilibog na section 2? No complaints, no case. Nung araw kasi na bumalik si Dad at Papa halos luhuran na naman sila nung dalawang Nanay at umiiyak pa. Nag banta na lang sila Dad na wag na maulit dahil sa susunod ay wala na silang awa na ipapakita para sa mga iyon. Hindi rin alam nila Kuya ang nangyari, mas pinili namin wag na ipaalam sa kanila. Mas malala kasi magalit si Kuya Blaze, hindi non alam ang salitang awa. Baka sya pa ang magdala sa ospital don sa dalawang estudyante.
"Kung alam mo lang boss. Handa kaming hindi maka graduate basta madala lang namin sa ospital lahat ng gagago sayo." seryosong sabi ni Saint.
Pag ganitong seryoso na sila, alam kong nagsasabi sila ng totoo. At yung binitawan na salita ni Saint, tototohanin nila yon. Maniwala kayo sakin.
"Oo na. Pero maiwan na yung iba dito." Pagsuko ko sa kanila..
I'm already here at the SSG office together with the other candidates. Lahat ng year level and section ay may representative. First year to third have three section. While fourth year have four. Magka kasama sa table ang bawat year level. Katabi ko yung representative ng section 2 and 3. Magaan naman kausap yung dalawa kumpara rito kay Lara ng section 1 na akala mo kung sinong nakakataas saming lahat.
