VASE
ALMERA'S POV
“Bahala na” sunod kung tinawagan si Clark “Please answer your phone, kahit ngayon lang..”
And I was shocked when he answered his phone immediately.
Napalunok ako, muntik pang mapaiyak. This was the first time he answered my call..
“Yes?” I felt relieved when I heard his deep voice.I felt safe, already..
“I-it's me a-almera” nagkanda utal-utal kung bulong, mahina lang dapat ang boses ko dahil baka mamaya ay bigla akong marinig ng tatlong nanloob.
Hinintay ko itong sumagot pero wala akong nakuhang sagot, chineck ko pa nga kung binabaan ba ako nito ng tawag pero hindi naman.
Sadyang hindi lang talaga ito umiimik, tahimik lang.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita ulit.
“L-listen to me, merong m—” napayuko ako at napatakip ng tenga nang makarinig ako ng malakas na pagkabasag ng kung anong bagay sa itaas.
shit!
“May tatlong lalaking nandito, h-hindi ko alam kung paano sila nakapasok. Pero please I need your help right now, natatakot ako” nanginginig akong nag salita ulit.
Hinintay ko itong sumagot, hinintay ko kung anong sasabihin nito pero wala parin itong kahit na anong tugon.
Tinignan ko ang cellphone ko at ganon nalang ang pagkadismaya ng wala na itong battery, kaya pala hindi ito sumasagot.m
Ang malas ko naman ngayon! Bakit ngayon pa?!
Nilibot ko ang paningin, napapikit ako ng bigla kumulog ng malakas.
‘Kung papairalin ko lang ang takot ko walang mangyayari, kailangan kong lakasan ang loob ko’
Agad kong idinilat ang aking mga mata at tumayo puno ng determinasyon, bumalik ako sa kusina pero tulad ng kanina ko pa ginagawa ay hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay.
Panay kapa parin ang ginagawa ko sa paligid ko para maiwasang masaktan ang sarili, I had to be careful, really careful. My motto, ‘beauty first, before anything else,’ was suddenly feeling a lot less important. Getting hurt was definitely not on the agenda.
I finally made it to the kitchen and grabbed the knife—easy peasy. Kailangan ko naman ngayon ay ang umalis ng tahimik.
So this is it, all I need to do is be more careful para hindi nila ako mapansin, dahan dahan lang ang ginagawa kong paglalakad.. then, a sudden noise a muffled thump from the stairs made me freeze. A faint, wavering beam of light sliced through the darkness, the glow of a flashlight held by...someone.
My blood ran cold. What now?
Bumilis ang tibok ko at dali-daling nag tago sa may gilid.
Pinakiramdaman ko ang paligid, naririnig ko ang boses ng tatlong lalaking at ang mga yabag na pababa sa may hagdan.
Sumilip ako, dahil sa mga flashlight na hawak nila ay nabigyan ako ng pagkakataong makita ang mga mukha nila, pwera lang doon sa isa.
Ang isa kasi ay balot na balot, nakamask pa nga ito at may suot na black cap.
“Ang daming alahas! Tiba-tiba tayo nito!” masayang usal nung lalaking maliit.
Tinapik naman siya nong medyo chubby na lalake, na siyang kumain ng mga pakain namin kanina na nasa ref.
“Oo nga pare! Yayaman na rin sa wakas” tumingin siya sa lalaking matangkad na balot na balot “Ikaw pre? Saan kaba galing kanina? Ano ba ang mga nakuha mo?” tanong niya rito.
Pinagmasdan ko ang lalaking kakaiba ang ayos, sa kanilang tatlo siya lang ang matangkad at siya rin lang ay may magandang katawan.
Kaya nga lang hindi ko makita ang mukha niya dahil sa naka-mask nga ito.
“Nasa bag ko” sagot nito.
Tumawa ang dalawa sa narinig at tinapik nila ang mesteryosng lalake.
“Dahil sa'yo kaya yayaman na tayo! Akala ko talaga nong una pinagkakatuwaan mo lang ako!” ngumisi ang lalaking maliit sa lalaking naka-mask “Tara na alis na tayo! Hahatiin pa natin ang mga 'to!”
Nakahinga ako ng maluwag ng makita silang nag simula ng maglakad paalis, napasandal pa alo sa kung anong bagay na nasa likod pero...
It was a wrong move, wrong f*cking move!
Biglang nahulog ang vase na nakalagay sa sinandalan ko at nakagawa ito ng malakas na ingay.
Bunalik ang panginginig ng katawan ko nang umilaw ang parte kung nasaan ako ngayon, ang hawak-hawak kasi nilang flashlight ay nakatutok na sa akin.
Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata pero kalauna'y napalitan ng isang nakakatkot na ekspresyon.
Ngumisi ang dalawa sa'kin at isa naman ay nakatitig lang.
Dahan-dahan akong tumayo at kahit na nanginginig ang mga tuhod ay pinilit kong umatras.
“Saan ka pupunta?” ngumisi sa'kin ang matabang lalake ”Kanina ka paba d'yan? Sana naman nagpakilala ka sa'min”
Sunod sunod akong umiling at mabilis na tumalikod at tumakbo papalayo, naapakan ko pa ang nabasag na peraso ng vase.
Ininda ko ang sakit dahil ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang iligtas ang sarili ko.
END OF CHAPTER 22
