Chapter 5

2.9K 183 146
                                        

Down Bad

"Nagseselos talaga siya. Oo, paniwalaan mo kung anong kutob mo," Ives agreed with what I had been rambling on about for hours.

Pumunta talaga ako sa condo unit niya para mayroon akong karamay sa mga delusyon ko. Sa lahat kasi ng kaibigan ko, si Ives lang ang maaasahan ko sa mga ganito. Siya lang ang sasang-ayon sa mga kahibangan ko.

"May meaning ba 'yon?" tanong ko habang nakapatong sa backrest ng couch ang baba at nakatingin kay Ives na nagsasampay sa balkonahe ng mga nalabhang damit.

Ives nodded. "Oo, may meaning 'yon. Maniwala ka sa 'kin, may meaning 'yon."

Unti-unting umangat ang sulok ng labi ko. "Tingin mo rin? Gusto niya kaya ako?"

Tumango ulit si Ives, patuloy pa rin sa ginagawa. "Oo nga. Gusto ka no'n. Parinig nang parinig, eh."

Tuluyan nang sumilay ang ngiti sa labi ko. Ganitong mga payo ang gusto ko. Hindi 'yung kinokontra ako at papagawa ang mga bagay na hindi ko gusto tulad ng pag-usad. Kaya kapag mga ganito, kay Ives talaga ako tumatakbo dahil siya lang ang sumasang-ayon sa lahat ng sinasabi ko.

Haru didn't reply when I sent a reel last night. Tanging kanta lamang sa IG note ang pinost niya at hindi na ulit nag-online. Medyo nagdadalawang-isip pa ako na umasa kagabi dahil hindi naman ako assumero, pero ngayong narinig ko ang mga sagot ni Ives, parang umaasa na ako nang kaunti.

"Napakabagal mo kasi kumilos. Baka maunahan ka pa ni Hayes. Niyayabangan ka na nga sa group chat na close na raw sila nung kapitbahay mo eh," aniya.

"Malandi kasi ang gagong 'yan. Hindi naman kasi ako malandi, pre," depensa ko.

Nameywang siya matapos maisampay ang pinakahuling damit. "Ano bang status niyo?"

I leaned back against the couch and stared at the ceiling. "Hindi ko pa alam. Pero sinubukan kong i-flames ang mga pangalan namin tapos F ang lumabas. Tang ina, fubu raw kami?"

"Huh?" nalilitong tanong niya. "Fubu ba 'yon?"

Nagkibit ako. "Nagtanong ako kay Sanjo kung ano meaning, eh. Sabi niya fubu raw."

Lihim akong napamura nang mapagtanto. Damn... Paano kung hindi talaga kami pang-magtropa at pang ganoong relasyon pala talaga? Nakakahiya tuloy. Makapag-bio nga mamaya sa Facebook ng 'born to be a lover boy, but forced to be a fuck buddy'.

"Eh ano? Makikipag-fubu ka? Si Hayes ka ba?" sarkastikong sambit ni Ives. "You shouldn't settle for that kind of relationship, man. Nakakabaliw ang ganyan."

Napaingos na lang ako. Hindi mabiro amputa.

"Biro lang. Mukha ba akong bembang dito bembang doon?" inis na sabi ko.

"Oo," walang pagdadalawang-isip na sagot niya.

Nagsalubong ang kilay ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Ang kupal, kibit-balikat lang na pumasok sa loob habang nakasabit sa balikat ang suot na t-shirt kanina.

"Mukha akong fuck boy?" kuryosong tanong ko, tila ba kinakausap na ang sarili dahil biglang pumasok sa CR si Ives.

I heard him laugh from inside the bathroom. "Oo nga. Mukha ka lang naman mabait dahil palangiti ka sa mga nakakasalubong mo. But try to relax your face and look at yourself in the mirror. You look like you're about to punch someone, dude. Mukha kang aso na mangangagat kapag seryoso ka."

Hindi ko alam kung panlalait ba ang sinabi niya o katotohanan. Parang nasaktan ako bigla, eh. Sa lahat ng pwedeng ikumpara sa akin, aso pa talaga.

But my mother mentioned it before. Nagpunta kasi ako sa office niya isang beses upang iabot ang pasalubong ko galing sa bakasyon namin nila Sanjo. I was too tired to greet everyone in the company, and I think that was also the first time they saw me. Natakot daw sa akin ang mga empleyado at may kumalat pa yatang chismis na masungit daw ako.

In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon